Bigla itong namatay bago pa natapos ang newscaster sa pagsasalita.

"Ang bilis kumalat ng balita." sabi niya at tuluyan na akong tinayo, "Sumunod ka sa akin, ipapaliwanag namin sayo lahat."

Lumabas siya ng kwarto kaya agad akong sumunod. I need answers as to why I'm here and what's my purpose here.

Lumabas kami ng kwarto, nagtaka ako kasi walang katao tao sa labas. Akala ko ba nasa hospital kami? Ba't walang mga tao dito?

"This is not a hospital if that's what you think. You'll know soon where we are, baka di mo ulit maprocess pag ngayon ko sayo sinabi." sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakita ko sa labas ang isang babae na kasama nila, kanina pa siya tahimik at nakatingin lamg sakin habang nakaupo dun sa sofa katabi nung lalaking nagbigay ng bracelet sa kamay ko.

Napatingin ako sa bracelet na nasa kamay ko, I remember seeing this on my real body bago kami napunta dito.

"Hi." biglang sabi nung babae kanina habang sinasabayan ako sa paglalakad. She's smiling softly to me. Nakatingin siya sa akin ng malumanay.

Mas matangkad ako ng kunti sa kanya o it's just because of this clone body na sinasabi nila. Hinawi niya ang kunting hibla ng buhok na nahulog sa mukha niya at nginitian ulit ako.

"What's your name by the way? Dinala ka namin bigla dito without actually knowing your name." sabi niya habang nakatingin sa akin. Ang tahimik ng paligid namin at tanging ang tunog lang ng stilettos nung babeng nakalab coat ang maririnig.

"Samantha." tanging sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad, I don't like to talk to any of them. I'm not like those type of people who easily gets friendly.

"I'm Erlyiea, nice to meet you Sam." sabi niya, she looks kind but I don't like it when people call me Sam lalo na't ko di ko kaibigan.

Di ko nalang pinansin ang pagtawag niya sa akin at tumango lang, I have a weak spot for cute girls. Ruler nalang ang straight ngayon.

Ilang sandaling paglalakad pa ay huminto kami sa isang malaking pinto. Tiningnan ko ang nakalagay sa taas ne'to at nakita ang sign na CEO's office. Nasa isang company building ba kami?

Binuksan niya yung pinto at bumungad samin ang napakalaking office. Kitang kita ang mga city lights sa malaking glass window. May swivel chair sa gitna na walang nakaupo.

Naglakad yung babaeng naka lab coat palapit sa isang bookshelf at tinulak ang isang libro. Bigla itong umatras at bumungad sa amin ang pintuan sa likuran. Binuksan niya ito at sumalubong sa amin ang nakakunot na noo nung lalaking sinigawan ko kanina.

"He's probably angry kasi sinigawan mo siya kanina. No one ever dared to shout at him before, ikaw pa lang." bulong ni Erlyiea, napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Sino ba siya sa inaakala niya? Anak ng mafia boss? Jeez.

Pumasok na kami sa loob, sinamaa ko pa siya ng tingin ng makadaan ako sa harap niya. Akala niya palalagpasin ko lang pagtawag niya sakin ng dumb, ha mamatay muna siya.

Nilibot ko ang paningin ko sa loob, napapalibutan kami ng mga libro. Sa gitna ay may maliit na lamesa at couch, may bar din sa gilid kung saan nakalagay ang mga iba't ibang inumin.

"Is that her?" tanong ng isang lalaking tantsa ko nasa 40's na. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko sabay nilapit ang mukha niya sa akin, "She looks fine. Did anything bad happen during the transfer?"

"None. It was smooth, her consciousness and the clone were compatible. As for the ability I detected none." sagot nung babaeng naka lab coar habang hawak na papel.

The King's only daughterWhere stories live. Discover now