Mga Gusto at Pero

37 4 0
                                    


May 15, 2022 10:25 PM


Gusto kitang kausapin sa mga oras na nalulunod ako sa lungkot at pagod,

pero natatakot ako na baka ikaw ay aking maistorbo. 

Gusto kong ikwento sa'yo lahat ng achievements na natatanggap ko,

kaso nag-aalangan ako na baka ito'y balewalain dahil alam ko na mas higit pa ang kaya mo.


Gusto kong kamustahin ang bawat araw mo,

pero ayaw ko na ulit na maramdaman na sino ba ako para mag tanong..


Anong paborito mong kanta?

Anong paborito mong pagkain?

Saan lugar mo gusto pumunta?

O mahilig ka rin ba sa mga tala at tula, buwan at araw, o di kaya naman ay makinig sa tunog ng kalikasan?


Gusto kita hintayin sa panahon na pwede na,

Pero sa panahong iyon, ay hindi ko masisigurado na ako ay nandito pa..

Sa Pagitan ng mga Sukat at Tugma..Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu