CHAPTER 50- Trouble

Start from the beginning
                                    

"Stop nga muna. Ganito 'yon, okay? I found my home, my family, my real family. Gets niyo na?" Napangiwi ang tatlo, samantalang napakunot naman ang noo ni Terance. Hula ko hindi pa nag sisink in sa kanila ang sinasabi ko.

Let's count.. one.. two.. "Huh?!" Sabay na sabi nilang apat.

"You f-found them?"

"Talaga?!"

"We?" Napangisi ako.

"Oo nga kasi." Nagulat na lang ako nang bigla silang tumiling tatlo at mabilis akong sinugod sa kinauupuan ko. And when they're near and close enough they hug me, tightly.

"We're so happy for you!" Sabay nilang sabi sa akin.

"Thank you." Nagawa ko pa rin 'yong sabihan kahit subrang higpit nang yakap nila sa akin, 'yong tipong pinipiga na nila ako.

Umangat ang tingin ko at hinanap nang mga mata ko si Terance na parang nakahinga nang malalim, hawak hawak pa nito ang dibdib niya na para bang nawala ang tinik doon.

Eh? Anong nangyari sa kaniya?

"Are you okay?" I mouthed, with worry plastered on my face.

"I'm glad," kumunot ang noo ko, "I mean I'm happy for you..." Napatango tango na lang ako sa kaniya kahit nagtataka pa rin sa mga kinikilos niya.

Mayamaya, nang matapos ang yakapang naganap sa akin ay inulan na naman ako nang subrang daming tanong galing sa kanila. Tinatanong nila kung paano nangyari 'yon, kung saan, kailan, at ano ang nangyari sa akin nitong mga nagdaan nang taon. Ang dami dami pero nagawa kong sagutin lahat 'yon.

"So, what's your family name?" I cross my arms, and smirked proudly.

"Del Gozon."

"Ow..."

"Nice surname— What?! Del Gozon?" Gulantang nilang sabi at nanglaki pa ang mata.

"Yup, the Del Gozon." I stood up, "I'm Pershiana Del Gozon by the way, nice meeting y'all." Nilahad ko ang kamay ko nang may ngiti sa labi, samantalang lahat sila ay tulala pa rin, hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kahit nga si Terance tulala rin, walang ka ide-ideya.

"Woah, that's a big and a famous family you got there." Jesh said amazed, and the rest is still speechless.

I smiled sweetly, "Yup, hindi rin ako makapaniwala noong una kagaya niyo."

"We? Seryuso? Hindi nga? Baka niloloko mo lang kami, ah." Tinapik nito ang kamay kong nakalahad pa rin. Tinawanan ko lang sila sa naging reaksyon nila at umupo ulit sa harapan nila.

"Oo nga kasi, you can check it if you want.." I lifted my phone then hand it to them. Inopen ko ito at pinakita sa kanila ang locks green ko. Nag-unahan naman sila sa pagtingin no'n, nagtulakan pa nga, eh. That's when they rushed towards me and hug me again.

Walang katapusang yakap.

Mayamaya, napagpasyahan naming kumain dahil nagugutom na si Gerkey— yes po, siya ulit. Siya naman lagi ang nag-aaya, eh.

Pinili nila ang isang restaurant na kakilala lang ni Terance. Muntik ko pa ngang makalimutan na madami pala siyang koneksyon, eh. At dahil nga kakilala niya iyon, subrang inasikaso kami noong may-ari, at subrang bait niya rin talaga. Hindi lang 'yon, ang ganda ganda niya pa, at sa tingin ko rin ay may gusto siya kay Terance. Hindi naman sa pagiging manghuhula pero kitang kita kasi sa kaniya— ewan ko kung napansin ba 'yon nang mga bakla pero pansin na pansin ko. 'Yong mga titig niya pa lang dito. Well, bagay naman din sila, eh kaya why not 'di ba?

"Saan na kayo pagkatapos nito, Rance?" She's not just beautiful and kind, she has a nice voice too. Subrang hinhin niya magsalita.

"Babalik kami ulit sa shop, baka may kukunin pa si Ele." Nilingon ako nito.

"Huh? Ah, wala na, no. Kung gusto mo dito pa tayo, if you want." I smiled at them.

Ship ko na agad sila, bagay na bagay, eh.

"No, no. We can go now, pero kung may gusto ka pa, just tell me ako na ang bibili." Astang tatawag ito nang waitress nang hilahin ko siya at nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya.

Ang hina hina kasi kumilos, ako na nga lang magsu-suggest kong anong gagawin niya.

"Terance naman, 2022 na uy, hindi na uso 'yong torpe kaya ayusin mo. Sayang." Bulong ko pa rito na ikinakunot nang noo nito.

"What do you mean?" Bulong niya rin. Nagmukha tuloy kaming may sekretong hindi dapat malaman nang iba.

"Galaw galaw. 'Wag muna—"

"What the hell do you think you're doing, Portia?!" Nagulat ako nang biglang may humila sa akin palayo kay Terance, pero mas nagulat lang ako nang hilahin din ako ni Terance pabalik, edi ang ending hawak hawak ako nila....

I messed up. I think I'm in trouble again.

A/N:
So.. ako na ba ang magsasabi kay Portia o kayo na? Introducing, Pershiana (Portia Ele) "Manhid" Del Gozon.

Late update for todays videoww, gising pa ba??

The Billionaires MaidWhere stories live. Discover now