Akmang magsasalita na sana upang sumang-ayon si manang Rosa ng dugtungan ni Luci ang sinabi niya.

"Dahil maaari nila siyang gamiting alas para pabagsakin ako sa pwesto, bilang siya ang aking magiging asawa." Walang reaksyon niyang dagdag sa una niyang sinabi kanina na naging dahilan para tumawa si Fabiano at kami ay matulala na lang sa kaniya.

Napailing ako sa naalala saka binalingan ulit si Au na naghihintay sa magiging tugon ko.

"Diyan ka na lang sa paliguan ko makiligo Au. Baka pagalitan pa tayo ni Luci kapag naiwan ako dito mag-isa." Tugon ko sa kaniya. Tinignan niya ako ng nakakaloko pero napawi iyon ng samaan ko siya ng tingin.

Nahihiya man ay napakamot batok na lang siya at pinauna niya akong maligo tsaka siya naligo pagkatapos at inalalayan niya rin akong magbihis at mag-ayos ng sarili bago kami sabay na bumaba papunta sa sala kung saan naghihintay sila Fabiano at Luci na seryoso ang aura.

"May pupuntahan kami ngayon. Aking pinagsabihan si Mang Benedicto at ang kanyang anak na pansamantala ka muna nilang samahan dito sa mansyon. Huwag kang gagala gala masyado. At huwag kang sasama sa mga--- sa kanila." Mahabang litanya ni Luci habang nakatingin sa akin ng diretso. Habang ako naman ay hindi makatingin sa kanya dahil sa sinabi niya kagabi.

"Me casaré con ella entonces. I'll marry her then.)"

"...bilang siya ang aking magiging asawa."

Napailing ako para iwaksi ang mga iniisip ko.

"Hindi ka na muna namin pu-p'wedeng isama sa ngayon Marianna." Wika niya pa. Napalunok na lang ako.

"Ok-- A-ayos lang iyon. Walang problema." Pilit akong ngumiti para hindi niya isiping tutol ako at usisain pa.

Napakunot sandali ang noo niya pero ng taasan ko siya ng kilay ay inirapan niya lang ako dahilan para matawa sa amin si Fabiano.

"Pupunta nga rin pala ang iyong BABAENG kababata at kaibigan na galing sa Paris upang bisitahin ka." Napalingon ako sa kanya dahil dun.

May kaibigan pala na galing Paris si Marianna? Wow!

Na-excite ako dahil doon. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako ng malapad dahil doon. Hindi ko napansing tinawanan lang kami ni Fabiano.

"Kailangan talagang ipagdiinan yung salitang 'babae'? " 

Bumubulong bulong si Fabiano na may mapaglarong ngisi sa labi na nakatingin ngayon kay Luci na sinamaan lang siya ng tingin na hindi niya naman inalintana dahil lalo lang siyang natawa.

"O siya Marianna, kailangan na naming mauna. Mag-iingat ka rito. Huwag mong pag-aalalahin ang iyong esposo-- este magiging esposo." kindat niya sa akin dahilan para lumingon sa amin sila Augusta na may nakakalokong ngiti sa labi at ang iba pang mga kasambahay na gulat sa narinig. Namula ako sa hiya dahil doon.

Seryoso ba talaga sila kasal na yan?

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila at tumango. Nagkakad na rin ako papunta sa hapag-kainan para mag-agahan. Sinundan naman ako ni Augusta. Pinasabay ko na siya sa aking kumain.

Narinig ko pang magpaalam ang ibang mga katulong sa kanilang dalawa na aalis na ngayon.

"ANONG gagawin natin ngayon ate Yana?" Tanong sa akin ni Au na ngayon ay nasa tabi ko lang.

Nasa terasa kami ng kwarto ko--- namin at nakatanaw kami sa plaza na may dumaraang mga kalesa at mga ordinaryong mamamayan.

"Ano bang p'wede nating gawin ngayon? Hindi tayo maaaring umalis ng mansyon ngayon dahil may darating akong bisita." Pagtatanong ko sa kaniya pabalik.

La PeleaWhere stories live. Discover now