" It's okay, wifey. " Nakangiting wika pa ni Arrone sabay pulupot ng kanyang braso sa baywang ko. Sumunod naman kami sa mga magulang ko papunta sa garden. Mayroon itong open house sa gitna kung saan may mga upuan at mesa.






Ipinaghila ako ni Arrone ng upuan sa tapat nila daddy. Naupo naman siya sa tabi ko habang hawak ang isa kong kamay.





" What's your plan with my daughter, Ezio? Kung aanakan mo lang din ang anak ko, I better give Ithamar a chance to marry to my daughter. " Pag-uumpisa pa ni daddy. Bahagya namang naikuyom ni Arrone ang kanyang kamay nang marinig ang pangalan ni Ithamar. Kahit ako ay nabigla sa sinabi ni daddy.





" Hon, don't pressure them. " Malumanay na wika pa ni mommy kay daddy at hinawakan ang balikat nito. Huminga naman ng malalim si daddy habang nag-aantay sa sagot ni Arrone.





" I may not be the best man, Tito. But I won't let anyone not even my cousin to replace my position. I will marry your daughter. I am just waiting for her until she's ready. I am not going to pressure her and proposed for the second time. " Mahabang sagot pa ni Arrone na ikinalaki ng mata ni mommy.





" Y-you already proposed to our daughter?" Gulat na tanong pa ni mommy at napatakip sa kanyang bibig. Samantalang si daddy naman ay nanatili parin na walang reaksiyon.





" Yes, mom. But she said no. I'll make sure that the second time I'll proposed to her will be in the church. " Nakangiting sagot pa nito at tumingin sa'kin.





" You're being unfair, Ezio. You're calling my wife mom, and you're calling me tito. Drop that also and call me dad. " Singit naman ni dad na nakabusangot. Bahagya naman kaming natawa sa kanya.




" Sorry for that, D-dad." Wika naman ni Arrone na muling nagpangiti kay daddy. He's always acting like that in front of us. Lalo na sa tuwing nagtatampo siya kay mommy.





MAAGA akong nagising ngunit agad na nangunot ang noo ko nang wala na naman sa tabi ko ang tatlo. Araw ng linggo ngayon kaya napasarap ang tulog ko. Matagal akong nagigising sa tuwing walang pasok ang mga bata.





Isang buwan na ang nakalipas simula nang magdesisyon si Arrone na dito muna kami mananatili hanggang sa manganak ako. Saka nalang raw kami uuwi ng Pilipinas. Subrang maalaga niya at 'di niya ako hinayaang maiwan dito sa bahay. Siya rin kasi muna ang pinahawak ni daddy sa kompanya dito.







Napangiti ako habang mahinang hinimas-himas ang aking tiyan. Medyo malaki narin ang umbok nito. Tudo alalay pa nga ang ginagawa ni Arrone at 'di ako hinayaang kumilos kahit nga sa pagbibihis at pag-aalaga ng mga bata ay gusto niyang siya ang gumagawa. Siya rin ang nagluluto sa mga pagkain namin upang masiguro niya raw na healthy ang mga pagkain at 'di nakakasama sa kalusugan. He's a total husband material.






" Oh, you're awake already." Nakangiting wika pa ni mommy habang nakasilip sa pinto. Napakunot naman ang noo ko nang makitang may dala pa itong malaking box at isang paper bag.






" What's with that box, mom? Nasan ang mga bata?" Sunod-sunod na tanong ko pa at bumaba sa kama. Ipinatong naman nito sa kama ang dala niya.




" Go, take a bath, honey. M-magsisimba tayo. The twin are so excited kaya nauna na sila ni Arrone sa simbahan. " Nakangiting wika pa ni mommy at hinila ako papunta sa banyo. " Take your time, honey. " Aniya bago isinara ang pinto. Nagtataka man ay naligo nalang ako.





Paglabas ko ay naabutan ko si mommy na nakabihis na ng peach dress at nakaayos narin ang kanyang buhok. Even her make up.



" You're done. Come in ladies!" Wika pa ni mommy at taka naman akong napatingin sa pinto nang pumasok ang tatlong babae. " You need to be beautiful, honey. Nakakahiya naman sa magiging asawa na magsisimba ka ng hindi nag-aayos." Wika pa nito at pinaupo ako sa harap ng salamin. Nagsimula namang ayusin ng isang babae ang buhok ko habang ang isa ay nilagyan ako ng kung ano-ano sa mukha.





Beyond Her Desire R18+ | CompletedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin