Chapter 35 - A KISS FROM HER

Magsimula sa umpisa
                                    

"May boyfriend ka ba talaga o wala? Pinagloloko mo ko ha."

"Kung makaarte ka dyan parang boyfriend kita ha."

"Hindi mo nga ako boyfriend."

"Hindi talaga."

"Kasi magiging asawa mo ko." sabay smirk ko

"Nababaliw ka na ba?"

"Hahaha! Hindi ko lubos maisip na maging asawa kita o kahit girlfriend man kasi naman masyadong kang inosente. Not my type."

"Tss. Cute kaya ang pagiging inosente ko. Alam ko naman ang mga type mo eh, yung tipong mga martilyo."

"Huh? Ano naman kinalaman ng martilyo?"

"Slow mo din. Edi pokpok."

"Uy! Hindi naman ganun? Medyo."

"Tignan mo. Kahit ako hindi ko lubos maisip na papatol ako sa isang player na papalit palit ng babae. Kadiri!"

"Hoy! Walang kadiri dun!"

"Anong wala?! Kadiri ka kaya! Layo nga! Baka mamaya may sakit ka dahil sa mga pinaggagawa mo sa mga babae!"

"Anong akala mo sa akin may aids?!"

"Yuck! Siguro nga meron! Sushi layo tayo sa kanya!"

"Para sabihin ko sayo, virgin pa ako!!!" teka bakit ko sinabi? Sinigaw ko pa talaga?

Siya naman nanlaki ang mga mata sa sinabi ko.

"Ano ba yang pinaguusapan niyo at sino yang kausap mo?" isang matandang babae ang nagsalita at napatayo naman bigla si Aliss

"Ah lola, pasyensya na po. Maingay lang po talaga tong lalaki na to." lola niya pala to. Nakakahiya na narinig pa ang pagsigaw ko nun. Tsss.

"Sino ba yan?"

"Ah hmmm, sino nga ba to?" bulong nitong si Aliss

"Ako po si Yvo. Kaklase niya." sabay tayo ko para magpakilala

"Kaklase?"

"Opo taga Manila ako at napadaan dito kaya naisipan ko pong bisitahin tong kaibigan ko." sabay akbay ko kay Aliss

"Uy ano ba." bulong niya sa akin

"Diba kaibigan?" sabay smile ko sa kanya

"Kaibigan at kaklase mo ba talaga yan?"

"Ah opo lola."

"Oh sige, wag nalang kayong maingay dyan."

"Sige po."

"Nakakatakot ang lola mo. Hahaha"

"Ang ingay mo naman kasi. Ipagsigawan ba naman na vir---" namula siya at hindi na natuloy ang sinabi niya

"Wag mo ng banggitin. Kainis ka kasi eh."

"Pero di nga?"

"Wag mo sabihing hindi ka naniniwala?"

"Kasi naman diba lagi kang may mga kasamang babae."

"Sabi mo nga, kasama. Pero hindi ibig sabihin nun na may ginagawa kami. Ayoko nga nun. Isa pa pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lang yung pag kasal na ako at sa babaeng mahal ko." teka, bakit ko ba sinasabi ang mga to sa kanya? E samantalang tuwing tatanungin ako ng mga babae ko kung bakit ayoko hindi ko sila sinasagot at bigla ko nalang silang iiwan. Pero bakit ngayon sinabi ko sa babaeng to?

"Ahh ganun pala yun. Akalain mo nga naman, posible pala yun. Pero baka naman jinojoke time mo ko?"

"Ayaw mo talagang maniwala noh? Gusto mo bang gawin natin ng malaman mo?" sabay lapit ko sa kanya

"Heh! Manahimik ka nga!" sabay atras niya naman

"Willing ako ibigay sayo." sabay lapit ko pa rin

"Pinagsasabi mo!" sabay atras niya at napadikit na ang likod niya sa pader

"Got you. Gusto mo umpisahan na natin dito?" sabay lapit ko ng mukha ko sa mukha niya at aktong hahalikan siya sa labi. Napapikit naman siya sa ginawa ko.

Bakit ganito ang pakiramdam ko habang tinitignan siya? Bakit parang kinakabahan ako? E hahalik lang naman ako? Lagi ko naman tong nagagawa. Pero bakit parang iba ang nararamdaman ko sa kanya ngayon dahil ba alam kong inosente siya? Pero natetempt ako na halikan siya sa labi.

Ipinikit ko ang mga mata ko at unti-unting nilalapit ang mga labi ko papunta sa mga labi niya.

Ano bang nangyayari sayo Yvo?

Basta ang alam ko ngayon, gusto kong madama ang labi niya.

*chup*

Dinilat ko ang mga mata ko nang may mapansin ako kakaiba.

"Poteeek! Pwe! Pwe!" sabay dura ko pa kasi naman pagdilat ko, hindi naman pala siya ang kahalikan ko kundi ang aso niya. Aish!

"Masarap ba Mr. Player?"

"Pwe! Pwe! Bakit mo ginawa mo yun?!"

"Anung sa tingin mo? Papayag nalang ako basta basta na mahalikan mo? Asa ka!"

"Asar ka talaga!"

"Kawawa ka naman sushi. Tara paliliguan kita nang malinis yang labi mo."

"Tssssss. Nakakainis ka talaga!"

"Bakit ba nagsisigawan nanaman kayo?" tanong ng lola niya na lumabas nanaman

"Ah lola, wala lang po, nageenjoy lang kami ni Yvo." lumapit siya sa akin at siniko ko na parang sinasabing sumang-ayon ako.

"Ah opo. Ganun lang."

"Please wag kayong maingay."

"Opo." sabay naming sinabi

Nagtinginan naman kami pagkatapos.

Parehong matalim na tinginan.

+____+ 

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon