Nagtipa ako ng message sa kanya. Siguro naman ay break din nya kaya mababasa nya kaagad ang message ko.

"Hi :)"

Cousinto sinto <3
"Who's this?"

Napabangon ako at lumawak ang ngiti. Ang bilis nya mag reply ah! Kapag nalaman nya kung anong name nya sa phone ko baka batuhin nya ako sa mukha.

"Your future baby." - reply ko.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang malakas na tawa na gustong kumawala sa bibig ko.


Cousinto sinto <3
"Abnormal ka ba?"


Ay grabe sya. Pinindot ko ang call button. Medyo naka ilang ring pa muna bago nya sinagot ang tawag.

"Sinong abnormal?"

"Where did you get my number?"- she said, ignoring my question.

"Kay ate Charlotte."

Nilayo ko ang phone ko at tinignan. Akala ko kasi pinatay na nya yung tawag dahil biglang tumahimik sa kabilang linya.

"Kamusta ka dyan? Miss na kita. Kailan ka uuwi?"-sunod sunod na tanong ko.

I heard her gasp on the other line, which was eventually followed by a chuckle. My heartbeat leaped when I heard that.

I made her smile!

Para na naman tuloy nakikipag karera ang puso ko dahil sa narinig na response mula sa kanya.

"Puro ka kalokohan."- mahina ang boses na sabi nya pero halata naman na nakangiti sya sa tono ng boses nya.

"I'm not kidding. I missed you and your stormy demeanor."

"Pardon? Are you saying I have an attitude problem?"

"Ikaw nagsabi nyan. So, kelan ka nga uuwi? I have something here for you."

She paused for a minute. "Friday night."

Tinignan ko ang kalendaryo sa bed side table ko.

"Alright. I'll see you  then."

"Bea... "

"Hmm?"

"Thank you for your call. I wasn't in the best of moods before you called." - she said softly.

"Are you alright now?"- I inquired, concerned.

"Yes, I guess."

"Okay,  I—— B-bye pala , baka nakakaistorbo nako sayo."

Ako na yung nag end ng call bago pa ako may masabing iba. Napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo ito. Masyado akong na engrossed sa kakaisip sa kanya. Hindi pa nga pala ako nakain.

*******

"Ate, may pork barbeque sa may garden. Ayaw mo ba?"

Loving Louise Spencer ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora