LN: Your only one

TH: Gumaganyan ka na Leni ahh

TH: Kaka Sharon Cuneta mo 'yan

LN: Ba't ba?? Ang ganda kaya nung line, may point siya

TH: Paano naman ako magkakaroon ng number two? Ikaw nga lang kinakausap ko hanggang makatulog ako, sinusulatan kahit busy ako, nakakapagpasaya sa'kin tuwing ako'y malungkot, ikaw ang inaalala ko araw-araw, ikaw lang lahat iyon Leonor and I promise this is the first time

TH: You're my first time

LN: ...

TH: Hello? Na-end nanaman ba 'yung call?

TH: Hello Maria Leonor Gerona??

TH: He—

LN: Ha? Teka sorry tinawag ako

TH: Parang wala naman akong narinig?

LN: Malamang malayo sa telepono kasi ehh

TH: Dami mong satsat, aminin mo kinilig ka!

LN: Sino ba naman hindi? Puro papuri na lang bukambibig mo sa'kin

LN: Lalaki ka ba? Ba't ganyan kayo, hilig mambola

TH: Lalaki lang ba pwede mamuri sa isang babae? Tsaka ibahin mo ako sa mga lalaking 'yan

TH: Babae ako at confident ako na mas pogi ako kaysa sa kanila noh!

LN: GGSS nanaman Theresia

TH: What if you'd just confess

TH: Aminin mo na nagagandahan at nagwagwapuhan ka sa'kin

LN: Kahit hindi kita nakikita, nararamdaman ko ngisi mo

LN: Tumahimik ka na lang

TH: Iniiba nanaman topic, hayst

LN: (Gago ka ba? Nababaliw na nga ako sa'yo, ano ba kasi tawag dito? Hayst ang puso ingatan)

LN: Grabe lakas ng hangin dito, ramdam mo?

TH: Sinasabi mo ba pangit ako?

LN: Sinasabi ko na masyado kang inlabo sa sarili mo

TH: Okay, whatever sails on your boat

TH: Let's call tomorrow or next time na lang

LN: Hala hoy!! Tampo agad ang baby kooo

LN: Cute mo hahahaha

TH: FYI, hindi mo ako baby ulol

TH: Hindi ako nagtatampo, may gagawin pa ako about school

LN: End mo nanaman kaagad? Pakisabi sa school mo na huwag mangistorbo

TH: Opo, pagsasabihan ko sila, mahal

LN: (Mahal?!)

TH: Ingat ka Maria Leonor

Ana Theresia, you can't drop the call after calling me mahal?!?! Ikaw talaga tatapos sa'kin, I swear.

✎...

LN: Hello...? Leonor speaking...

TH: Hi Leni!

LN: Risa?! Omg ka, kamuntikan ko na masanggi 'yung baso

LN: Nakakabigla ka naman Risa

TH: Mabuti na 'yon, tamlay mo?

LN: Hindi ah

TH: Huwag ka magpanggap, ano ba nangyari? Kwentuhan mo naman ako

TH: I had a stressing day, hearing you talk will make it better I promise

1982Where stories live. Discover now