"Kahit kailan talaga ay pasaway ka." Aniya na tila sanay na sa akin kahit sa katunayan ay ilang araw pa lang naman kaming magkasama.

"Grabe naman to. Alangan namang gisingin ko pa si Au para lang magpasama sa labas ng maaga tapos iistorbohin ko pa tulog niya." Depensa ko. Umiling lang siya.

"Sa susunod, ako ang gisingin mo kahit anong oras pa iyan. Sasamahan kita." Bilin niya habang nakatingin sa diretso sa mata ko.

Napalunok ako ng sariling laway at napaiwas ng tingin. Kumakabog din sa hindi ko malamang dahilan ang puso ko.

Hindi ako sanay na may nagsasabi sa akin na handa silang samahan ako sa kahit saan kahit kailan ko kailangan.

Ngumiti ako sa kanya pero kalaunan ay naging ngisi ang ngiti ko.

"Gustong gusto mo talaga akong kasama no? Para-paraan ka e." Tukso ko sa kaniya.

Sandaling kumunot ang dating seryoso niyang mukha tsaka muli itong nagseryoso tsaka umiling.

"Aminin mo ring kinikilig kang isipin iyan, hindi ba?" Ngisi niya. Ako naman ang napaseryoso ng tingin sa kanya. Ang kapal.

"Ang kapal naman ng pagmumukha mo. Hindi ako kinikilig sa'yo no." Tanggi ko.

Hindi naman kasi talaga. Bakit naman ako kikiligin sa kaniya?

"Ikaw ang bahala."

"Luci." Tawag ko sa kaniya makaraan ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Lumingon lang siya pero hindi siya nagsalita. Ang gwapo niya talaga. Bagay sa kaniya yung tangos ng ilong niya at ang magandang hugis ng mukha niya at ang gwapo tignan sa kaniya ng panga niya.

"Alam kong magandang lalaki ako, Yana." Aniya na nagpakunot sa noo ko. Nag-drool na pala ako sa kaniya---- ayy hindi! Natulala lang ako dahil iniisip kong mabuti kung ano ang dapat kong sabihin o itanong sa kanya. Oo yun nga.

"Ang kapal talaga ng mukha mo." Singhal ko sa kaniya pero ngumisi lang siya at naghintay sa susunod kong sasabihin.

"Yung... Yung tungkol sa k-kasal..." Naiilang ako sa topic na to.

"Seryoso ka ba talaga doon?"

"Ibig kong sabihin ay... Kakakilala lang natin tapos hindi pa nga natin kilala ang bawat isa tapos kasal agad? Seryoso talaga?" Dire-diretso kong tanong sa kaniya.

Diretso at seryoso lang ang tingin niya sa akin.

"Naiintindihan kong nabigla ka sa sinabi ko noong nakaraang araw tungkol sa kasal, ngunit tulad ng sinabi ko sa iyo kahapon ay seryoso ako roon." Panimula niya.

"Hindi kita mamadaliin. Magpapakilala ako ng maayos sa iyo at mas maganda nga kung kikilalanin muna natin ang bawat isa bago ang kasal."

"Ito lamang ang tanging susi upang maprotektahan kita mula sa kanila. Lalo na sa nagtangka sa buhay ng iyong ina. Huwag kang mabahala. Narito lang naman ako lagi. Hindi kita pababayaan."

Katulad kanina, heto na naman ang kakaibang pagkabog ng puso ko.

Sapat bang dahilan ang mga sinabi niya para pumayag akong magpakasal sa kaniya?

La PeleaWhere stories live. Discover now