UNFAITHFUL LOVE

Magsimula sa umpisa
                                    

Pagkatapos noon umuwi na sya agad dahil mag aasikaso pa sya para sa kanilang pag alis. Pag dating niya sa bahay, naka asikaso na ang kaniyang mga anak. Nanunuod na lang din ito sa salas habang hinihintay sya. Si vice naman ay nag bibihis na rin pag dating sa kanilang kwarto.

Nag palit na lang sya ng damit dahil nakaligo na rin naman sya minsan.

Pag dating sa boracay, tuwang tuwa ang kanilang anak. Nag pasama na agad ang mga ito sa kanilang angels habang silang dalawa naman ay nasa kanilang kwarto.

Kinabukasan, birthday ni abby. Tuwang tuwa ang bata dahil sa beach sya mag celebrate ng birthday nya.

"love? Are you okay?" tanong ni karylle dahil parang hindi okay si vice mag mula pagka gising. Tumango lang ito at nginitian sya ng bahagya.

Natapos ang birthday celebration ng kanilang anak pero hindi pa rin sya kinakausap ng matino ni vice. Ngumingiti lang ito kapag may nakaharap na camera. Parang napipilitan lang ito na lapitan at yakapin sya.

"love what's wrong?" pag tatanong muli ni karylle sa asawa noong gabi.

"who's christian?"

"sinong Christian?" balik tanong ni karylle sa kaniya dahil naguguluhan sya.

"Denise sent me a picture na may kasama kang lalaki sa outlet ng adidas. Sino si Christian?" pinakita ni vice ang picture na sinent sa kaniya. Hawak ng lalaki yung paper bag habang inaabot kay karylle at pareho silang naka ngiti.

"love, nabunggo nya lang ako and helped me na pulutin yang mga yan. Hindi ko sya kilala personally."

"Huwag na huwag ka mag sisinungaling sa akin, karylle." pag babanta nito sa asawa.

"Love, I won't do that. Mahal kita, bakit naman kita lolokohin?" hinawakan niya ito sa kamay at yumakap sya rito.



"nagawa mo na ba ang pinapagawa ko sayo?" tanong ni denise sa isang tao na kausap niya sa kabilang linya.

"hindi pa ma'am. Pero nandito na ako sa boracay. Nandito sila ng asawa niya."

"Good Christian. Now, do it. Para sa akin na mapunta si vice. I'll pay you."

Nasa bar ngayon ang mag asawa at nakikiparty. Hindi naman nila kasama ang kanilang  mga anak at may nagbabantay naman sa mga ito.

Pumasok si Christian sa loob ng bar at uminom rin. Maya maya lang ay kinausap niya ang isang bartender bago nilapagan nya ng five hundred thousand para lamang lagyan ng drugs ang alak na ibibigay kay karylle.

"mag babanyo lang ako karylle." paalam ni vice at tumango naman ang asawa. Maya maya lang ay nag serve na ng alak ang bartneder at nilapag yon sa table nilang mag asawa.

"ay hindi pa nag oorder ang asawa ko ng alak." saad ni karylle.

"Nag sign po sya na bigyan kayo ulit ng isa pang baso." sagot ng bartender. Umalis na ito habang si karylle naman ay kinuha na ang alak.

Patuloy lamang sya sa pag sasayaw hanggang sa para na syang nahihilo at nang hihina.

Lumapit naman na agad si christian at inalalayan sya. Sinandal rin sya sa pader bago halikan sa labi. Pilit syang humihilagpos ngunit hindi niya magawa dahil nang hihina na sya. Pilit na nilagay din nito ang kaniyang braso na ipulupot sa batok nya. Mas pinalalim nya ang pag halik dito.

"Fuck you!" isang suntok ang binigay ni vice kay Christian kaya dugo ang labi nito. Si karylle naman ay napa kapit sa mesa habang nanghihina. Lukot na rin ang kaniyang damit dahil pilit nitong inaangat ang suot niyang fitted dress.

"Tarantado ka ah!" sinipa niya rin ito bago niya binuhat si karylle papunta sa kanilang sasakyan.



Nakauwi na sila sa Manila pero hindi pa rin sya kinakausap ng asawa. Kahit anong paliwanag ang gawin niya, nauuwi lamang sila sa sigawan. Ilang araw na rin pero hindi pa rin niya ito nakukumbinsi na hindi nya gusto ang pangyayari.

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon