Pinakalma naman ni aling esperanza ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng pag hagod sa likuran nito.

"kumalma ka modesto, baka tumaas na naman ang presyon ng dugo mo. "sabi nito kaya agad na umupo ang matanda.

"Pakasalan mo ang anak ko, jose. At katulad ng pangako mo, pag aaralin mo ang anak kong si ana." sabi nito kaya agad na napatango si jose sa mga magulang nito.





Pagkauwi nila sa kanilang bahay, agad na nagluto ng pagkain si jose. Lumapit naman sa kaniya si ana at niyakap sya mula sa likuran.

"mahal," pag tawag nito sa kaniyang atensyon.

"mmm?"

"salamat."

Hinarap naman sya ni jose bago sya ngitian at hinaplos ang kaniyang buhok.

"wala yon mahal, mas magpapasalamat ako sa tatay at nanay mo dahil pinayagan nila ako na kasama ka na sa iisang bahay. Mag sisikap ako para sa ating dalawa at para sa bubuuin nating pamilya." nakangiti nitong sabi sa kaniya kaya naman dinampian sya ng halik ni ana sa kaniyang labi.


Nag doble kayod naman si jose dahil alam niyang kailangan niya ng mas malaking halaga ng pera. Sa umaga siya ay nasa kaniyang parlor at mag sasara sya ng ala singko ng hapon bago tutungo naman siya sa isang bar para maging waiter.

Ilang beses na ngang may nag aaya sa kaniya na bayaran sya para gawin ang isang bagay pero hindi niya ito tinatanggap. Mas mahalaga sa kaniya ang kaniyang dignidad at mahal niya si ana.

Badang alas nwebe na ng gabi ang kaniyang uwi at minsan nga ay maaabutan niya si ana na tulog na.

Sa araw araw minsan ay kumikita siya ng higit kumulang anim na libong piso. Minsan pa nga ay nag raraket pa sya sa pag titinda ng mga sabon at mga pabango.

Lahat ng pera niya ay iniipon niya. Tinignan niya ang alkansya na para sa kasal nila. Meron na siyang walong libo na naiipon habang sa panganganak naman ni ana ay mayroon ng limang libo.

Nakabukod rin ang kanilang pang araw araw na gastos.

Hindi na rin kasi siya nakapag tapos ng pag aaral dahil hirap rin sa buhay. Pero kung tatanungin sya, gusto niyang bumalik rin sa pag aaral.

"mahal" naalimpungatan na pag tawag ni ana sa kaniya. Bumangon pa ito habang kukusot kusot ang mata.

"mahal. kaloka, antok na antok ka na. tska gabi pa lang. Tulog ka na ulit." sabi niya at hinarap ang asawa.

"gutom ka? pag hahain kita ng pagkain." sabi nito at akmang tatayo pa mula sa kanilang higaan.

Agad naman niya itong pinigilan.

"hindi na mahal, busog ako. Kumain na ako bago umuwi."

Tumitig naman sa kaniya ito at nginitian sya ng bahagya. Hinaplos din ang kaniyang mukha.

"wag ka mag pagod masyado, nag aalala ako sayo. Sa umaga nasa parlor ka, sa gabi nandoon ka sa bar nag seserve ng mga orders ng mga customers. Tapos minsan naglalako ka pa ng mga paninda. Nag aalala na ako sayo baka magkasakit ka niyan, wala ka pa masyadong tulog minsan. "

" ayos lang ako mahal. Ayos lang ako, tska kailangan ko mag ipon para sa inyo ni baby. Tska para sa pag aaral mo. " sabi niya rito.

Ramdam ni ana kung gaano sya kamahal ni jose. Hindi nga siya nito hinayayaan na mag trabaho kahit kaya pa naman niya. Hindi pa naman gaano malaki ang kaniyang tiyan.

" halika nga dito sakin" pag tawag niya at agad na niyakap ang kaniyang asawa.

"mahal ko, ito tandaan mo ha? hindi importante sakin ang magarbong kasalan. Kahit simple okay lang, mahalaga sakin magkasama tayo sa hirap at sa ginhawa. Yung pag aaral ko, pwede naman ako huminto muna hanggang sa lumabas si baby natin."

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now