"Bakit bro?" Tanong ko.

"Tara na?" Sabi nya naman.

"Ngayon na ba? Kain muna tayo" sagot ko naman.

"Sige" sabi naman ni Karlos at naglakad na papunta sa kotse.

Tumayo na kami ni Soffi para pumunta sa kotse namin.

"Dito nalang tayo. Isang kotse nalang muna gamitin natin" sabi ni Karlos at pumasok nasa kotse.

Sumunod naman kami ni Soffi. Si Soffi naman patuloy lang sa paghigop ng Frappe nya.

Pumasok na kami sa kotse ni Karlos.

--

"Saan nyo ba gusto kumain?" Tanong ni Karlos.

"Kahit-- saan" napatigil ako sa pagsasalita nang nakita ko yung pinaglagyan ng frappe ni Karlos. Nakasulat dun yung pangalan ni Soffi.

Bakit kay soffi yun? Sinubukan kong tignan yung frappe ni Soffi.

At ang naka lagay.. 'Karlos'?

A- ah.. A- ILIPAT NYO MUNA YUNG POV!

A/N: okay po.

Karlos POV

Bigla nalang natahimik si Darren at nakatingin nalang sa Bintana. Nakayakap sakanya si Soffi. Nako! kung hindi lang lumandi si Soffi edi sana kami pa ngayon.

Hindi tuloy ako makapaniwala na may asawang malandi si Darren.

"Teka.. Artista karin ba?" biglang nagsalita si Soffi.

Napapreno naman ako.

"Oo. Hindi mo ako kilala?" Tanong ko. Si Darren naman nakatingin lang.

"Kilala. Karlos right?" Sabi nya naman.

"Yeah! Nakilala mo lang ako kasi nagkapalit tayo ng frappe. Pero hindi moko kilala kung sino talaga ako" sabi ko.

Bigla naman napatingin si Darren sakin.

"Nagkapalit kayo ng Frappe?" tanong ni Darren

"Oo . hindi kasi sya makapagantay kanina. At infairness baby.. Meron ka palang kaibigang sinungaling?" Sabi naman ni Soffi.

"Sinungaling?" Tanong ko.

"Oo! Ikaw yung bumangga sakin kanina sa parking! Kung ano ano pa nga yung sinabi mo sakin diba? Tapos malalaman ko kaibigan kapala ni Darren? *minsan talaga ang tanga ko.. Kaines!*" bulong nya yung naka slant.

"Teka nga teka. Soffi? Bakit galit ka sa kaibigan ko?" Tanong ni Darren.

"Eh kasi.."

"Nandito na tayo. Darren yung shades mo"sabi ko naman.

Hindi dapat malaman ni Darren na Ex-Girlfriend ko si Soffi. Eh si soffi nga kinalimutan na e.

"Okay na ako. Soffi mag shades ka rin" sabi naman ni Darren.

--

Mrs.Espanto's POV

Pumasok na kami sa mall.

"Kenju Restaurant tayo ha. Nakakamiss kasi yung mga Chinese foods!" sabi ko tapos kinalawit ko yung braso ko sa braso ni Darren❤

"Talaga? Favorite ni Karlos yun e." sabi naman ni Darren.

Napatingin naman ako kay Karlos. Napaka misteryoso naman neto.

Nakekwento na sya sakin ni Darren pero parang may Iba sakanya e.

Punyemas to. Nakaka stress! Ayoko na syang isipin! nakaka bagot na! Lol nasasayang ang ganda ko sakanya.

Nang makarating na kami sa Kenju Restaurant. Aww! Nag Craving naman ako. Eh kasi!

"Ako na oorder" pagprisinta ni loko. Lol. Ni Karlos daw?

"Sige hahanap nalang kami ng table." sabi ni Darren tapos hinawakan yung kamay ko.

Pumunta kami sa isang table. Sa dulo ng restaurant. Para walang maka kilala namin. Duh! Mga artista kaya kasama ko. Ewan ko lang sa isa. eh mukang hindi naman artista -_- Oo gwapo sya, pero mas gwapo parin yung asawa ko❤

"Soffi.." sabi ni Darren. Naka upo na kasi kami ngayon. Magkatabi kami syempre❤

"Yes baby?" sabi ko tapos humarap ako sakanya. Ow... magkalapit nanaman mukha namin.

Nilayo nya yung mukha nya at tinanggal bya yung shades nya..

"May Dapat kabang ikwento sakin?" tanong nya tapos tinignan ko sa mata.

Yung mga gantong pagkakataon natatakot ako e. Ibig sabihin kasi nyan nagseselos sya. pag yung mga tanong nya e..

Sino kasama mo kanina?
May dapat kabang ikwento?
Ikaw bahala.

Mga ganyan nya alam kong nagseselos yan or may nagawa nanaman akong mali.

"Hmm. Tungkol san?" sabi ko tapps tinanggal ko rin yung shades ko.

"Coffee Shop" Simple nyang sabi tapos umiwas nang tingin sakin.

Lumapit ako sakanya..

"Hmmm. Yung lalagyanan siguro ng frappe ko?" sabi ko sakanya.

Hindi naman sya sumagot. Hmm..

"Kasi yang kaibigan mo e. Kanina nagpunta ako sa coffee shop then umorder ako ng Javachip.. tapos habang nag aantay ako nakita ko yung kaibigan mo na pumasok sa coffee shop.." napatigil ako sa pagsasalita ng nangsalita si Darren.

Being MRS.ESPANTO (A Darren Espanto Fantic)Where stories live. Discover now