Nagulat ako sa kanyang isinawalat. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakikinig sa kanya.


"But that Varzon was too high for my son to reach. She's known by the world. She's popular to everyone that she didn't even notice my son admiring her from afar. Kahit pa na magkakilala naman ang aming mga pamilya." aniya.

Para siyang nalulunod sa nakaraan habang inaalala ang nangyari para ikuwento sa 'kin 'to ngayon. I can't even imagine how hurt it is to think about your son who left you for years now, and couldn't even comeback, dahil patay na.


"But just like how you're willing to do anything for your love, my son was persistent to chase her. He was desperate to make her notice his presence. To know that he existed in that lifetime." it was like his heart was the one talking right now. Nakita ko ang pagngilid ng luha sa kanyang mga mata.

"What happened, then?" I asked.


"He succeeded for making her fall for him. He was beyond happy when it happened that their feelings were mutual. They were okay... at first. But when a bomb like news came, it lost my son... that made me lost him too." huminga siya ng malalim na para bang nahihirapan siya sa paghinga.

"Ano ang ibig niyong sabihin? Anong balita-"



"Malakas ang tingin namin sa Varzon na 'yon. Jasmin Lorna that hard to tame and that was unbreakable. Pero hindi namin alam na may dinadala siyang problema... na nasasaktan siya at nahihirapan sa responsibilidad na nakapatong sa kanya. Na malakas siya at akala namin wala na siyang mahihiling pa. Nakakaya niya pa 'yon nung una... She was indeed a strong Varzon, tanggap niya ang kapalaran ng isang Varzon na magmamana sa lahat ng yaman ng pamilya nila. But when my son cheated on her, 'yon na ang hindi niya nakayanan..."


Wala sa sarili kong naihampas ang palad sa ibabaw ng mesa. That word triggered my system and for the reason that Mikael's face came in my mind too.


"Alam ba nila 'to? Ni alam ba nila 'to, Tito? Sa naalala ko sa mga kwento ni Mikael ay namatay ang kapatid niya sa isang aksidente? Tapos malalaman ko 'to? Bakit niyo ito sinasabi sa 'kin ngayon?" I gritted my teeth.


He remained calm as pain was evident in his eyes.


"I tried to talk it out with my son. Alam niyang nagkamali siya. He wanted to comfort Jasmin but she was too mad to even listen to him dahilan ng pagkakalasing niya at wala sa sariling minaneho ang sariling kotse. My son tried to chase and save her but he was too late, dahil kaagad na sumalampak si Jasmin sa isang truck. Duguan at walang malay. Sinubukang iligtas pero namatay bago pa maidala sa ospital."

"What the hell?" napasigaw ako.


"Sobrang nagalit ang mga Varzon. I didn't really retire from my previous work. Kundi dahil pinatanggal nila ako sa kahit anong trabaho na pasukan ko. We were miserable. Halos mabaliw kami ng mga anak ko sa galit na natikman namin mula sa kanila. Gusto kong magalit sa panganay ko pero alam kong nasaktan din siya. Hindi namin siya makausap ng maayos." tumulo ang isang butil ng kanyang luha. "The time when we begged to them, to go easy on us, and forgive my son for the mistake he did... was the time where my son ended his own life. N-Nagpakamatay ang anak k-ko..." nabasag ang boses ni Mr. Jaysel.

I gulped and didn't say anything. Hindi ako naaawa sa anak niya, naaawa ako sa kanya bilang ama na kulang ang salitang nasaktan sa naramdaman niya nang malamang wala na ang anak niya.


"Gusto kong magalit sa kanila. Sa lahat. My son did love the first born Varzon but made one mistake. He was depressed and bashed by many. Sikat sila kaya hindi na ako nagulat na pinagpiyestahan ang naging pagmamahalan nila."

"Don't you dare justify your son's cheating issue. If he really did love her, he wouldn't even think to cheat on her."

Umiling siya, tila gustong kontrahin ang sinabi ko pero masyado siyang nanghihina sa isinawalat.


"Gusto ko man magalit sa maimpluwensya at mayaman nilang angkan, ay wala akong nagawa. Alam kong nagkasala ang anak ko. Walang mas isasakit pa ang mawalan ng anak dahil sa kagagohan na ginawa ng isang tao. Mas lalo lang akong hindi nagalit nang sila mismo ang unang lumapit sa pamilya namin para humingi ng tawad at nakiramay sa pamilya namin. They were miserable and beyond mad, sobrang nasaktan sila sa nangyari kay Jasmin pero nagawa nilang magpakumbaba dahil naisip nilang nasaktan din ako sa nangyari sa anak kong nawalay sa 'kin. Ang tindi nilang magalit... pero marunong silang kontrolin iyon at pairalin ang pagiging mabuti nilang tao."

My heart hurt a little for that, thinking how Mikael was raised well by his family. How they were tagged as most respected businessmen and businesswomen in their fields.


Bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Kaagad akong natauhan at marahas sana 'yong babawiin nang humagulgol na siya sa iyak ngayon. I was too stunned to speak. Ang tanging nagawa ko ay ang nanlalaking mga mata siyang pagmasdan.


"D-Don't make me lost my daughter again... Ayaw kong muling mawalan ng anak... Ayaw kong mawala si Chelsey sa 'kin. I'm begging you, ihja, give this moment for my daughter." humikbi siya. Sa unang pagkakataon ay nawala ang tingin ko sa kanyang malakas at maamo dahil sobrang nanghihina siya ngayon.

"Ano ba ang pinagsasabi niyo dyan?" marahas kong tanong. Galit sa isiping may klaseng anak ang kayang gawin ito sa kanyang magulang.


Bigla akong nanlamig nang maisip ang sariling ama. At ang mga naging trato ko sa kanya.

"Chelsey almost ended her life when her first boyfriend broke up with her. I don't want her miserable again... I don't want to lose her-"

"Dahil si Mikael ang mahal niya ngayon? Anong klaseng pagmamahal 'yan!" malakas kong binawi ang aking kamay na hawak niya dahil sa kanyang sinabi at agad na tumayo.

Pinagtitinginan na kami ng mga iba pang customer ngayon pero masyado pa akong gulat sa nangyayari at sa mga nalaman ko mula sa kanya.

I had a hunch that he would make me do that. But I never thought this is something deeper! Na may mas malalim pa palang rason kung bakit gusto niyang layoan ko si Mikael.

"Ihja..." tawag niya sa 'kin.

Tuluyan nang nabura ang maamo niyang mukha kanina. He looked like a father begging for food they couldn't have... para lang may maipakain sa anak.


"Doktor siya, 'di ba? Bakit hindi niya kayang gamutin ang sarili niya?" hindi ko na maikontrol ang bibig ko.

Because even if I disliked Chelsey so much. Even if I now have feelings for Mikael. I'm willing to give him up for someone's sake... Dahil gaya ng sabi ni Mr. Jaysel, ay malakas ako at kaya ko ang sarili ko... na ngayon ko lang naisip kung magiging masaya ba ako sa ugali kong 'yon.

Halos mahimatay ako nang malamang may sakit si Mama. Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman sa isiping mawawala siya sa 'kin. A father like him, begging me to let his daughter not lose herself again was something familiar to me. Just like how I begged to the Heavens to let my Mom live longer. Ang ina kong nakahilata sa kama ngayon na lumalaban para mas mabuhay ng matagal.

Kaya sino ako para ipagkait 'yon sa kay Mr. Jaysel? Sino ako para mas isipin ang sariling nararamdaman kaysa isipin ang isang amang natatakot para sa kalagayan ng anak?

-

Embracing The Fire | Fire Series #1Where stories live. Discover now