CHAPTER XXXIX

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala naman na nagawa si Mickenzie kundi ang tawagan na lang ang ina ng konsehal para ipasundo ang anak nitong lasing na lasing.

"Sabing bitawan niyo ko e!" Biglang sigaw ulit ni Cloie ng alalayan siya ni Amari patayo.

Laking gulat naman ni Mickenzie ng makitang tinulak din ng kapatid nito ang doktora na siyang dahilan para matumba rin ito.

"Tangina naman, Cloie! Umayos ka nga!" Inis ng sigaw ni Mickenzie sa kapatid habang inaalalayan na patayo ang doktora.

"Okay ka lang?"

"May gasgas ka" Nag aalala ng sabi ni Mickenzie sa doktora.

"O-oo. O-okay lang ako" Sagot ng doktora.

"Cloie, umayos ka nga!" Sigaw ng tenyente ng alalayan ulit ang kapatid patayo.

"Langya! pati sarili mong nobya nasasaktan mo na!" Sigaw ulit ng tenyente habang patuloy pa rin niya itong inaalalayan.

Ngunit ng dahil sa kalasingan at inis na nararamdaman ay ni walang ano ano ay sinapak na lang bigla ni Cloie ang kapatid na tenyente na siyang kinabigla na ng doktora at ilang mga guard na nakatingin sa kanila.

"Sinabing bitawan niyo ko e, gusto ko lang naman makita si —————

"Tanginamo kung ganon!" Sigaw ni Mickenzie bawian na rin niya ng sapak ang kapatid.

Agad naman naalarma si Amari sa malakas na sapak ni Mickenzie sa kapatid nito kaya agad din siyang lumapit kay Cloie para tignan ito.

"Hindi mo ba alam ng dahil sayo kaya napahamak yan si Sherryl! Ha?!" Sigaw na ni Mickenzie sa kapatid.

"Dahil diyan sa kagaguhan mo ngayon! Pati na rin yang nobya mo! nasasaktan mo!"

"Mickenzie! Tama na!" Sigaw na rin ni Amari

"Paano mo nasisikmurang magmahal ng hindi ka pa tapos magmahal ng iba?!" Tanong ni Mickenzie

"Mickenzie sinabing tama na e!"

"Hindi, Amari! Hayaan mong malaman nitong magaling mong nobya na nasasaktan ka na!" Sagot ni Mickenzie habang dinuduro duro na si Cloie.

"Hayaan mong malaman nitong magaling mong nobya kung gaano siya kawalang ——

Hindi naman na natapos ni Mickenzie ang sasabihin niya ng makatanggap ulit siya ng sapak mula sa kapatid niya, hindi naman na nakapagpigil din si Mickenzie kaya ni walang ano-ano'y pinatulan na rin niya ang kapatid.

"At sinong gusto mong mahalin ni Amari, ha?! Ikaw?!"

"Ikaw ba?! Mickenzie?!"

"Ikaw ba?!" Sigaw na tanong na ni Cloie ng maawat na sila ni Gail at Janie.

Sabay-sabay naman silang natahimik sa tanong ni Cloie

Napatingin na lang naman si Amari kay Mickenzie na ngayo'y napaiwas na lang ng tingin.

"Akala mo ba hindi mo napapansin yang mga tingin at pagliligtas mo lagi kay Amari?!"

"Akala mo ba ————

Hindi naman na natapos ni Cloie ang sasabihin niya ng lumapat na ulit sa panga niya ang kamao ng sarili niyang kapatid.

"Mickenzie! Ano ba?!" Sigaw na ni Amari at galit na galit ng tinulak si Mickenzie.

"Tumigil ka na!" Sigaw pa nito

"CLOIE!"

"CLOIE! ANAK!" Biglang sigaw ni Mrs. Delgado ng makitang napaupo na sa sahig ang anak nito.

"Anong ginawa mo sa anak ko?!" Sigaw nito kay Mickenzie kaya gulat naman din napatingin si Amari,
Gail, Janie at Madison kay Mrs. Delgado.

Anak mo rin ako.

"Anong ginawa mo kay Cloie?!" Galit na galit na tanong pa nito kay Mickenzie.

Hindi naman na kumibo pa si Mickenzie at napatitig na lang ito sa doktora at ina nitong alalang alala sa sinapit ng panganay na anak.

"Tenyente Santiago!" Sabay-sabay naman silang napatingin sa isang lalaking maawtoridad na sumigaw sa gawi nila.

"General Santiago" Bulong na aniya ni Gail ng makita ang Heneral.

"Ano ang sa tingin mong ginagawa mo?!" Galit na tanong nito at lumapit sa mag inang nakaupo ngayon sa sahig.

"Ipacheck mo siya agad ngayon sa mga doktor" Usap ng heneral sa ina ng magkapatid. Agad naman napatango ang babae kaya agad din nila inalalayan ni Amari patayo ang konsehal.

Lagi na lang ba talaga ako pangalawa at huli sa listahan ng mga taong mahal ko?

"Tenyente! Pulis ka! Dapat nilulugar mo ng tama yang bawat ginagalaw at yang pagiging pulis mo!" Galit ng sigaw nito sa anak niya ng harapin niya ulit ito.

Hindi naman na sumagot pa si Mickenzie at napapailing na lang naman itong naglakad palayo sa kanila at dinura na lang nito ang dugong nang galing mismo sa bibig nito.

"Si Cloie ang unang nanakit at nang gulo, ginawa ko lang kung anong alam kong tama para matauhan kahit papaano" Usap ni Mickenzie ng lingunin niya ang parehong magulang bago tuluyang sumakay sa motor nito at mabilis na nagpatakbo palayo.

AMARI (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon