==

"Love." , tawag nya sakin.

"Mmmm?"

"I'm sorry." , sabi nya in very low voice.

"Wala yun." , sabi ko pero kahit na deep inside eh gusto ko ng ahitin kilay ng mama nya! Ang haba pala ng sungay ng mama nya. Grabe!

"Love, alam kong masama yung loob mo. Bukas na bukas uuwi na din tayo." , sabi nya habang nakayakap sa akin.

Hindi na ko umimik pa dahil gusto ko na din naman umuwi talaga. Hindi worth it yung 3 days absent ko kung ganito lang din naman yung mga taong pakikisamahan ko.

"Son tara kain na tayo at isama mo nalang din yang babae mo." , iritadong sabi ng mom ni Bryan.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya at dumiretso nalang kami sa dining room nila.

"So son, your cousin Antonette called me. Nandito na pala sya sa Pinas." , sabi ng dad nya. "Yeah." , tipid na sagot ni Bryan. "Well, and she told me some things about your lover." , sabi ng dad nya sabay wink sa aming dalawa.

"What?" , takang tanung ni Bry.

"Sabi nya sakin ang ganda na daw ulit ng mga smiles mo, tapos nakanta kana din daw pag naliligo at nagluluto. Tapos ang lakas mo na daw ulit kumain." , natutuwang sabi ng dad nya. "Tapos dagdag nya pa sakin, mas gusto nya daw si Angela kaysa dun sa ex mong higad." , natatawang sabi nya.

"Thank you Angela, iha kung napagtiyagaan mo yang anak namin. Dahil dun sa ex nya naging allergic na iyan sa mga babae."

"Wala po yun. Mahal ko naman po kasi tong si Bryan tsaka ang bait at napakamapag-mahal poi tong anak niyo." , ngiting sabi ko dun sa dad nya.

At least mabait yung daddy nya unlike his mom na sobra ang pagkabruha!

==

"Hi, you must be my brother's girl." , napatingin naman ako dun sa nagsalita. Sya siguro yung kapatid ni Bryan. Ang gwapo nya din pero di hamak na mas gwapo naman yung love ko kaysa sa kanya.

"Ako nga pala si Anthony. And you are?" , pagpapakilala nya.

"She's Angela and get away from her!" , nandito pala to? Bat di ko man lang sya napansin. Napatingin ako sa kanilang dalawa at halatang-halata yung hate wave nila sa isa't isa. Agad naman akong lumapit kay Bryan at kumabig agad ako sa braso nya at hinatak na sya papasok sa loob.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa garden ng ganitong oras?!" , sigaw nya sakin.

"Wag mo nga ko sigawan!" , sigaw ko pabalik sa kanya.

"Hindi kita sinisigawan! Ikaw yung nasigaw!"

"Hindi kita sisigawan kung hindi mo ko sinisigawan!"

Napatahimik naman sya ng di oras at humawak doon sa sintido nya.

"I'm sorry love. Ano ba kasi ginagawa mo sa labas kanina?" , kalmadong tanung nya sakin. "Nagpapahangin, di kasi ako maka-get over na ayaw sakin ng mom mo." , paliwanag ko sa kanya. Niyakap nya ako bigla at yumakap din ako sa kanya pabalik.

"Hindi ka pa nya kasi kilala kaya ganyan lang yan. Pero trust me, dadating din yung moment na magugustuhan ka nya." , sabi nya sakin sabay pat sa ulo ko then kiss sa forehead ko.

Sana nga magustuhan ako ng mom nya.

==

"Love." , tawag ko sa kanya pero di pa din sya nagising. "Love uyy." , tinutusok ko na din yung tagiliran nya pero ayaw nya pa din gumising. Alam kong gising na to pero tinatamad lang bumangon.

"Hayy, ayaw gumising ng love ko. Ipapamasahe ko pa naman yung ibaba ko."

"Love ano yung ipapamasahe mo?" , kita mo tong manyak na to pag dating sa ganun mas mabilis pa sa alas kwatro!

"Wala, nevermind. Nagbago na isip ko eh." , pigil tawa kong sabi sa kanya.

"Love naman eh. Eto ba?" , ngising sabi nya habang nakahawak sa pagkababae ko. Tinanggal ko naman yung kamay nya. "Hindi ok na. Nagsarili na ko. Ang tagal mo kasi eh." , pang-aasar ko sa kanya at bigla naman syang nagpout sa sinabi.

"Makatulog na nga lang ulit." , iritadong sabi nya. "Hahahahahahahahaha!" , hindi ko na napigilan yung tawa ko. Nagulat ako ng bigla nya akong hatakin pahiga ng kama tapos ikinulong nya ko sa bisig nya. "Pinagti-tripan mo ko ah! Humanda ka sakin ngayon." , pagbabanta nya.

"Love! Tama — Hahahahahah! Love naman —!" , hindi ko maituloy mga sasabihin ko dahil sa sobrang kiliti.

"Ahem!" , napatigil kaming dalawa at pag tingin namin sa may pintuan nakatayo doon ang bruha este ang mama ni Bryan.

"Tama na landian. Bumama na kayo at kumain." , mataray na sabi nya tsaka umalis.

"Konting tiis lang Angela." , bulong ko sa sarili ko.

"Ano yun love?" , tanung sakin ni Bryan. "Ah-eh. Wala yun love. Gutom na kako ako. Tara na?" , nako Bryan Santos! Kung hindi lang kita mahal iniwan na kita ng dahil sa bruha mong ina!

Nag-ayos muna kaming dalawa bago kami bumaba. At pagkababa namin ay sinalubong kami ng dad nya ng isang magandang ngiti. Napatingin naman ako sa gawi ng kuya ni Bryan at nakita kong naka-ngisi ito habang nakatingin sa akin. Nakakatakot ang aura ng kuya ni Bryan!

———————————————————————————————————

DEDICATIONS: @XXWHOSTHATGIRLXX , @KYLAR24 , @IAMJADE , @CHRISREIL20 , @BLACKEMO18 , @MARIALAVINIACAJOLES , @JUSTAPRINCESSCEDIE , @KICKDARNA


VOTES AND COMMENTS


THANK YOU SO MUCH GUYS LALO NA SA MGA LAGING NAGCOCOMMENT AND NAGVOVOTE JAN! KILALA NIYO NA KUNG SINO KAYO. ^.~ ——— ILOVEYOUALL!!! <3

My Hot Professor (SPG) -- &quot;COMPLETED&quot;Where stories live. Discover now