"I'm happy that she's happy ate.
At the same time malungkot din kasi hindi ako yung reason kung bakit siya masaya." Bumuntong hininga ako at may biglang pumasok sa isip ko.

"What if umamin ako ate? What if I tell her I like her?"

"No!." Hindi pagsang- ayon sakin ni ate Brei.

"Why not? Hindi naman yata sila ni Josh, at tsaka malay mo.." napayuko ako at huminga naman ng malalim si Ate Brei.

"Malay mo ano Gabb? Tsskk.." Umayos ng upo si ate Brei at tinitigan akong maigi.

"What?" Curious na tanong ko.

"Listen to me Gabb. She's not into you and girls is for boys only Gabb.." Sabi ni ate Brei habang nakatitig parin ng mariin sa akin. Tumawa ako ng malakas. "What's funny?"

"I don't think Girls is for Boys only ate. Marami na akong nakikitang bisexual na babae tsaka Bakit si Ate Sela and ate Abby?? And also you!" Sabi ko sabay turo sa kanya. "Diba gusto mo si ate Lara?"

"Yes, I like Lara but not to the point na jojowain ko siya. You and Lara have the 'maangas vibes' and thats the reason why I like Lara pero mas malakas Yung dating mo kahit medyo mahaba yang buhok mo and about Abby and Sela?"

"What about them?"

"Their love for each other is genuine Gabb. Hindi pilit. Hindi siya one sided love katulad ng mangyayari sayo if aamin ka man kay Coleen. Kaya kung ako sayo, huwag na. Just keep your feelings for her."

At sa puntong iyon, napag isip-isip ko na tama si Ate Brei, I should keep it. I should keep my feelings for her. Hindi kami parehas ng nararamadaman ni Coleen at masasaktan lang ako kung sakaling aamin ako sa kanya. Nagkakagusto siya sa lalaki lang at Ako naman nagkakagusto sa babae at lalaki.

I like both girls and boys pero mapili ako pagdating sa mga lalaki. Hindi ko gusto sa lalaki yung mga pa-cute at papogi. Gusto ko Yung mga maangas...Yung mas maangas pa sakin at sa girls naman, syempre Yung sexy at maangas din. Ewan ko ba bakit ko nagustuhan yang si Coleen, eh Wala naman siya sa ideal girl ko. Isama mo pa yung fact na para Siyang baby kung kumilos...Baka...Siguro Yung pagiging jolly niya..yeah.. baka nga nagustuhan ko Siya dahil sa attitude niya.

Natapos na Yung lunch kaya dumiretso na kami ni ate Brei sa sari-sarili naming classroom. 3  months nalang college na kami. I'm so happy kasi malapit na namin matupad Yung mga pangarap namin.

pero Yung pangarap  na mapasakin si Coleen.. mukhang Malabo :(

"Ate Gabb nandito ka pala. Halika teh, sabay na tayo.." Sabi ni Amy na nasa tabi ko na ngayon. Babaeng toh talaga..palagi nalang sumusulpot..

Sumang-ayon naman ako sa kanya Kasi magkaklase naman kami at pareho kaming HUMSS ang napiling strand. STEM ang kinuha ni Coleen and Brei tapos sila ate Abby, Alice, Ecka, Belle, Sheki, Sela at Jem mga college na. Kaunti nalang kaming naiwan sa senior high kasama sila Jaydee, Laney, Amy. Balak din naming mag enroll sa university kung nasan sila ate Abby para nagkikita kami. May mga iba nga lang nasa ibang University.

Pumasok na kami sa room kaya nakuha namin ang atensyon ng mga kaklase namin. Well, sino ba namang Hindi lilingon?? Sa Ganda naming toh.. hahaha! ( Gabrielle "mayabang" Skribikin)

'ang ganda talaga ni Gabb at Amy'

'angas talaga nila..'

'Sakin lang si Amy pre ah?'

'lakas talaga ng dating'

Ilan-ilan sa mga bulungan na narinig namin. Umupo na kami sa dalawang upuan malapit sa pinto sa may likuran at nakinig na sa discussion.

Shelter My Homeless Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon