"Ano raw ang gagawin niya rito-- huwag na nga... Salamat Au. Tulungan mo na lamang akong maghain dahil sila Manang Nena nasa palengke pa para bumili ng preskong gatas ng kalabaw at pandesal." Utos ko kay Augusta na sumunod naman agad.

Kumuha na siya ng mga pinggan at kubyertos at inayos na iyon sa hapag-kainan.

Ilang sandali pa ay napatigil kami pareho ni Augusta sa pag-aayos ng lamesa ng may marinig na tumigil na kalesa sa tapat ng bahay. Nagkatinginan pa kami ni Augusta bago siya nagpaalam na titignan kung sino ang dumating.

"Señorita Marianna! Señorita Marianna! Narito na po si Señor Luciano!" Nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Manang Nena.

Aga naman yata. Akala ko mamaya pa siya?

"Maaari niyo ho bang ituloy na lang itong pag-aayos? Akin po sanang sasalubungin ang ating bisita." Paalam ko na agad niyang tinanguan at kinuha sa akin ang ibang kubyertos na inaayos ko.

"Maraming salamat manang."

Paglabas ko naroon na nga si Luci kausap si Tiya Anita na kagagaling lang sa simbahan para sa paghahanda sa kasalan sa susunod na linggo.

Katulad ng kadalasan niyang suot ay naka uniporme na siya ngayon ng pang gobernador heneral niya. Hindi maipagkakailang ang gwapo niya sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya ang kaniyang uniporme.

"Narito ka na pala Esperanza. Nagkita kami kanina ng gobernador heneral at natuklasan kong dadalaw rin siya rito mamaya kung kaya't nagpasya na lamang akong ayain siya ngayong umaga na lang tutal ay nagkita na rin naman kami sa simbahan kanina." Bati ni Tiya Anita. Nagmano na rin ako sa kaniya.

"Nakisabay na lang ako kay Tiya Anita papunta rito ngayon dahil tutungo rin naman ako rito mamaya, napaaga lamang." Segundo ni Luci na tinanguan ko lang.

"Magandang umaga Gobernador--- Luciano. Katatapos lang naming maghain at magluto, saluhan mo na kami sa pagkain." Ani ko saka sila inaya para kumain na ng agahan.

Ang aga kasi ni Tiya Anita na pumunta sa simbahan at kausapin si Padre Rufino. May lakad daw kasi ngayon sa kabilang bayan si Padre Rufino kaya inagahan niya na ang pagpunta roon ngayon.

"Ako'y nagpunta kanina sa simbahan upang asikasuhin ang inyong nalalapit na pag-iisang dibdib. Ako'y pagpasensyahan niyo na dahil sadyang nasasabik na akong matunghayan ang pagpapakasal ng aming prinsesa." Nakangiting pagbabahagi ni Tiya Anita sa amin habang kumakain kami ngayon sa hapag-kainan.

Nagkatinginan kami ni Luci dahil doon.

Parang teenager na excited na makita ang kaibigan niyang magpapakasal na kung umakto siya.

Nasa edad limampu na si Tiya Anita at walang anak mula ng mamatay ng maaga ang kaniyang kabiyak dahil umano sa sakit sa puso. At dahil hindi pa advance ang equipments at hospital quality sa panahong ito ay namatay ito at nakunan naman siya dahil sa pangungulila sa namatay na pinakamamahal na asawa.

Sayang wala akong pinsan sa kaniya. Magiging close din kami nun panigurado.

"Bukas na nga pala darating ang traje de boda na ating pinatahi noong nakaraang buwan. Akin munang itatago iyon dahil hindi mo iyon maaaring sukatin bago ang kasal. Huwag kang mag-alala't paniguradong kakasya iyon sa iyo mahal kong pamangkin." Ngiting ngiting aniya ni Tiyang tsaka sumubo ulit.

Naalala ko noong nagpatahi kami ng traje de boda. Pinapunta na lang nila ang mananahi sa mansyon ng gobernador heneral at doon niya ako sinukatan maski si Luci. Pinahatid din namin siya sa mga mapagkakatiwalaang mga guardia sibil pabalik sa kaniyang tahanan.

Tuwang-tuwa nga siya ng makita ako. Aniya, noong ika-labing walong taong gulang ko niya daw ako huling nakita, nang magpatahi rin sila ama ng magarang baro't saya para sa aking kaarawan. Tapos ngayon ay traje de boda ko naman ma daw ang itatahi niya para sa akin.

La PeleaWhere stories live. Discover now