Anong pinagkaiba ng unang beses kitang nakita sa Hospital
Sa ngayon na nakaputi ka ng damit na pang kasal?
Sa palagay ko,
Wala!
Dahil mula noon mapa hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin ako sa ganda mo at sa ganda ng mga mata mo
Na animo'y pinaglihi ni Nanay M sa buwan dahil sa hugis at liwanag ng mga ito.
Masyado nga yata ako nadala sa ganda ng ngiti mo, para hindi ko mamalayan na nahahawaan na rin pala ang pakiramdam ko.
Pakiramdam na hindi ko akalain na giginhawa ng ganito dahil sa doktora na kagaya mo
Doktora na wala akong ginawa kundi ang asarin nang asarin para lang mapansin ako.
Masaya sanang isipin na nandito ako sa harap na naghihintay sayo
Pero sadyang ang katotohanan na mismo ang nasa harapan ko.
Ang katotohanan na nasa likuran lang ako ng taong pakakasalan mo.
Na nasa likuran lang ako ng kapatid ko.
Buong akala ko ay matapang ako kagaya na lamang ng ibang tao
Akala ko matapang na ako dahil kaya kong isugal ang buhay ko para sayo
Pero mali pala ako.
Dahil ang totoo pala ay duwag ako
Naduwag ako sa kagaya mo
Naduwag akong aminin tong nararamdaman ko.
Kaya ang sakit.
Ang sakit na kung kailan sigurado na ako at handa ko ng ilaban ito
Ay ngayon at dito ko pa mismo napagtantanto sa kasal mo.
At ngayon hawak mo na nga ang kamay ng kapatid ko
Pinamukha na sa akin ng tadhana at ng mundo na talaga palang huli na ako.
Huli na ako para sa pagmamahal mo
Huli na para maging tunay na matapang para ilaban ang isang katulad mo.
Huli na ako.
Huli na para sabihin sa iyo mismo na
Mahal kita,
Amari .
BINABASA MO ANG
AMARI (MIKHAIAH)
FanfictionSabi ng matatanda, matuto raw tayo sa pagkakamali ng iba, kapag mali, wag na raw gagayahin at kung minsan sinasabi pa ng matatanda na kung hindi sayo, huwag na huwag mong aangkinin. Pero paano na lamang kung hindi pa rin malinaw sa inyo kung ano ba...