Isang pinong ngiti ang sumilay sa mga labi niya at tumindig na rin.

A soft music was filling the room at ilan pang magkakapareha ang nagkayayaang pumagitna sa dance floor. Kinabig ni Andrew ang bewang niyang pahapit dito sa paraang tila iyon na ang pinakanatural na gawin sa mundo. Napansin marahil nito ang bahagya niyang pagkatigagal kaya dumiin pa ang puwersa nito sa likod ng bewang niya.

Napasunod na ang indak niya nang magsimula si Andrew. At bagama't noong una ay nakakaramdam pa rin siya ng kaunting pagkaasiwa ay naglaho na rin iyon. Ipinapagkanulo siya ng sarili niyang kilos. Nang ilagay ni Andrew sa leeg nito ang mga kamay niya ay kusa nang kumapit iyon.

Andrew was like some drug she had been addicted to. Kahit na anong dikta ang gawin niya sa puso upang sabihing nakaraan na ang lahat sa kanila nito ay mayroon pa ring katiting na pag-asang pilit na nangingibabaw. Lalo na kapag ganoong pawang magagandang bagay ang ipinapakita sa kanya ni Andrew.

Being this close to him was like some form of exquisite torture that frightened and excited her at the same time. Ang isang kamay nito ay umakyat sa batok niya at banayad na minasahe ng mga daliri nito ang kapirasong laman doon.

Napapikit siya. Kilala niya ang sensasyong gumapang sa buong gulugod niya. At tanging si Andrew lamang ang may kakayahang pukawin siya nang ganoon.

"Do you have a boyfriend now, Rachel?" mahinang tanong nito.

"Wala."

Sa pagkakalapit nilang iyon ay naramdaman niya ang marahang pagtango nito. Hinihintay niyang magtanong pa uli ito subalit ibinalik muli ang noo sa pagkakadikit sa kanya at tahimik siyang isinayaw.


PABALIK sa Boracay Island Hotel ay pinili nila ni Andrew na maglakad na lang. Maaga pa sa relo niya at lalong maaga pa sa mga entertainment points sa isla. Mas marami silang nakakasalubong patungo sa iba't ibang bar at disco.

"Are you cold?" linga nito sa kanya.

Sleeveless ang bestidang suot niya at medyo malalim ang ukab ng likod. Ang mahalumigmig na simoy ng hangin ay nagdudulot ng bahagyang ginaw sa kanya sapagkat likas na mahina siya sa lamig. Napansin marahil nito ang pandalas na paghagod niya sa mga braso.

"Kaunti," sagot niya pagkuwa.

Hinubad nito ang jacket at ibinalabal sa kanya. Akala niya ay hanggang doon lamang ang gagawin nito. Nagitla siya nang akbayan siya nito at kabigin pa papalapit dito.

Ang natural na init na nagmumula sa katawan nito ang umapula sa ginaw na nararamdaman niya.

Parang natural na lamang sa kanila na magkahawak ang mga kamay nang pumasok sila sa hotel. Madali silang nakalagpas doon sapagkat ang bati ng paggalang na ibinigay sa kanila ng naka-duty roon ay mabilis nang dinismis si Andrew.

Nang itulak niya ang pinto ng kuwarto ay maagap ang kamay ni Andrew na pumigil sa kanya. May pagtatakang tiningnan niya ito.

"God! I've wanted to do this all night," bulong ni Andrew bago tinawid ang pagitan ng kanilang mga mukha.

Mariin ang mga labi nitong umangkin sa kanya. Napatda siya sa ikinilos na iyon ni Andrew subalit bago pa niya nagawang itulak ito ay agad nang nangibabaw ang damdaming napukaw sa kanya. Sumunod na sandali ay namalayan na lamang niyang gumaganti sa mga halik nito.

Tila ipo-upo sa kamalayan niya ang mga sumunod na pangyayari. Isang kisapmata lamang marahil at nakapasok na si Andrew sa hotel room at inilapat ang pinto sa pamamagitan ng isang paa nito.

Tila wala siyang pagkakataon para magprotesta. Sa mismong pintong iyon siya isinandal ni Andrew at minsan pang pinaliguan ng halik ang buong mukha niya.

Ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang sensasyong nadarama mula rito. Inilagay na lamang niya sa likod ng kanyang isip ang umaahong pagtutol. She loved Andrew, aware siya sa katotohanang iyon. At isang malaking pagkakait sa mismong sarili niya kung pipigilan niya si Andrew sa ginagawa nito.

He stopped kissing her at masuyo siyang pinagmasdan. Hindi niya kayang bigyan ng pangalan ang emosyong nasa mga mata nito. At hindi rin naman niya magawang salubungin ang mga tingin nito nang matagal kaya pinili niyang ipako na lamang ang tingin niya sa ibaba.

Walang salita na inakay siya ni Andrew patungo sa silid doon. Hindi na niya nagawang magtaka kung paanong tila gamay na si Andrew sa silid na iyon. At sukat na makapasok sila doon ay niyapos siyang muli ni Andrew.

Tila may hatid na apoy ang bawat haplos nito sa kanya. At siya naman ay kagyat na nadarang sa ginagawa nito. Halos nagmamadali pa silang alisin ang mga saplot sa katawan. At kapwa tila mga bagong panganak na sanggol na humantong sila sa malambot na kama.

Waring higit na mainit ang bawat paghalik nito kaysa sa mga nauna. At nang sandaling inayos nito ang sarili upang ganap siyang angkinin ay minsan pang natigilan ito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Sa ibabang katawan niya ay naroroon na naman ang pamilyar na sakit. Nang hanapin nito ang mga mata niya ay nahihiya siyang umiwas ng tingin.

"Still tight," pabulong na wika nito.

Bahagya siyang napatango. Sa kabila nang nag-iinit niyang mga pisngi ay naramdaman niyang mayroon pa rin siyang dapat na ipagmalaki.

"There's no one... but you," paanas ding sagot niya.

He smiled lazily bago dahan-dahang yumuko at kinintalan siya ng halik. Sa bandang ibaba ng mga katawan nila ay nagsimula na itong angkinin siya.

She had never imagined that anything could be such a sweet torture. Her head arched back as her body took up the rhythm. His thrusts were bringing her closer and closer to the brink of ecstasy. At nang sa wari nga ay narating nila ang kadulu-duluhan niyon ay naramdaman na lamang niya ang isang hindi maipaliwanag na pagsambulat.

Hindi niya kayang itanggi ang kaligayahang pumuno sa buong katawan niya. Bago bumaba sa tabi niya si Andrew ay isang mabilis na halik ang ginawa nito sa tungki ng ilong niya.

Kuntentong ipinikit niya ang mga mata. Nang yakapin siya ni Andrew ay gumanti siya ng yakap dito.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - BORACAY 2 - Not Just Another Brief Summer AffairDonde viven las historias. Descúbrelo ahora