CHAPTER TWO: Tulong, please?! ⇈

Start from the beginning
                                    

Karamihan sa kanila ay gumagawa na ng requirements.

At si Chase at Shzang ay nagbubulungan na naman. Nako! 'Pag sila talaga nahuli. Tsk, tsk. Gusto kong marinig kaso ang hina. Kasi 'di ba? Nagbubulungan nga 'di ba? XD Kinuha ko nalang cellphone ko at tinignan ang mga pictures ni Chase at tinitigan. :)

Oo, tama yang mga iniisip niyo. May gusto ako kay Chase, dati palang. Ang torpe ko lang talaga. kaya dinadaan ko nalang siya sa mga asar. Hindi pa rin niya nahahalata. Siguro kaibigan nga lang ang tingin niya sa akin. :(

Pero balak kong kausapin si Shzang mamaya at humingi sakanya ng tulong. Balak ko kasi talagang umamin before graduation.

"Hoy Yuen!", bigla akong kinalabit ni Chase kaya medyo nagulat ako. At buti nalang natago ko yung cellphone ko.

"Oh, ano yun?", tanong ko sakanya habang ino-off phone ko. Baka kasi bigla niyang hablutin eh.

"Kanina ka pa kaya namin tinatawag! Bakit parang ang lalim ata ng iniisip mo dyan?", tanong niya sa akin na para bang may gusto siyang malaman.

"Ah, hindi ko lang narinig. Ummm, ano kasi. Aah. Iniisip ko kung ano. Mamaya! Oo, kung saan ako pupunta mamaya.",  natataranta kong sagot.

*Krrrriiiiiiiiiiiiing. Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing.* (Tunog ng bell.)

"Goodbye class!", sabi ni Ma'am Mindy.

"Goodbye Ma'am Mindy!", sabay-sabay naming sinabi sa kanya saka siya lumabas.

Owyes. Recess! Ang aga lagi ng recess namin! :D Ganun talaga kapag maganda ang school. ;)

Author: Ano konek?

'Wag ka ngang umepal dyan!

Author: Yah, yah. keypayn.

"Tara canteen!", yaya ko kay Chase at Shzang.

"Sige, tara!",  sabi naman ni Shzang.

At kami'y bumababa na.

"Bili na ako ng pagkain ha? Libre ko na rin kayo.", sabi ko sa kanila at saka sila umupo.

Sige ba! Libre eh.",  sabi ni Chase sa akin.

"Tsss. Kapag libre talaga hindi mo tinatanggihan!", sabi ko sakanya.

Umalis na ako at pumila. Pagkatapos kong bumili ay bumalik na ako sa mesa.

"Uy, guys. Hindi ako makakasama pag-uwi mamaya. May gagawin pa ako para sa club namin eh.", sabi ni Chase habang kumakain.

"Ah, sige. Shzang sabay tayo mamaya ha?", sabi ko.

"Sige ba.", sabi niya sa akin.

-Fast forward-

UWIAN NA! =)

******

SHZANG'S POV.

Ayun, uwian na nga namin. At ngayon, kami lang ni Yuen ang magkasabay umuwi. Kasi nga si Chase ay may gagawin pa sa club na sinalihan niya. Ang sipag talaga nun minsan. XD

Nabigla ako kasi bigla niya akong pinatigil. At nag-iba kami ng daan. Pumunta kami sa isang park malapit sa amin.

"Tara, park muna tayo. Hihingi lang sana ako ng tulong.", sabi ni Yuen sa akin na para bang malalim yung iniisip niya. 

Ano kaya yun?

"Umm, sige.", sabi ko na naguguluhan.

Naglakad na kami at nakarating na kami sa park. "Ano yun?",  sabi ko habang paupo.

"Wala ka bang napapansin?", sabi niya.

"Ha? Saan?", sabi ko na sobrang naguguluhan pa rin.

"Yung mga pang-aasar ko kay Chase.", sabi niya.

Ha? Ano to? Ang gulo niya kausap! "Oh? Ano meron dun? Sobra na mga pang-aasar mo?", sabi ko pabiro kahit naguguluhan pa rin.

"Hindi.", sabi niya habang pinatingin niya sa akin yung isang album sa phone niya na may titile na "Chase <3".

Hindi ako nakaimik. Natagalan ako sa pagsalita. At nasabi ko nalang ay "Ah, ano maitutulong ko?".

"Matagal na kasi talaga akong may gusto kay Chase. Hindi ko lang talaga maamin sa kanya. Gusto ko, before graduation natin, masabi ko na sakanya. Tulong naman dyan.", sabi niya ng nakayuko.

"Ah, o-oh sige. Tara uwi na. Baka hinahanap na ako sa amin.", sabi ko habang patayo na.

At nung papasok na ako sa bahay, pahabol kong sinabi kay Yuen na, "Nga pala, balitaan mo nalang ako sa plano mo."  Sabay kaway at sabing "Babay!"

Gabi na, pero iniisip ko pa rin yung sinabi sa akin ni Yuen. Totoo kaya yun? O.o Hindi naman kasi talaga halata.

Tinext ko nalang muna si Yuen bago matulog. Ang gulo kasi.

------

Eeeey! Sorry, ngayon lang nakapag-update. Naging busy po kasi. =)))

Fan, vote and like! Thanks! :*

Enjoy! Ü

- NellYoj

Aim High ⇈ (Ongoing~)Where stories live. Discover now