Chapter 11 - Tutorial

Start from the beginning
                                        

Binuhat ko yung tray at umupo sa bakanteng lamesa.

"Dito." -ako

Umupo naman siya at tinignan lang yung pagkain.

"Well?" -ako

"Ah." sabay kuha niya nung isang pinggan

"Nakapag-order ka naman ng maayos kanina." sabi ko sakanya sabay subo

"Ah, pinakinggan ko lang kung pano magorder yung nasa katabing linya. Ginaya ko lang." pagpapaliwanag niya

Patuloy kaming kumain hanggang sa napansin kong may pinagmamasdan siya sa kabilang mesa.

"Jan ka lang ah." -Ethan

"San ka pupunta?" -ako

Pero di na niya ako pinansin.

Nakita ko naman na pumunta siya dun sa refill nung gravy. At naglagay ng gravy. Pagkatas nun, bumalik siya sa mesa at binuhos yung gravy sa kanin niya tas hinalo.

o_O "Kanino ka natuto niyan?" tanong ko sakanya

"Nakita kong ginawa nung bata. Ayun oh." sabay turo niya dun sa bata sa kabilang table.

Tinignan ko naman yung tinuturo niyang bata. Nakakatuwa nga eh. Ang sarap-sarap ng kain nung bata. Ang saya-saya nilang pamilya.

Binaling ko naman yung tingin ko kay Ethan. At pagtingin ko sakanya, sarap na sarap din siya dun sa kinakain niya.

Bigla naman niya ako tinignan,

^_______^ >>>>> siya

Napangiti nalang din ako.

Ng matapos kaming kumain naglakad-lakad kami.

"Di ba tayo bibili?" -Ethan

"Ng?" -ako

"Groceries?" -Ethan

"Diba may stock ka pa?" -ako

"Hindi ako, timang! Ikaw." -Ethan

"Hindi tayo dito bibili." -ako

.

.

.

.

*fastforward*

.

.

.

.

"Dito tayo bibili. Sa palengke." -ako

"Bakit dito?" -Ethan

"Mas mura dito. Mas makakatipid ka." -ako

"Hindi naman sa ano ah, pero, ang baho naman dito." -Ethan

"Eto ang buhay sa labas ng mansion Ethan." sabi ko sakanya sabay hila.

Onti lang din nabili namin. Tanghali kasi eh.

"Alas tres na. Tara, uwi na tayo." -ako

"Ang aga naman." reklamo ni Ethan

"May trabaho pa kasi ako." -ako

"Sige, sama ako ah." -Ethan

"Ah, Ethan, may panyo ka? Nakalimutan ko kasi magdala eh." -ako

I was wrongWhere stories live. Discover now