I need my memories!



"A-anak ang totoo talaga—"



Hindi ko natapos ang sasabihin nang ngumawa uli siya.



"Hindi na po ako hihingi ng kung ano ano. Magiging good boy na po ako. Kung yun po ang dahilan niya ayoko na po ng toys." mas lumakas ang iyak niya. "B-basta... sabi niyo... p-po kay papa uwi na s-siya. "



Haizen...



Niyakap ko siyang muli at hinalikan ang kaniyang noo.



"Tahan na anak. Promise sasabihin ko yun kay papa. Sasabihin ko na uwi na siya satin. "



Narinig ko na mas lumakas ang pag iyak ni Haizen.



Ah. Hindi. Nagising na pala ang mga kapatid nito at umiiyak na rin. Yumakap sila sa akin pag kabangon nila.



"Bakit kayo umiiyak mama? " hikbi ni Haizley.



"Mama, stop crying. It hurts seeing you crying. " Haizer



My babies...



Gagawin ko talaga lahat para mahanap si papa. Sana mahanap ko. Sana gwapo— este mahal tayo. Huhu


---


"Hmm🎶~~" Haizen was humming their favorite lullaby song while patting his sister's hand.



Nalaman ko nalang na nagbabalak na naman palang matulog si Haizley habang nakasandal kay Haizen. This child.



Si Haizley ay antukin at ang pinaka tamad gumalaw sa kanilang magkakapatid. Pero pagdating sa pag aaral ay napakasipag naman nito. Napakarami niyang pangarap at goals na sinasabi sa akin, isa doon ang kung hindi pa man daw makakauwi ang papa nila, ay siya na ang susundo sa kaniya.



'Baby, si mama nga hindi makapunta sa kaniya dahil hindi ko kilala at hindi ko maalala ang itsura ng papa niyo ikaw pa kaya na hindi pa siya nakikita since dumating ka sa mundong ito?' gusto ko nalang umiyak.

The Triplets DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon