Chapter 3

1.1K 91 21
                                    

Tumigil ang karwahe sa sa harap ng isang malaking mansyon na nasa City P. Naalala ko ring andito ang emperor, nakasaad na sa nobela na hihintayin ng kamahalan si Adella sa mansyong ito. May kailangan kasing asikasohin ang emperor sa syudad na ito.

Pagpasok namin sa isang kuwarto isang lalaking nakasuot ng itim na royal dress ang agad kong nakita, nakayuko siya habang sa kabilang mesa naman ay isang lalaking may kulay rosas na buhok, siya ang unang nakapansin sa'kin.

Pink hair, yellow eyes, pointed nose and pink lips. Just by describing his appearance I already know it's Arken Monovix, he's the cousin of his highness.

"Your highness the lady is here," napalingon ako nang bahagya sa likuran ko, yong isa sa mga lalaking nagdala sa'kin sa mansyon ang nagsalita. Nang bumalik ang tingin ko sa harapan, agad akong napasinghap, nakatitig na sa'kin ang kamahalan.

Napakurap-kurap ako ng ilang besses, pero gano'n pa rin ang nakikita ko. Isang lalaking may pulang buhok, at pulang mata. He's staring at me coldly, napaiwas ako ng tingin bago nag-curtsey.

"Greetings to the light of the Empire, Your imperial highness Cyrus Clyde Cumpbel III."

Agad akong naestatuwa nang tumayo siya at lumapit sakin. Nagsisimula nang kumabog ng malakas ang puso ko. Napayuko ako kay ay Archaile nang mas lalong humigpit na nakayakap niya sa likuran ko habang sumisilip sa lalaking nasa harapan ko.

"May I know why the emperor want to see this lowly servant?" Kumunot pa ang noo niya saka niya ako pinaningkitan ng mata. Agad na kumabog ng malakas ang dibdib ko nang bumaba ang tingin niya sa batang nakayakap sa'kin.

Matagal niya itong tinitigan. "May I know your name young lad"

Napasulyap ako kay Archaile. "Batiin mo ang kamahalan, Archaile,"  Nagdadalawang-isip pa siyang lumabas mula sa likuran ko. He put his right hand into his chest before bowing

"I am Archaile Kyle Willox, your highness" hindi ko naman mapigilang mapangiti. Aww so cute.

Pinihit ko siya paharap at umupo ako sa harapan niya. "Baby doon mo na hintayin ang mama sa labas, okay?"

He nod slowly and smiled. "Okay"

Agad na nawala ang ngiting iyon sa mga labi ko nang makalabas siya ng pintuan, marahan akong pumihit paharap.

Emperor Cyrus Clyde Cumpbel III. Labag sa loob niya ang kasal nila ni Adella, pero dahil kagustuhan ito ng kan'yang ama ay wala siyang magagawa pa roon. Isang mabait na ama si Emperor Cyrus II kaya hindi niya magawang hindian ang ama. Dalawang buwan ang lumipas ay namayapa ang Mahal Emperor Cyrus II dahil sa kantandaan na rin. Makalipas ang apat na buwan ng pagkamatay ng Emperor ay doon nalamang may pag-aalsa na magaganap sa bahay ng mga Willox.

Napahigpit ang paghawak ko sa aking damit nang biglang may mga imahe akong nakikita sa utak ko, kung paano pugutan ng ulo ang mga magulang ni Adella pati na rin ang mga katulong sa bahay ng mga Willox at ang ibang kasapi nito.

"Who's that child?"

Agad akong napaangat ng tingin at napaiwas rin ng tingin nang mabilis. "

"My adopted son your highness, Iniwan siya ng Mama niya sa labas ng aking pintuan, Baby pa siya at dahil na rin sa awa kaya inampon ko na po."

Halatang hindi siya kumbinsido sa sagot ko, hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inis. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang nararamdaman ko, dahil siguro gano'n ang nararamdaman ni Adella sa lalaki noong nabubuhay pa siya.

"Kung di ka naniniwala sa'kin edi magtanong ka sa mga taga doon" mahinang bulong ko pa habang nakayuko ang ulo.

"What?" Napaangat naman ako ng tingin sa kan'ya bago napailing ng maraming beses.

When I Became The Emperor's Ex-wife जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें