Epilogue (Part 2)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Talaga, Tatay? Ang tagal ko nang hindi nakita si Ate Angel kasi nasa Canada sila palagi nila Tito Shawn," sambit ni Jenelle.

"Mag-ayos na kayo, darating na rin sila maya-maya lang," utos ko.

Dumiretso kami ni Jeydon sa kwarto namin. Niligpit ko ang mga damit namin ni Jeydon. One week din kami dito. Humiga ako sa kama namin pagkatapos dahil napagod ako sa biyahe.

"Ang bilis ng panahon. Next year, eighteen na si Dwayne tapos si Jenelle naman, sixteen na. Ang tanda na pala talaga natin," sambit ni Jeydon habang nakadungaw siya sa verandah at nakatingin sa dagat.

Tumayo ako at pumunta ako sa likod niya at niyakap ko siya. "Age is just a number."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Kapag ba tumanda na ako, pogi pa rin ako sa paningin mo, asawa ko?"

Napangiti ako. "You will always be handsome to me no matter what. Kahit puro puti na 'yang buhok mo at kahit uugod-ugod ka na. Ikaw pa rin si Jeydon Lopez na crush ng karamihan, 'yong matangkad, maputi, mahaba ang pilikmata, matangos ang ilong, may pulang labi, may six-pack abs, may nakakamatay na ngiti at nakakatunaw na tingin. At ang pinaka-importante, ikaw pa rin iyong Jeydon Lopez na sweet na bad boy na mahilig kay Doraemon."

Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. Tiningnan niya ako gamit ang tingin niyang nakakatunaw. "I always fall in love with you for so many different reasons. Kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang Candice na kamukha ni Betty, magulo ang buhok at may makapal na salamin. You will always be beautiful in my eyes." Sinabi niya 'yong last sentence nang pakanta.

Tinitigan na naman niya ako sa mata ko. Para na talaga akong matutunaw.

"Kuhanan mo na lang kaya ako ng picture? Baka mangawit ka pa d'yan eh," nakangiti kong sabi.

"Line ko 'yan ah," nakangisi niyang sabi.

"Naalala ko lang. Naalala ko lang no'ng high school pa tayo. Hindi ko pa rin makalimutan 'yong mga memories from that time. Parang kailan lang iyon, eh."

"Sabi nga nila, high school life is the most memorable. Tama sila, pero ang pinakamemorable para sa 'kin ay no'ng nakilala kita."

Nakakahiya man pero kahit matanda na ako, hindi ko pa rin naman mapigilan na kiligin. Eto kasing magaling kong asawa, walang pinagkatandaan. Akala mo teenagers pa rin kami. Eh pareho na ngang teenagers ang anak namin.

"Thank you, Jeydon," sambit ko.

"Para saan?" nagtataka niyang tanong.

"Kasi tinupad mo ang pangako mo sa 'kin na you will never let us lose our spark. Kahit na matanda na tayo, palagi mo pa ring pinaparamdam sa 'kin na para pa rin tayong teenagers, sa paraan na walang pinagbago sa pagmamahalan natin. Araw-araw mo pa rin akong pinapakilig." Bumaba ang tingin niya sa labi ko at pakiramdam ko, bumilis ang tibok ng puso ko. "I love you, my bad boy."

"I love you ,too, my good girl."

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at hinalikan niya ako. Ilang taon na ang lumilipas pero nandito pa rin 'yong kilig at saya sa tuwing hahalikan niya ako. It seems that nothing has changed between us.

"Tatay! Mommy!"

Nagulat kami pareho ni Jeydon no'ng makita namin si Jenelle at Dwayne sa pintuan. Gulat din sila nang makita nila kami.

"Ay, wrong timing," sambit ni Jenelle. "Sabi ko sa 'yo Kuya, kumatok muna tayo. Mamaya gumagawa pa pala sila Mommy ng susunod sa 'kin."

Nanlaki ang mata ni Dwayne. Nagkatinginan kami ni Jeydon at natawa na lang kami. Siguro nga kapag pinagsama kami, si Jenelle at Dwayne talaga ang kakalabasan ng anak namin. Para namin silang carbon copy, hindi lang sa itsura pati sa ugali.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon