CHAPTER XLI

1.2K 58 12
                                    

"Si Gab-Gab?"

"Dumaan na ba rito sa inyo si Gab-Gab?" Tanong ng Heneral sa mga kaibigan ng kaniyang anak rito sa hospital.

Isang linggo na kasi ang nakakalipas mula ng magkagulo ang dalawang magkapatid. At halos isang linggo na rin hindi nagpapakita sa kanila ang tenyente.

"General" Pag saludo ni Gail sa heneral, sumaludo rin naman ito sa kaniya kaya napahinga na lang naman muna siya ng malalim bago ulit mag salita.

"Nag file po siya ng leave noon araw din mismo na nagkagulo silang dalawa ni Konsi Delgado, na agad din naman pong inaprubahan ni Hepe"

"Ang problema lang ho e hindi rin po namin alam kung nasaan siya nitong mga nakaraan, hindi naman din ho kami nakakatanggap ng text o tawag mula kay Tenyente Santiago" Dagdag pa ni Gail, kaya napatango na lang naman ang heneral at inis na napamewang.

"Kasalanan ko rin e, kung hindi ko sana sinabi ang mga salitang yon sa kaniya ay hindi kami magkakaganito, kung inaalam ko muna sana yung totoo, edi sana hindi kami nagkawatak watak lalo ngayon" Nasabi na lang ng Heneral.

Nagets naman agad ng magkakaibigan ang pinupunto ng heneral dahil nalaman na rin nila ang mga nangyari ng araw na iyon mismo ng dahil kay Stanaiah.

"Tama ho kayo" Biglang pag sang ayon ni Gail kaya gulat naman napatingin ang mga kaibigan at nobya nito sa kaniya.

"Bakit?" Takang tanong pa ni Gail sa mga ito.

"Totoo naman ah"

"Pasensya na kayo, Heneral pero sinasabi ko ho ito bilang kaibigan ng anak niyo at sinasabi ko rin ho to bilang ama kayo ng kaibigan ko"

"Alam niyo ho bang matagal ng hindi takot mamatay ang anak niyo? Dahil lagi niyang sinasabi sa amin na wala naman siyang iiwang pamilya rito dahil wala naman daw takot kahit pa na mawala na siya sa mundong to"

"Buong buhay ho ng anak niyo inisip niya na mag isa lang siya dahil buong buhay niya rin inisip na bunga siya ng pagkakamali niyo, kaya okay lang kahit ipalabas pa ng sarili niyang ina na isa lang siyang ordinaryong bata diyan sa tabi tabi"

"Nakakalungkot lang ho dahil pinatunayan niyo ho talaga sa kaniya na bunga talaga siya ng pagkakamali"

"Sana lang din ho ay alam niyo ho kung gaano kayo kamahal ng anak niyo, kayong mga magulang niya pati ang kapatid niya, na halos wala na siya itira sa sarili niya para lang masunod ang gusto niyo na dapat na tinuturing niyang pamilya"

Sunod-sunod na usap ni Gail sa Heneral kaya napaiwas na lang naman ito ng tingin.

Laking gulat din naman ni Amari na makita ang nobyang nakatayo na sa hindi kalayuan sa kanila kaya agad naman itong napatakbo palapit dito.

"Gawin na natin ang pangalawa sa huling plano natin na magkasama, Amari" Biglang usap ni Cloie kaya laking gulat naman ng doktora.

"Pero bago natin magawa yon, kailangan na natin humingi ng tulong" Dagdag na usap pa ni Cloie habang gulat pa ring napatingin sa kanya ang doktora.

"Hindi natin pwedeng patagalin pa 'to, kailangan tayo na rin mismo ang kumilos, kung may isang bagay man akong huling hihilingin sa kapatid ko"

"Ikaw yon, Amari"

"Masyado pang delikado, Cloie"

"Kanino tayong hihingi ng tulong? Tsaka paano tayo makakasiguro na ligtas tayo pare-pareho dito sa gagawin natin?" Nag aalala ng tanong ni Amari.

"Paano ako makakasiguro na ligtas sila sa mga sunod na hakbang na gagawin natin para sa atin? Cloie, hindi ko mapapauwi ang mga magulang ko rito na ganito kagulo " Takang tanong pa ulit nito kaya napangiti na lang naman si Cloie.

"Pa! Gail!" Biglang tawag ni Cloie sa Heneral at sa Tenyente.

Gulat naman ulit napatingin ang magkakaibigan sa heneral at sa konsehal ng biglang magyakap ang mga ito.

"Buuin na natin ulit pamilya natin, pa. At bubuo na rin ako ng akin dahil sawa na ako, napapagod na ako kakasunod at kakapanggap" Biglang usap ni Cloie sa Heneral kaya taka naman na napatingin sa kaniya ito.

"May kailangan kaming sabihin sa inyo ni Amari" Usap na nito sa mga kasamahan.

"Tenyente Perez, kailangan ko na rin kayo makausap nila Hepe at Kapitan Rivera" Dagdag pa ni Cloie habang unting-unti na napagtatagpi tagpi ni Gail ang nangyayari.

"Hindi ba muna natin hihintayin si Mickenzie?" Takang tanong ni Gail ngunit wala naman emosyon na umiling si Cloie

"Mag isa kong kakausapin ang kapatid ko" Sagot pa ni Cloie kaya napatango na lang naman ang tenyente.

"Nandoon sila ngayon sa headquarters pero mas makakabuti kung hindi tayo roon magkikita-kita" Biglang usap ni Gail kaya napatango na lang naman si Amari at Cloie.

__________________________________________

MICKENZIE GABRIELLE'S POV

Pagkatapos ng isang linggong leave at pananatili ko sa Maynila kasama ni Stanaiah ay balik trabaho nanaman ulit ako.

"Hepe" Pagbati at pagsaludo ko ng makasalubong ko ang hepe namin na palabas na ng headquarters.

"Tenyente Santiago" Bati niya rin at sumaludo na rin sa akin.

"Mabuti at nakabalik ka na, may malaking event sa susunod na mga araw ang mga Delgado"

"Bukas na bukas, pagbalik ko, kailangan na kailangan maghanda kayo ng plano para sa darating na araw na iyon" Nagmamadali ng sabi ni Hepe kaya taka na lang naman akong napatango.

Kailangan na ba talaga namin madaliin ang kaso? Gaano na nga ba ako kasigurado na maibabalik ko ang pamilyang nawala sa Sir Dad ko?

"Oh? Welcome Back! Kamusta Maynila?" Todo ngiting bungad sa akin ni Gail ng makalabas siya sa opisina niya na nasa tabi lang ng opisina ko.

"Okay lang, naging bodyguard lang naman ako ng kaibigan mong sikat na modelo't artista" Sagot ko sa kaniya kaya natawa na lang naman aiya.

"Pinabibigay ng kapatid mo" Aniya pa niya ng iabot na niya sa akin ang isang envelope.

"Ihanda mo na rin yang puso mo" Dagdag pa niya bago tapikin ang balikat ko at dire-diretsong naglakad palabas ng headquarters.

"Tapusin mo na lang tong kasong hawak mo, Mickenzie"

"Para makakapag pahinga ka na"

AMARI (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now