Isa ring karangalan para sa kaniya na masukatan at matahian ng kasuotang pangkasal ang gobernador heneral ng Pilipinas.

"Siya nga pala, ano hong sadya niyo ngayon rito gobernador heneral?" Walang prenong tanong ni Tiyang kay Luci.

Parang magkabarkada lang siya kung makipag-usap.

"Esperanza! Kausapin mo naman ang iyong nobyo. Masyado kang tahimik riyan. Kung naninibugho ka huwag kang mangamba dahil matanda na ako upang patulan ng kay gandang lalaking ito." Sita nito sa akin na nagtapos sa isang tawa.

Napa face-palm na lang ako sa sinabi niya. Kaloka tong si Tiyang. Ako magseselos? Bakit naman ako magseselos?

"Tiyang naman! Ano ba iyang mga sinasabi mo? Labis ko lamang na ninanamnam ang pagkaing aking kinakain kung kaya't ako'y tahimik. Isa pa wala naman ako masyadong masasabi kung kaya't ako'y tahimik lamang." Pagpapaliwanag ko, tumango tango lang naman siya.

Si Luci naman ay abala lang sa pagkain pero hindi nakatakas sa mata ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya at ang maliit na ngiting wala pang ilang segundong naglaho sa labi niya.

"Anong balita kila ginoong Fabiano? Maayos na ba talaga ang kanyang pakiramdam?" Tanong ko kay Luci.

Uminom muna siya ng tubig tsaka sumagot.

"Nakalabas na siya ng pagamutan noong isang linggo pa at bumyahe na siya pabalik rito sa bansa. Inaasahang sa Lunes ay makakarating na siya." Seryoso niyang sagot sa akin.

Napakunot ang noo ko sa awra niya. Kanina may pa ngisi ngisi pa siyang nalalaman, ngayon balik seryoso na naman siya.

"Nagawa mong itanong at kumustahin ang ibang tao bago sa aking iyong magiging kabiyak?" Nagulat ako sa sinabi niya. Don't tell me nagseselos siya?

Natawa ako bigla kaya napalo ako ni Tiyang sa hita dahil nakalimutan kong maging mayumi sa harap ng aming bisita at sa hapag-kainan. Magkatabi lang kasi kami kaya madali niya akong maabot.

"Nais ko ho nga palang ipagpaalam si Esperanza Marianna upang mamasyal ngayon sa bayan. Ilang araw na rin siyang abala rito sa inyong mansyon at kailangan niya rin pong magpahinga kahit isang araw lang." Panimula niya. Pinagpapaalam niya ba ako para i-date?

"Isa pa'y ilang araw na lang bago ang kasal, gusto ko ho sanang sulitin naming magkasama ang araw na ito na magnobyo pa lamang at hindi pa kasal." Hindi naman talaga kami magnobyo. Pero bakit kinilig ako?

Ito ang unang beses na may mag-aaya sa akin sa isang date. Single kasi ako sa totoong panahon ko at walang nagkakamaling lumingon sa mala-dyosa kong mukha kaya NBSB. Isa pa, Studies first ang motto ko noon kaya kahit may magparamdam ay agad agad kong tinatanggihan.

Hindi ko akalaing sa panahong ito pa ako makakaranas sa unang pagkakataon ng mga bagay na dati lang ay pinapangarap at ini-imagine ko lang bilang reader.

"Iyon pala ang dahilan! Oo siyempre naman hijo. Maaari mong isama sa pamamasyal si Esperanza. Mag-iingat lamang kayo lalo na't hindi pa rin talaga sila tumitigil." Pagpayag ni tiyang na tinanguan lang ni Luciano.

"Wala naman na po siguro silang ginagawa sa inyo rito nitong nakaraan?" Tanong ni Luci sa amin.

Iyon na nga. Umaaligid pa rin sila at naghahanap ng tyempo para sumugod.

"Nariyan pa rin po sila sa paligid Señor. Si Manang Nena at Augusta lang ang pinagkakatiwalaan namin rito sa mansyon bilang pag-iingat." Nakayukong ani ni tiyang saka kami napabuntong hininga.

Nilingon ko si Augusta na katabi ko ngayon at pinisil ko ang kamay niya. Alam kong na-trauma siya nitong huli dahil sa nangyari sa kanya sa pamilihan.

May kasalanan ba ang aming pamilya sa kanila para desperado silang paslangin kaming lahat? Lalong lalo na ako?

La PeleaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora