CHAPTER XLIX

1.7K 72 9
                                    


"MICKENZIE!" Sigaw na ng doktora ng makita ang tenyenteng na nasa sahig na punong puno na ng dugo ang buong katawan.

"Mickenzie, anak, huwag mong iiwan ang mommy" Iyak nang iyak ng usap ng ginang sa anak habang hawak hawak na nito ang pisnge ng anak.

Mabilis lang ang nangyari, matapos barilin ni Mickenzie ang dating mayor sa binti ay agad din tumakbo ang ginang sa anak, kaya agad na lang din tumakbo ang tenyente sa ina ng makitang tinutukan na ito ng baril ng dating mayor at sa isang iglap ay mabilis na hinarang ng tenyente ang sarili niyang katawan para protektahan ang kaniyang sariling ina mula sa asawa nitong utak ng mga sindikato.

Mabilis din naman ang naging aksyon ng mga kasamahan nilang mga pulis dahil matapos din nilang barilin ang mismong baril ng dating mayor ay agad din naman nilapitan ni Kapitan Rivera ang dating mayor para pusasan na ito upang hindi na ito makapinsala pa.

Dahil sa galit ay hindi na napigilan pa ng Heneral na saktan na ang dating kaibigan dahil sa sinapit ng kaniyang anak.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko! Ako mismo ang papatay sayong demonyo ka!" Galit na galit na aniya pa ng heneral kaya agad din naman siya pinigilan ng anak na rin nitong si Cloie.

"Sige na, dalhin niyo na yan!" Galit na utos na ni Cloie sa mga kasamahan pulis ng kapatid nito.

Pero bago pa tuluyang makalayo ay nakapag bitaw pa siya ng salita para sa ama.

"Simula ngayon, kalimutan mo ng may anak ka dahil simula ngayon ay kakalimutan ko na rin na naging ama kita" Aniya pa ng konsehal sa ama bago tuluyan puntahan ang kapatid.

Agad naman binigyan ng kaibigan tenyente na si Gail at ng doktora na si Amari ang tenyente ng paunang lunas. Parehas nilang pilit na pinipigilan ang patuloy na pagdaloy ng dugo nito at agad din naman tinakluban ng tenyenteng si Gail ang kaibigan ng jacket upang hindi ito lamigin na pwedeng magpalala sa kundisyon ng tenyente.

"Nasaan na yung ambulansiya!?"

"Masyado ng maraming dugo ang nawawala sa kaniya!" Sigaw na ng doktora habang patuoy pa rin ang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata.

"Ss-sshh, o-okay lang a-ako" Nakangiting usap pa ng tenyente.

"Mickenzie, pleasee wag ka na-----

"M-ma-mahal k-kita" Nakangiting usap pa ng tenyente habang hinang-hinang nakatingin sa doktora.

Tumango naman ang doktora habang patuloy pa rin niyang pinipigilan ang mga dugong lumalabas mula sa katawan ng tenyente.

"Alam ko, alam ko" Umiiyak pa rin sagot ng doktora habang patuloy pa rin siya sa pagliligtas sa buhay ng tenyente.

"M-mahal k-ita, Amari" Muling usap pa ng tenyente na siyang nagpaiyak lalo sa doktora.

"Mahal din kita, Mickenzie" Iyak nang iyak pa rin na sagot ng Doktora at sa muling pagkakataon ay muli niyang nasilayan ang magandang ngiti ng tenyente bago ito tuluyang mawalan ng malay.

"Mickenzie! Mickenzie!"

"Mickz?! Mickz?!" Sigaw na rin ni Gail ng makita ang kaibigan.

Agad naman chineck ng doktora ang hininga at ang pulso ng tenyente kaya agad agad din naman nito sinagawa ang pag ccpr sa tenyente at buong pag-asa pa rin niyang pilit na sinasalba ang buhay ng nito.

Mabuti na lang at dumating na rin ang ambulansya kaya agad din nila sinakay ang tenyente sa sasakyan.

"Janie" Bungad ni Gail ng tawagan ang kaibigang doktora.

"Okay ka lang ba? Anong nangyari? Si Mickenzie?" Sunod-sunod na tanong ni Janie sa kaibigan.

"Si Mickenzie"

"Kailangan ka ni Mickenzie" Umiiyak ng usap ni Gail sa kaibigan kaya agad din naman naalarma ang doktora.

"Bakit anong nangyari? Nasaan na siya?" Nag aalala na rin usap ng doktora.

"Papunta na sila ngayon ni Amari sa hospital" Sagot nito sa kaibigan.

"Sige, sige, pupunta na ako! Doon na lang tayo magkita, mag iingat ka!" Paalala pa nito sa kaibigan bago tuluyan ibaba ang linya.

Napahinga na lang naman ng malalim ang tenyente bago tuluyan punasan ang luha nito. Bago pa tuluyang sumakay sa motor niya ay nakita pa naman niya ang pamilya ng kaibigan na nagmamadali na ring umalis para sundan ang anak at kapatid nitong tenyente.

"Sana hindi pa huli para sa pamilya niyo ang lahat" Hiling na lang ng tenyente bago tuluyang patakbuhin ang motor papuntang hospital.

Pagdating sa hospital ay gulat naman nakita ng magkakaibigan ang sinapit ng kaibigan nilang tenyente, hindi naman na napigilan ni Stanaiah at Sherryl na mapahagulgol ng makitang duguan si Mickenzie.

"Sshh! sshh! Kakayanin ni Mickenzie yan, malalagpasan niya yan" Pagpapatahan na ni Madison Kim sa mga ito habang wala na rin tigil sa pagpatak ng mga luha niya.

"Sa lagay mo ngayon ay mas makakabuti kong dito ka na lang muna, Ate Amari, kami na muna bahala ni Dok Ramirez kay Mickenzie" Pagpipigil na ni Janie sa pinsan ng akmang sasama pa ito sa loob ng emergency room ngunit hindi naman nagpatinag ang doktora at buong tapang niyang pinasok ang emergency room upang iligtas ang buhay ng taong mahal nito.

Wala naman na nagawa si Janie kaya mabilis na lang din siyang kumilos para tulungan ang mga kasamahang doktor.

Makalipas ang isang oras ay nanatili pa rin sa emergency room ang tenyente habang ang ilang mga nurse ay nakailan pasok na rin ng dugo sa loob ng kwarto.

Kaya hindi naman maiwasan kabahan ng mga kaibigan at pamilya ng tenyente sa susunod na pwedeng mangyari.

"Ang kapatid mo, Cloie, ang kapatid mo" Iyak nang iyak pa rin usap ng ginang habang yakap yakap na siya ng panganay niyang anak.

"Magiging okay din si Mickenzie, magiging okay siya, mommy" Pagpapalakas pa ng loob ni Cloie sa kaniyang mommy habang kabado na rin siya sa pwedeng sapitin ng bunsong kapatid.

Hindi naman na mapigilan maiyak ng Heneral ng maalala ang sinapit ng anak dahil sa kagustuhan nitong iligtas ang sariling ina.

"Hindi makukumpleto ang pamilyang mababawi ko kung wala ka anak ko"

AMARI (MIKHAIAH)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu