Kapitulo - I

Depuis le début
                                    

Napaismid lamang si Adrian. Samantalang si Oliver ay hindi na lang nagpahalata na naiinis at nasusukot siya sa kayabangan ng kapatid.

"Heto na, ang aming magandang bunso! Via Dolorosa Sarmiento!"

Nagpalakpakan ang lahat nang lumabas si Dolorosa mula sa malaking pinto, kasama ang ina nito. Sumunod din na lumabas si Señora Amanda at Señora Ariana.

Halos malaglag ang panga ng mga binatang Ginoo nang makita ang kagandahan ni Dolorosa.

Pangiti-ngiti naman si Dolorosa sa mga bisita at nagbigay galang. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagtingin sa mga madla ay may napansin siyang isang binata na nakatayo lamang at seryosong nakatingin sa kaniya. Siya lamang ang hindi pumapalakpak o ngumingiti sa bawat taong dinadaanan siya.

Hindi na lamang iyon pinagtuunan ng pansin ni Dolorosa, bagkus ay humalik na lamang siya sa mga pisngi ng magulang at mga kapatid.

NATAPOS na ang sayawan at oras na ng hapunan. Maraming handa ang nakalatag sa mga mesa. Hindi rin basta basta ang mga bisitang dumalo dahil ang iba ay nabibilang sa alta sociedad.

Inilibot ni Dolorosa ang kaniyang paningin. Nakita niya ulit ang misteryosong binata na nakatayo malapit sa isang poste ng ilaw malapit sa ilog.

"Ina, g-gagamit muna ako ng palikuran," Pagpapaalam ni Dolorosa sa kaniyang ina na abalang nakikipag-usap sa kaniyang mga tiya at kay Doña Catalina.

"Sige, anak... hindi ka ba magpapasama kay Immaculada?" Tanong ni Doña Araceli.

"H-hindi na po. Baka ma-disturbo ko po ang kaniyang pag kain." Tugon ni Dolorosa. Napasulyap muna siya sa kaniyang kaibigan na si Immaculada De Lopez na masayang kumakain kasama ang ama at ina.

Tumango na lamang si Doña Araceli. "Mag ingat ka."

Pero ang totoong pakay ni Dolorosa ay ang sundan ang misteryosong binata. Kanina pa siya binabagabag ng sarili, tila kumakati ang kaniyang paa na puntahan ang binata at makilala.

Palingon-lingon pa si Dolorosa sa paligid baka makita siya ng kaniyang ama o mga kapatid na lalaki, tiyak mapagsasabihan na naman siya.

Apat na dipa na lamang ang pagitan sa kanilang dalawa ngunit parang may humaharang na alambre sa lalamunan ni Dolorosa na tila ang hirap magsalita. Kinakabahan na siya at nag da-dalawang isip na kausapin ang binata.

Aalis na lang sana si Dolorosa nang biglang nagsalita ang binata.

"Via..."

Naninibago si Dolorosa sa pagtawag sa kaniyang unang pangalan, mas nakasanayan siya na tawaging 'dolor' o 'dolorosa'.

Napalingon si Dolorosa, doon niya lang napagtanto na may kakaibang karisma ang binata.
"Ha? Ah---b-bisita ka ba namin?" Wala sa sariling tanong ni Dolorosa. "A-ang ibig kong sabihin ay kumain ka na ba sa piging? Ay! Mali..." Pinagpapawisan na si Dolorosa dahil sa hindi konektadong tanong niya na parang walang saysay.

"Oo, bisita niyo ako." Ikling tugon ng lalaki. "Hindi mo lamang ako masyadong nakikita dahil hindi ako lumalabas ng aming tahanan."

"Takot ka ba sa araw?"

Napangisi ang binata. "Hindi...wala sa aking kalooban ang makipag-halubilo."

"Ganoon ba? bakit ngayon ay naisipan mo?"

"Dahil kaarawan mo?"

"Hindi naman kita kilala." Tugon ni Dolorosa.

"Ako, kilala kita."

Kinabahan si Dolorosa sa naging pakli ng binata. "Baka espiya ka?"

"Kung espiya ako, may panahon pa ba ako makipag-usap?"

Via DolorosaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant