Chapter 41.2 - OUTING TROUBLE

Magsimula sa umpisa
                                    

Jesx: "No shorts with zipper. No tshirts." binasa niya yung sign sa may pool area

Carse: "Tara na."

Jesx: "Hindi ka ba nahihiya?"

Carse: "E lulubog naman tayo sa tubig. Isa pa, pwede naman ang sando."

Micah: "Oo nga naman. Tara na."

"Ang ganda ng mga katawan nila." sabi ni Yvo na nakatingin sa mga babae sa pool

"Oo nga. Yan ang mga hot." sabi naman ni Blue

Napatingin naman ang Moronsx sa pagaakalang sila yung tinutukoy.

"Oh napatingin kayo?" tanong ni Blue

"Baka akala nila sila ang tinutukoy natin." sabi naman ni Yvo na patawa tawa pa

"Asa naman sila na sila ang tinutukoy natin. *tingin mula ulo hanggang paa ng moronsx* ang panget ng mga katawan nila." sabi ni Blue

"Tara na nga at magswimming na tayo. Ayos to at may mga sexy sa pool." sabi naman ni Sky

Lumusong na ang tatlo sa pool.

"Tsss. Ang yayabang talaga nila." sabi ni Aliss

Lhei: "Hindi nga tayo hinayaang magsalita. Lecheng mga yan!"

Daryll: "Minamata nila tayo! Hmp! Akala nila ha!" sabay hubad niya ng damit kaya naman naka body fit na sando nalang siya.

Sumunod na rin ang iba pa maliban kay Mille na hindi marunong lumangoy.

(A/N: This is true. Hindi talaga marunong lumangoy ang author ng story na to. So kawawa. ( _ _))

"Micah/Carse." sabay na sabi nina Cliff at Nick na patakbo ngayon sa dalawa para lagyan ng twalya sa katawan

"Problema niyo?" sabi ni Micah

"Isuot mo na ulit yang damit mo." sabi ni Cliff

"Huh?"

"Isuot mo na." paguulit ni Cliff

"Nick! Anu ba?!" sigaw naman ni Carse kay Nick

"Ibalot mo lang tong twalya sayo." sagot naman ni Nick habang pilit pa rin inaalis ni Carse

"Asus! Parang mga boyfriend ah." biglang salita ni Daryll

"Da-daryll?!!" sabi ni Eli na gulat sa suot ni Daryll

"Naku naman!" sabi ni Daryll at agad ng tumalon sa pool

Hindi nila alam, hindi lang sina Eli, Nick at Cliff ang nakatingin sa kanila. Napatingin din si Yvo, Blue at Sky na parang ngayon e kinakain na ang mga salitang sinabi nila kanina.

"Bye Carse! Masarap magswimming." sabi ni Aliis sabay talon na rin sa pool

"Buti nalang ako walang jowa." sabi naman ni Lhei at tatalon na rin sana sa pool nang biglang

"Cheezycake!! Is that you?!" sigaw ni Lei na tumatakbo palapit sa kanila kaya bago pa makalapit si Lei, agad ng tumalon si Lhei sa pool.

"Tsk2! Mageenjoy na muna kami ha." sabi naman ni Jesx at nagswimming na rin

Micah: "Cliff naman! Magswimming pa ako."

Cliff: "Hindi kita hahayaan na ganyan."

Micah: "Cliff anu yun?" sabay turo ni Micah sa kung saan para lang maalis ang atensyon ni Cliff sa kanya at nagtagumpay naman siya

Cliff: "Saan?" napatingin si Cliff sa tinuturo ni Micah kaya ayun agad nakatakbo si Micah sa pool

"Micah!" sigaw ni Cliff

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon