Chapter 3

1 1 0
                                    

"Sabi mo nga, I can't stop people from reading your
books, nor can I stop you from writing them. Pero kaya kong pagbawalan ang kapatid ko. You have just lost a reader, Miss Estrella. And please, think about what you're writing. Isipin mo kung anong leksyon ang iniiwan mo sa readers mo." Ibinaba nito sa mesa ni Ate Nora ang kopya ng libro niya bago tumango sa kanyang editor.

"Miss Servantes, thank you for your time."

"Ihahatid ko na kayo palabas," ani Ate Nora na
nagtungo sa pinto.

"No need. Alam ko naman kung saan." Muli siyang
tiningnan ng binata at muling parang sinilaban ang
kanyang sikmura.

Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng mesa ni Ate
Nora, hindi kumikilos, walang ekspresyon ang mukha.

Gusto pa rin niyang hambalusin ang buwisit dahil
umaalingawngaw pa rin sa kanyang isip ang 'piece of crap' na sinabi ng lalaki.

Piece of crap ha! Pinagpuyatan niya nang isang buwan ang piece of crap na iyon pagkatapos mamatahin lang ng damuho?

Nang sumara ang pinto sa likuran nito, bumuga ng
hangin ang kanyang editor at pinagmasdan siya nang namimilog ang mga mata. "That went well."

Nagsimulang mangatog si Livvy at mabilis siyang
nilapitan ni Ate Nora. Itinulak siya nito paupo.

"Okay lang 'yan. Hinga ka lang. Deep breaths. Ikukuha kita ng tubig."

"Hindi na, Ate," sagot niya.

"Okay lang ako."

Okay lang naman talaga siya dahil kanina lang niya
naramdaman na namamanhid ang dulo ng mga daliri niya dahil sa high blood. Pero okay na talaga siya.

Saglit silang natahimik bago bumunghalit ng tawa si Ate Nora. "Oh, my God, Livvy! As in oh, my God talaga!"

Napangiti na rin siya bago natawa. Nakipag-away
siya. Nakipag-away talaga siya! Siya, si Miss Ayaw-Ko-ng-Confrontations, ay nakipag-away at nanalo!

Naupo ang katrabaho sa silya sa tapat niya. "Ang galing mo! Hindi ako makapaniwala! Ang galing-galing mo!"

"Ako rin, hindi makapaniwala,'' sabi niya na hawak ang magkabilang pisngi na nag-aapoy pa rin hanggang ngayon.

"Hindi ko na maalala 'yung mga sinabi ko!"

May kumatok sa pinto at sumulyap sila sa direksyon
nito nang magbukas 'yon. Limang ulo ang sumilip na
parang hagdan mula sa labas.

"Ano'ng nangyari?" tanong ni Ate Sylvia.

"Pasok kayo, bilis! Diyos ko! Ang galing talaga ni Livvy!"

Halos isang oras din silang nagtawanan at naghagikhikan habang pinagkukuwentuhan si Benedict Leviste at kung ano ang naging reaksyon nito kay Livvy.

"Pero aminin," sabi ng isa pa sa kanilang mga assistant editors na si Tina, "guwapo si Kuya."

"Hindi rin!" mabilis na sabat ni Livvy.

Naisip tuloy niya kung naging masyadong mabilis ba at defensive ang dating ng sagot niya.

"Ano ka ba!" tawa ni Ate Sylvia.

"Ang lakas kayang dating niya. Hindi mo type?"

Umiling siya. "Hindi ko na nga siya type, may pagka-a-hole pa siya. Sana naman 'yung kasing-guwapo ng itsura ang ugali, di ba?"

"Pero idol talaga kita," ani Ate Nora.

"Itinayo mo ang bandera ng Tagalog romance!"

Muli silang nagtawanan

"Anyway, pupunta ako sa mall. Sabi ko kagabi, re-reward-an ko ang sarili ko kasi ang sipag ko sa manuscript na tinatrabaho ko. I think mas bonggang reward ang kailangan ko ngayon after nitong si Mr. Leviste. Mapapa-spa yata ako dahil sa stress!"

"Ay naku," sabi ni Ate Nora.

"Kung makakatulong ba 'yan sa pagsusulat mo, eh go lang! Pabor sa 'min 'yan. Saka huwag mo nang isipin 'yung poging suplado. Hindi ka na babalikan n'un. Napahiya na siya sa 'yo, eh."

"Bahala siya sa buhay niya,'' sabi ni Livvy na kinuha
ang kopya ng Wicked Love na iniwan ng binata sa mesa ni Ate Nora.

"Hindi naman siya ang unang taong hindi natuwa sa libro ko and I'm sure hindi siya ang huli. Basta ako, magsusulat ako para sa sarili ko. Basta masaya ako sa gawa ko, ipapasa ko siya nang ipapasa sa inyo. I-approve n'yo ha."

Ngumiti si Ate Nora. "Oo naman. Sabi ko nga, pabor sa ‘min ‘yan.”

Pasado alas onse ng umaga nang dumating si Benedict sa Leviste Towers at mainit ang ulo niya. Ni hindi na siya tinangkang batiin ng mga nakasalubong niya dahil halatang hindi siya sasagot at malamang ay maninghal pa ang binata kapag may kumausap sa kanya.

Ni hindi siya tumango sa sekretaryang si Tanya nang daanan niya ang mesa nito at agad na pumasok sa kanyang opisina. Pabagsak siyang naupo sa swivel chair at halos wasakin ang mouse nang iwasiwas niya iyon sa ibabaw ng kanyang mousepad.

Muntik na rin siyang ma-lockout sa sariling computer nang hindi niya ma-type nang maayos ang
password dahil ngitngit na ngitngit pa rin siya.

Lumabas ang kanyang desktop at ang e-mail program ng kompanya. May mahigit sampung e-mails ang may flag. Nabasa na ni Tanya lahat ng animnapu't tatlong e-mails na pumasok habang wala sila sa opisina at ang mga naka-flag na e-mails na lang ang kailangan niyang basahin at sagutin
nang personal.

Wala siya sa mood.

Sa halip, ni-minimize niya ang e-mail program at nagbukas ng Internet browser. Sa search bar, tinype niyaang pangalang Livvy Estrella.

Lumabas ang mga links para sa online accounts ng babae. Nag-click siya ng link para sa Facegroom fanpage nito. May disenteng numero ng likers ang page ng babae at kumunot lalo ang noo ni Benedict.

Ibig bang sabihin ay marami ang nagbabasa ng mga gawa nito?

Pinagmasdan niya ang larawan ni Livvy sa page. She
really was pretty. Hindi ba dapat nerd ang mga writers?

O, base sa mga sinusulat nito, hindi ba dapat ito iyong nakasuot ng paldang hanggang singit at mga blusang hanggang pusod ang neckline?

People would say she looked average. Hindi mestiza
na hindi morena. Her hair was shoulder-length and
ruler-straight. Katamtaman lang ang laki ng mga mata at masasabing cute ang ilong.

Her lips were full.

Nakangiti ito nang pumasok sa opisina ni Nora at parang gusto rin itong ngitian ni Benedict kahit pa mainit ang ulo niya nang dumating sa opisina ng publisher nito. Hindi nagtagal, hindi lang ang ngitian ito ang gusto niyang gawin.

He wanted to taste those lips.

Nang pumasok ang babae sa opisina ni Nora Servantes, nagulat siya sa naging reaksyon ng kanyang katawan. Nadama niyang nabuhay ang bawat nerve ending at nag tense ang bawat muscle doon.

Kung bakit, hindi niya alam. Hindi naman sexy ang
suot ito. Naka-maong at blusa lang ito. Besides, she pissed him off. Pero imbis na purong galit at pagkapahiya ang madama niya, mas lalo lang lumalim ang kagustuhan niyang halikan ang babae.

Walang takot siya nitong hinarap, sinagot at ayaw man niyang aminin, tinalo sa isang argumento na siya mismo ang nagsimula at alam niyang siya ang tama.

Oo, dapat nagwawala na ang pride ni Benedict. Pero hindi naman siya nagpatalo dahil tama ang babae. Nagpatalo siya dahil hindi siya maka-concentrate habang nakatingin sa mga labi nito at ang naiisip lang niya ay ang patahimikin ang nobelista sa pamamagitan g pag-angkin sa bibig nito.

Ang leche niyang katawan ang nanguna.

Falling For The WriterDove le storie prendono vita. Scoprilo ora