Hindi. Hindi 'to pwede. Nangako ako kay mama, nangako akong uuwi kaming maayos ni Samantha.

Di man ako naging mabuting kuya sa kapatid ko pero mahal na mahal ko yun. Sila nalang ni mama ang meron ako. Kahit napakulit niya at ang tigas ng ulo niya sobrang mahal ko yun.

Di ko kakayaning tanggapin na wala na siya. Hindi pwede.

Iisa nalamg kapatid ko lord kinuha mo pa? Bakit naman ganun?

"Bunso..." bulong ko at tuluyang napaluhod. Hindi ko kaya, ang sakit sobra. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang sabihin kay mama ang nangyare. Naiisip ko pa lang ang magiging reaksyon na nadudurog na ang puso ko.

Napahagulhol nalang ako sa sobrang sakit. Nung iniwan kami ni papa iyak siya ng iyak, ako yung andun. Di ko siya iniwan, pero bakit ngayong ako 'tong umiiyak wala siya dito?

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit, nahihirapan na akong huminga. Parang pinipiga yung puso ko habang inaalala mga bangayan namin at asaran. Yung mga ngiti niya kapag nakikita niya akong naiinis sa mga pang aasar niya.

Ang sakit, sobrang sakit

Ilang minuto din akong umiiyak dun bago dumating ang mga bumbero, understandable na natagalan sila kasi malayo kami sa syudad.

Agad nilang tinulungan ang mga kaklase ng kapatid ko na may mga bali at sugat. Napag-alaman naming nagsitalunan sila palabas ng bintana, pero nung siya ba na ang tatalon palabas ay sumabit daw ang paa niya sa bakal.

Huli na ng malaman nila dahil nakalabas na sila.

"She was smiling." rinig kong bulong ni Natahlia habang nakatitig parin sa nasusunog na bus, walang emosyon sa mga mata niya pero patuloy parin sa pag tulo ang luha niya, "Para bang tinatanggap niya na katapusan niya na. Hindi ko maintindihan, paano niya nagawang ngumiti ng ganun?"

Napatingin ulit ako sa sasakyan ng unti unti na itong nawawalan ng apoy. Pinagdadasal ko na may maiwan man lang.

"May nakikita kaming katawan!" sigaw ng isang bumbero. Agad akong napatayo at hinintay na ilabas nila ang katawan. Napahawak sakin ng mahigpit si Bea habang naghihintay din.

Lahat kami naghihintay. Nakamasid sa bawat galaw ng mga bumbero.

Ilang sandali pa ay lumabas ang isang bumbero mula sa loob ng sunog na sasakyan. Napahakbang ako ng dahan dahan ng makita ang katawan na karga karga niya.

Pagkalapag niya ng katawan sa semento ay agad akong napatakbo palapit. Nanginginig ako ng hawakan ko ang katawan niya. Sunog ang ilang parte ng katawan niya lalo na sa ialmg bahagi ng mukha.

Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi abo ang binigay sa akin o magtataka dahil sa nakikita ko, paanong kunting sunog lamg ang natamo niya habang ang lakas ng apoy ng sasakyan kanina?

Nagulat ako ng mahawakan ang kamay niya, may beat. May pulso pa siya. Nilapit ko ang tenga ko sa dibdib niya at narinig ang mahinang tibok ng puso niya. Pa'no nangyare 'to?

"B-buhay pa siya." bulong ko. Nagulat naman si Natahlia sa sinabi ko at hinawakan rin ang kamay niya ng dahan dahan.

"Mukhang ganon na nga. Di ko alam kung papaano pero nakita ko siyang nasa ilalim ng upuan sa likurang parte, bali ang paa niya pero maayos siyang nakahiga dun." sabi nung bombero na kumarga sa kanya palabas.

"Anong ibig niyo pong sabihin?" rinig kong tanong ni Bea. Di ko sila binalingan ng tingin at nakatingin lang kay Samantha habang hinahawakan ng dahan dahan ang mukha niya.

"Mukhang sinadya siyang ilagay sa ilalim. Di ko alam kung papaano, pero iimbistigahan namin ang nangyare." sabi niya at umalis na para tulungan ang iba. May lumapit na mga rescuer sa amin at ilagay sa stretcher si Samantha.

The King's only daughterWhere stories live. Discover now