After last subject, napag desisyunan ko na umuwi na nalang ng maaga dahil Wala namang ganap ngayong Araw. Kinuha ko Yung phone ko sa bulsa at tinawagan si Mama Nelia (Yaya namin).

"Mama Nelia?? Pasabi po kay kuya Vic papasundo na po ako."

"Sige anak... Saan ka Banda para alam ni Vic kung Saan siya pupunta at mag p-park..". Sabi ni Mama Nelia sa kabilang linya.

"Pakisabi nalang po na  nandito po ako sa coffee shop sa tapat ng school. Dito niya nalang po Ako puntahan. Salamat Mama Nelia.." Ani ko.

"Oh Siya Sige na anak at may tinatapos pa akong gawaing Bahay" Ani ni mama Nelia kaya binaba ko na yung tawag.

Naisipan kong kumain muna habang naghihintay kay kuya Vic. I went inside coffee shop and then I saw Coleen.

With Josh again.. really?? Bakit kailangan ipamukha sakin na Wala akong pag-asa?..

"Really?? Date sa coffee shop?? How cheap.." I bitterly whispered.

Iniwas ko Ang tingin sa kanila at dumiretso na sa cashier para um-order ng Pagkain. Pumwesto Ako sa table malapit sa glass door malayo kanila Coleen. 2 reasons, una para makita kaagad si kuya Vic kapag dumating siya. Pangalawa, para Hindi ko Makita sila Coleen. Nagdidilim paningin ko...

Nilibang ko Ang sarili ko sa pag c-cellphone, tamang scroll lang sa Instagram. I took a picture of my food for my IG story with the caption 'kakain nang mag-isa :/ '

Hindi pako tapos kumain nang dumating si kuya Vic kaya iniwan ko nalang Yung natira kong Pagkain at tumayo na para lumabas. Binuksan na ni Kuya Vic ang pintuan ng  backseat para sakin.

"Ate Gabb wait!"

Lumingon ako sa babaeng sumigaw at nakita ko si Coleen na nakahawak sa tuhod at hinihingal.

"Oh! Bakit Coco?" tanong ko sa kanya.

"Hehe..Ate Gabbobi pwede ba akong sumabay pauwi??"Nakangiting pag b-baby talk niya with matching puppy eyes pa nga..

What The hell??

"Tskk... Makikipag date sa iba tapos mag papahatid sakin.." bulong ko sa sarili.

"Huh? May sinasabi ka ba ate?" Tanong ni Coleen. Mukhang Hindi Niya naman ata narinig...

"W-wala! Sabi ko, bakit Hindi si Josh Yung maghatid sa sayo?" Tanong ko pabalik.

"Ahh, may pupuntahan pa Kasi Siya kaya hindi niya ako mahahatid sa Bahay.." Sabi Niya at ngumuso.

"Baka may Ibang babae?" Biro ko Kay Coleen. Tinignan niya ako ng masama.

"Hindi ganon si Josh ate! May Galit ka ba sa kanya??" Tanong ni Coleen na ikinagulat ko. "Bakit lagi kang bad mood pag nakikita mo si Josh??"

"H-huh? Bakit mo naman naisip Yan?? Wala akong galit sa kanya noh.." Sabi ko nang Hindi lumilingon sa kanya. "Halika ka na nga!" Sabi ko at pumasok na sa backseat.

Sumakay narin si Coleen sa backseat at nagsimula ng paandarin ni Kuya Vic ang sasakyan. Tahimik lang kami buong biyahe, Walang may nagtangkang magsalita. Siguro dahil pare-pareho ding mga pagod.

Huminto na ang sasakyan sa tapat ng
bahay nila Coleen kaya lumingon ako sa kanya.

"Nakatulog Pala tong babaeng toh" dahan-dahan kong hinawakan ang balikat niya at niyugyog. " Coleen wake up! We're here na!"

Unti-unti niyang minulat ang mata niya. Tumingin siya sakin at ngumiti.

Shittt! Her smile... Her brown eyes..
Pano ka naging ganyan ka Ganda kahit bagong gising..

"Nandito na pala.." Sabi niya at Umayos ng upo. Kanina pako nakangiti na parang tanga habang pinagmamasdan Siya. "I have to text Josh na naka uwi nako."

Nawala bigla Yung ngiti ko." Coleen, kayo na ba ni Josh?"

Namula bigla si Coleen dahil sa tanong ko. "Ah Ano- hindi pa ate.."

"Hindi pa? May chance ba Siya?" Tanong ko ulit.

"Ewan..Siguro..pwede.."Sagot sakin ni Coleen.

Eh Ako ba may chance??..

"Ahh..Sige na pasok ka na sa inyo tapos text mo narin si Josh na nakauwi ka na." I said bitterly.

"Thank you sa paghatid ate Gabb! bye!" Sabi niya at kumaway.

Ngumiti Ako at kumaway din Bago ko sinarado na ang bintana at tuluyang umalis. Pagkauwi ko sa Bahay ay agad akong pumunta sa kwarto at ibinagsak Ang katawan sa Kama..

"Fuck..Ang lungkot ng Araw na toh.."
Sabi ko at bumagsak ang munting luha sa aking mga mata Bago Ako nakatulog..

♦♦♦♦♦

Hi guyss.. ito na Yung prologue.
Sorry kung sabaw tsaka medyo mapanakit.

•BIGZSOSEXY•

Shelter My Homeless Heart Where stories live. Discover now