addicted to Love(part2)

292 17 0
                                    

Paulit-ulit man ay walng sawa niyang nililinis at iniingatan ang collection niya ng mga series ng kuwento ni Glenn na ang pangunahing tauhan ay si Arthur pa rin.kahit pa lumipas na ang panahon.Kung ang mgakaibigan niya ay nagbilang na ng boyfriends,siya ay nananatili pa ring loyal and faithful kay Arthur.
Hangga't hindi raw niya nakikita si Arthur sa mga suitors niya ay hindi siya magbo-boyfriend.

Sinubukan namn niyang makipag-date pero wala siyang natipuhan sa kanila.May guwapo pero sobrang daldal.May hindi guwapo pero nagpi-feeling guwapo,sobrang ilap.May super yaman,may super yabang,may over sweet,may over reacting but there's no Arthur in them kaya namn ang lola n'yo trying hard parin to find her ideal man.

UNTIL one boring day..... "Hmm,bakit nga ba ngayon kolang naisip?"
"YES!YES!YES!Why not coconut!!"
Nagtatalon sa tuwa si bianca dahil sa naisip niyang idea.Sinabi niya iyon sa ina.
"Anak,nababaliw kana ba talaga?"
"Mudra naman nag-aaral naman akong mabuti,sinusunod ko namn po kayo,but please pagbigyan n'yo naman 'ko?
"Sige ,pero Ipangako mo sa akin anak na pagkatapos mong ma-kilala ang Glenn na 'yan ay titigilan mo na ang kahibangan mo sa Arthur na 'yan ha?"
"Sige po,promise itatago ko na si Arthur sa closet ko once na makilala ko ang creator niya!"

Iniisip kasi ni Bianca na baka namn si Glenn mismo ang kaniyang hinahanap.Dahil sabi nga ng iba ang mga writer daw kapag nagsulat ng karakater ay 'yung malapit sa pagkatao nila.Baka wala pang pag-ibig si Glenn.....baka siya rin ang hinihintay nito.para kay Bianca napaka perpekto ng kuwento nila kung siya mismo na lumikha kay Arthur ang Magpapaibig sa kaniya.Okay lang kung may edad ito sa kanya ng konti.Uso naman 'yon ngayon.
Kaya namn ready to-the-max si Bianca.Bumili ng bagong damit at sapatos mula sa saving's niya at ang natitira pa ay pinang-parlor niya para kakaiba ang kanyang itsura oras na magtagpo ang landas nila ng idolong writer..

Sa isang coffe shop kung saan naghihintay ang mga kaibigan.
"Oh wow,Bianca its a miracle!"si heart
"Additional point ka sa'kin!"si Paul.
"Para sakin isa kang bago at espesyal na putahe !" si Ashtine.
"Bianca,seryoso ka ba diyan sa gagawin mo?"tanong namn ng bff niyang si Fat.
"Alam mo bes,panira ka eh,ang gaganda na ng comment nila oh!"
"Eh sino ba ang gigising sa'yo sa kahibangan mo kundi ang bed mo ever,diba?"
Umupo si Bianca sa tabi ni Fat at inakbayan ito.
"Bes nga kita,that's why i need your support okay?"

"Totoo kaya ang imahinasyon ni Bianca ngayon About her ideal perfect man niya?!"

Biami_lang_sakalam🤍🤍💜

Addicted To LoveWhere stories live. Discover now