Prologue

156 1 0
                                    

“Ano hindi ka pa ba kikilos dʼyan?! Ang daming customers, na naghihintay sa ʼyo!”

“H-heto na, may k-kinukuha lang ako,” taranta kong sambit sa babaeng nanggagalaiti sa akin.

“Ang bagal-bagal mo naman kasi. Sa halip na dumami ang customers natin, lalo lang nawawala. Isa pa, bakit ang haba ng palda mo? Hindi ba may binigay ako sa ʼyong mas maiksi riyan.”

“Pasensya na, h-hindi ko naman kasi alam na sa akin pala ang damit na ʼyon.”

“Oh, basta isuot mo mamaya ang damit na ibinigay ko sa ʼyo. Dahil natitiyak akong darating ang may-ari ng bar na ʼto. Baka sabihin noʼn. Hindi kita pinagsabihan.”

Halos mangatal ang buong katawan ko sa malakas na paghagis niya sa akin ng puting tuwalya. Hindi ko ba maintindihan kung bakit ito pa ang napili kong trabaho? Subalit ano nga ba ang magagawa ko? Wala naman akong sapat na pera para makalayo sa lungkot na naranasan ko. Dahan-dahan kong inilapag ang rectangular serving stray sa bar counter. Saka ako pabagsak na naupo sa bar stool chair. Napansin ko ang pagtitig sa akin ng isang bartender na si Yvon.

“Ano naloloka ka na ba sa mga naririnig mo sa babaeng ʼyon?!” tanong ni Yvon sa akin.

“Naku, hayaan mo na. Ako rin naman kasi ang mali. Hindi ko kasi sinunod ang gusto niya.”

“Anong pabayaan ka r'yan?! Patulan mo kasi ng madala kahit konti.”

“Yvon, kung gagawin ko ʼyon. Tiyak na gulo lang at kahihinatnan noʼn. Alam mo naman na ayoko ng gulo at mawalan ng trabaho. Lalo na ngayon ang hirap ng buhay mag-isa.”

“Pumili ka na kasi, kung sino ang gusto mo sa kanila?” Mabilis na pagturo ni Yvon, sa hindi naman kalayuan sa amin.

“Nababaliw ka na ba? Bakit ko naman ʼyon gagawin?”   Sabay pag-irap ng aking mga mata sa kaniya.

“Para ma-solve ang problema mo. At makaalis sa madilim na lugar na ʼto.”

Tila ba ikalungkot ko ang mga sinabi ni Yvon sa akin. Hindi dahil sa aalis ako. Kundi sa naaalala ko na naman ang mga pinagdaanan ko sa aking nakaraan. Batid ko sa sarili ko na hindi pa ganoʼn kahilom ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang kalimutan si Rita. Minsan umiiyak na lamang akong mag-isa. Kahit pagtawag sa telepono ay hindi ko magawa.

Nagulat ako sa lakas ng hampas ni Yvon sa lamesa. Ginamit kasi nito ang basong madalas niyang paglagyan ng alak.

“Hoy! Kanina pa ako nagsasalita rito. Kahit isang tinig wala na akong narinig galing sa ʼyo!”

“Nakakagulat ka naman,” wika ko. Habang inaayos ang ilang alak na ibibigay ko sa mga customer na abala sa pag-aaliw ng ilang mga babae.

“Ano tapos ka na ba riyan? Tinatawag ka na ni Madam Auring.”

“Ikaw, ha? Magdahan-dahan ka magsalita ng ganʼyan. Baka mamaya marinig tayo ng babaeng ʼyon.”

“Sa lakas ng sound system, dito sa loob ng bar. Imposibleng marinig tayo ng abnormal na babaeng ʼyon. Maliban na lang kung magaling siyang manghula ng sinasabi ko, tsk.”

“Kahit kailan ka talaga, Yvon. Ayaw na patatalo sa kanʼya.”

“Bakit naman ako patatalo. Isa pa hindi siya ang may-ari ng bar na ito, kaya lumugar sʼya.”

Malakas na halakhak ang pinakawalan ko sa kaniyang harapan. Pakiramdam ko ay sumakit ang tiyan ko sa labis na pagtawa. “Wow, ibang klase ka Yvon, congratulations.”

“Tumigil ka nga, Anastasha. Sige na, magtrabaho na tayo. At darating daw ngayon ang may-ari ng bar na ʼto.”

“Parang ayoko na magtrabaho— kapag nagkataon.”

Dark Secrets Series: Save meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon