34

287 27 5
                                    

Yzabel's Pov

Walang pasok at kasalukuyang narito lamang ako sa condo kasama ang napaka kulit na bata na para bang sinindahan ang pwetan sa sobrang kulit nito.

Naiinis na ako sobra , kung pwede lang sana na tanggalin ang dalawang paa nitong ni jacob ay gagawin ko talaga.

"Tati! Tati! Tati , look oh? I'm flying! Wohooo!! Supermaaan! Batmaan!!" pauulit ulit na sigaw nito habang talon ng talon sa may sofa , hinahayaan ko na lamang ito gayung mapapagod lang ako sa kakasaway sa kanya.

Matigas ang ulo ng batang ito , mukhang nagmana sa katigasan ng ulo ni Ate Z pero nakakapagtaka lamang sapagkat hindi nito kamukha ang anak niya , kamukha ito nung naging partner niya.

Maputi at malaman ang pisnge ni Jacob , chinito din at sobrang jolly ng batang ito , mukhang magiging babaero ito pag laki.

Uhm turuan ko na kaya mambabae ngayon palang? Para sa ganun expert na siya pag lumaki? Hihi joke lang edi lagot ako nito kay mom and dad lalo na kay Ate z.

Isang doorbell naman ang pumukaw ng aking atensyon at dahil doon ay agad na aking nagtungo sa may pintuan , halos mapahawak ako sa aking bibig at dibdib nang makita ang taong nasa harapan ko ngayon.

"A-anong g-ginagawa mo dito?" Nauutal at gulat na wika ko rito pero binigyan lang naman ang ng isang ngisi ng babaeng ito.

"Hoy trespassing ka! Hindi ka w-welcome ditooo!!" Sigaw ko nang biglaang pumasok na lamang ito sa aking condo unit , may pagka paladesisyon mode din pala tong babaeng kapre nato

"Maka trespassing ka naman wagas? At hindi ba kita pwede dalawin sa condo mo eh lagi ka ngang natambay sa condo unit ko" aniya nito saka inilapag sa lamesa yung dala dala niyang mga plastic bags na hindi ko naman alam yung laman pero naaamoy ko ang masarap na pagkain mula doon.

"Who's this boy?" Nagulantang na turan nito saka dali daling lumapit kay jacob , napataas naman ang kilay ko dahil biglaang naestatwa si jacob habang pinagmamasdan si cole.

"If I told you that he's my child , would you believe me ah?" mahinang sabi ko rito saka dali dali namang tumaas ang noohan nito na pinagmasdan ako pabalik.

"Is it real? Weh di nga? Anak mo talaga siya? Paano nangyari yun? Where's his father kung ganun?" Di makapaniwalang tugon nito sa akin at napatawa na lamang ako ng malakas dahil sa mukha niyang hindi mawari kung ano nga ba ang mararamdaman.

"Joke lang? Alam mo ang bilis mong lokohin cole , he is my niece lang ano kaba?" natatawang sabi ko saka isinara na yung pintuan gayung baka may makakita pa kay cole dito.

"Handang maloko kung ikaw lang naman ang gagawa " mahina yung pagkakasabi niya kung kaya'y napataas ang kilay ko na tinanong siya kung ano iyun.

"Ano yun? Pakilakasan kaya ano?" Mataray na saad ko at napahinto ako sa pagsasalita nung buhatin niya si Jacob.

"Ang sabi ko I love you" wika nito saka kinindatan ako na siyang ikinairap ko saka biglaang tumalikod nang kaunti nang sa ganun ay hindi niya makita na namumula ang pisnge ko sa hindi malamang dahilan.

"Yzabel?" Mahinang tawag nito at napalunok na lamang ako ng laway bago siya lingunin.

"Uhm bakit?" Nakataas kilay at masungit na turan ko pabalik sa kanya ngunit nginitian lang ako ng babaeng ito na hawak hawak ang bulinggit na hindi na nag ingay at lumikot nung mahawakan ni cole.

Mukhang komportable siya sa piling ni cole ah , bihira lang kasi siya magpakarga lalo na sa mga ngayon niya lang nakita.

Mapili ang batang iyan at mukhang manghang mangha siya sa mukha ni cole gayung kanina pa siya nakatitig doon at tila bay ayaw nang kumisap ang mata.

"I like pataas" malawak ang ngiti na kanyang ibinibigay sa akin at ako naman ay naguguluhan sa kanyang sinasabi.

Eh ano naman kung gusto niya ng pataas or whatsoever , did she really think that I care ah?

"So?" Nakakunot noo na aniya ko sa kanya , ano na naman kayang trip ng babaitang ito.

"But P is silent" ha ano daw? P is silent mo mukha mo. Mas prefer ko yung pababa kesa sa pataas ano , kayo ba?

Hmmp Pataas in english is up so ang nais niyang sabihin ay I like U since P is silent , what a smooth banat pero hindi yan uubra sa akin.

"So share mo lang?" Pambabara ko sa kanya saka inirapan siya na bahagyang ikinatawa niya.

"Wait isa pa , give me a chance to make your heart flutter a bit" resbak niya pa nung akmang magtutungo na sana ako sa kwarto , siya na lang bahala magbantay kay jacob since behave naman tong impaktitong bata na to sa bisig niya.

Inaantok pa naman ako , ack nasaan na ba yun si amanda. Galang gala na naman yung peppa pig na yun at kinalimutan na yung usapan namin na dalawa kami ang magbabantay sa batang ito.

"I can't fall asleep" napapikit naman ako saka muling nagsalita pabalik sa kanya.

"Edi take some sleeping pills kung ganun , gusto mo bang bilhin ko pa yung buong factory nun para lamang makatulog ka?" Sarkastikong pambabara ko sa kanya na siyang ikinahalakhak niya ng todo , damn ang sarap niyang barahin kasi alam niyo ba na masayang pagmasdan ang mga ngiti niya? Sobrang tamis at tila bay walang inaalalang problema sa mundo.

"So I just fall for you instead" dagdag niya na ikinagulat ko nang kaunti , magaling bumanat tong babaeng ito at tila bay may nararamdaman akong nagwawala sa kaloob looban ng laman ko.

Hindi pwede to yzabel , you can't fall for her even though she's your girlfriend na.

"Masyado ka na namang kinikilig sa akin , kung pakasalan mo nalang kaya ako ah? Wala din naman akong pake kung totoong anak mo tong batang to?! I'm willing to take care of you two" malawak ang ngiti nito habang pinipisil ang pisnge ni jacob , tumatawa naman ang bata dahil sa ginawa nito sa kanya.

"Ako kikiligin? No freaking way. So ano nga ba ang sadya mo dito ah? At paano mo nalaman ang address ng condo ko?"

"Simple answer! Kay amanda parin" maikling wika nito , sabi ko na nga ba eh. Wala na talagang nagagawa ng tama ang baboy na yun , malalagot talaga siya sa akin pag nagkita na kami mamaya.

Dumadami na talaga ang atraso ni amanda sa akin , patuloy na tumataas ang mga kasalanan niya sakin to the point na malapit ko na din siyang singilin.

"Since wala namang pasok , I just wanted na yayain kang magdate sa labas kaya ako naparito" straightforward niyang turan sa akin habang hawak hawak si jacob na kanina pa tawa nang tawa gayung kinikiliti siya ni cole.

"Nakikita mo naman na may bantay ako diba? Hindi pwedeng iwanan ko siya since wala pa dito sa amanda---" di na natapos ang aking sasabihin nang biglaan niya akong siilin ng halik na siyang dahilan upang tumiklop ako at bumalik ang mga salita na nais ko sanang sabihin sa kanya.

Agad niya din namang binawi ang halik ngunit para akong natuod dahil sa sobrang gulat.

"Mabilis lang naman solusyonan yan , edi isama natin siya. Family day kumbaga" sabay kindat niya sa akin at binuksan na ang pintuan saka muli akong tinawag sapagkat lalabas na silang dalawa.

"Hoy sandali!" Sigaw ko dito gayung hindi pa maayos ang damit na suot ko ngayon sapagkat nakasando at naka cycling lamang ako.

My Secret Lover Where stories live. Discover now