28

302 28 2
                                    

Cole's Pov

"It seems na happy ang ate coley ah? Hmp anong ganap ah at panay ang ngiti mo?!" Bungad sa akin ni jaydee habang nagsisipilyo ako , may pupuntahan kasi ako ngayon na importanteng bagay.

It's about sa business na sisimulan kong buuin ng mag isa nang sa ganun ay may aasahan na ako at may kikitain habang maaga pa.

"It seems na balik ang alindog mo sa pang aasar dolphin ah? Tabi ka nga dyan at nakaharang ka sa salamin" Pagsusungit ko sa kanya pero itong dolphin na to ay kinilit pa talaga ako na siyang dahilan upang maibuga ko nalang sa kanya itong laman ng bunganga ko na siyang ikinasigaw niya.

"Damn you ate drei!! Ang bagra mo wahh!! Grabe dugyot  , malaway laway pa tong binuga mo!" Reklamo niya na siyang ikinatawa ko ayan kasi ang hilig mangulit ayan tuloy ang napala mo.

Well hindi ko naman sadya na mangyari yun pero baka nakatalaga lang na mabugahan ko talaga siya ngayong araw.

"Iiwww!!" Dagdag niya pa habang naghihilamos at kasalukuyang hinubad niya na yung damit niya nang sa ganun ay hindi na dumikit sa katawan niya yung lagkit nung ibinuga ko.

"Ayan kasi! Kulit ka ah? Lumabas kana dito at maligo kana doon sa kwarto mo jaydong?!" Pang aasar ko pa sa kanya at pinanlisikan naman niya ako ng mata saka dali daling nagtungo palabas ng kwarto ko habang ako tawang tawa pa din talaga sa naging reaksyon niya.

Damn ang bagra nun sobra yung tipong sa mukha niya pa talaga napunta lahat hahah kawawang dolphin.

Bumalik na ako sa pagsisipilyong muli at nung matapos ako ay agad na akong nagpunas ng bibig at nagsuot ng sapatos ko.

Pagkatapos nun ay kinuha ko na yung susi ng aking sasakyan at yung wallet ko saka bumaba na ng aking silid.

"Uhm where are you going andrei?" Tanong naman ni mom at binigyan ko na lamang ito ng halik sa pisnge bago nagsalita.

"Ah dyan lang mom , babalik din ako kaagad mamaya may aasikasuhin lang ako saglit" tugon ko rito at tumango na lamang siya saka nag abot sa akin ng cash na pera na kaagad ko namang tinanggihan.

"Wag na mom? May pera pa naman ako rito. Uhm alis na po ako ah?" Pamamaalam ko sa kanya at wala na siyang nagawa kundi ang tumango at kawayan ako.

Pumasok na ako sa kotse ko nung magtext sa akin yung engineer nung ipapatayo kong business , restau yun kung kaya'y malaki laki ang gagastusin pero kaya naman kung ibibenta ko tong sasakyan ko.

Agad ko na itong pinaandar at dali daling nagmaneho , napapatingin naman ako sa aking cellphone sapagkat hindi pa nagrereply si yzabel sa good morning ko.

Uhm tulog pa kaya siya sa ngayon? Pero alas onse na ng umaga eh kaya alam kong gising na siya.

Ah baka wala lang siyang load cole.

Fast forward...

Nakarating na ako sa restau at saktong pagkababa ko ay nakita ko na agad si Nikki , siya yung engineer ng isasagawa kong business.

"Good Morning Ms. Somera?!" Bati niya sa akin at binigyan ako ng matamis na mga ngiti na agad ko namang binawian.

"Yeah Good Morning din Ms. Zaragoza. Im really sorry since medyo nalate ako ng dating kani ka pa nandito ah?" tugon ko naupo na sa may upuan gayung nakaupo naman na ito sa harapan ko na lamesa.

"Uhm no kakarating ko lamang Ms. Somera. Let's start I guess?" Wika nito saka inilapag na sa may harap ko yung dala niyang sample.

Hindi naman ako masyadong makapag focus since may lumilitaw na hindi naman dapat lumitaw sa may harapan ko , damn nagkakasala ako ngayon dahil sa babaeng ito.

Maganda pa naman siya at fit na fit pa talaga ang damit niya kung hindi ko lang namukhaan ang mukha niya ay maaaring mapagkamalan ko pa siya na kalahok sa binibining pilipinas o kung anuman.

Pang pageant kasi yung mukha , katawan at yung ano.

"Miss Somera? Are you okay?" Tanong nito na nagpabalik sa wisyo ko damn ang manyak mo sa part na yun cole.

Kung nandito si yzabel malamang sa malamang ay nabatukan ka na nun dahil sa ginagawa mo.

Damn but I can't help kasi eh , tukso pakilayuan ako. Ikaw na mag adjust please.

"Yeah I'm okay , proceed on what you're saying engineer zaragoza" nakangiting sambit ko rito at napatango naman siya habang may ibinibigay na kakaibang ngiti sa akin yung tipong nang aakit ganun yun.

Patuloy lang siya sa pagsasalita habang ako naman ay pinagpapawisan na ng malamig dahil sa kakaibang awra na ibinibigay ng babaeng ito , parang feeling ko tuloy nag chi cheat ako kay yzabel dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon.

"And that's all , may idadagdag pa hu ba kayo Ms. Somera?" Tanong nito , damn sa wakas at natapos na din yung sinasabi nito.

"Uhm wala na akong idadagdag pa. The location was good at sobrang attractive nung labasan ng restau na siyang dahilan upang makaakit ng customer" confident kong wika rito habang dahan dahang tumayo gayung kanina pa ako nagmamadaling umalis talaga.

"Yeah good selection ang tawag dyan Miss Somera and nasa tamang tao ka din ay este engineer. I'll make this restau as worthy pa sa ibabayad mo sa akin" mahabang tugon nito habang nakangiti ng matamis sa akin ,. Napalunok naman ako ng laway dahil sa sinabi niya.

Like damn ano daw? Nasa tamang tao ako? Gosh si Yzabel ang tamang tao sa akin at mahal ko ang girlfriend ko.

Ilang days palang kami at ito ako nagpipigil sa mga mapanuksong babae na lapit ng lapit sa akin.

"Thank you? I'll gotta go" wika ko rito ngunit nabigla naman ako nang hawakan nito ang mga kamay ko na siyang dahilan upang magkaroon ng para bang kuryente ang aking katawan.

Ang cringe lang , hindi yun kilig or kung anuman kaya wag kayong magsumbong kay yzabel.

"Yung contract miss somera nakalimutan mong dalhin" sabay abot pa niya nung kontrata sa akin tsaka binitawan na yung kamay ko.

"Uh g-ganun b-ba? Sorry I forgot na dalhin. O siya alis na ako. Thank you for today's presentation Miss Zaragoza. Just call me if sisimulan niya na ang ipinapagawa ko" huling sabi ko saka lumabas na ng restau at dali daling nagtungo sa may loob ng aking sasakyan.

Gosh init na init ako ngayon at tagaktak talaga ang pawis ko kahit na sobrang lamig naman at naka full na yung aircon sa may sasakyan ko.

Isang text naman ang pumukaw sa aking atensyon na agad kong tinignan kung saan nanggagaling.

From: Dolphin

Ate Coley? Nasaan ka ngayon ah? Uhm narito kami sa Bar kasama nila Gabb at Dana at alam mo ba kung sino ang naparito din? Si Miss Handkerchief! Ang problema lang may kasama siyang poging lalaki na taga university at mukhang boyfriend niya ito. Awts saklap naman nun ate coley. Taken na yung crush mo kaya sumunod kana dito. Ishot nalang natin iyan.

Dahil sa message ni jaydee ay hindi ko maiwasang hindi magpanic , may kasamang lalaki si yzabel at ang worst pa ay baka isa ito sa kalandian niya.

Akala ko ba ay titigil na siya? Pero mukhang nagkamali ako ah? Hindi basehan na kahit kami na ay titigil siya sa bagay na matagal niya nang ginagawa.

Mabilis ko nang pinaandar ang aking sasakyan nang sa ganun ay makarating na sa lugar kung nasaan sila jaydee , grabe tanghaling tapat at nag bar pa talaga yung tatlong unggoy na yun.

Tiyak na malalagot na naman sila sa mga girlfriend nila kapag nalaman nila iyun.

Pero tungkol kay yzabel , sana nga mali tong nakita ni jaydee. Gayung dinudurog ang puso ko ngayon na malaman iyun.

My Secret Lover Where stories live. Discover now