"Ma,paano mo nagawa iyon?!"

"Leigh, I'm so sorry..." sabi niya at pilit na hinahawakan ang kamay ko

"Ma, nanloko ka nang tao! At higit sa lahat," marahas kong pinunasan ang mga luha ko " pinaniwala mo ako na siya ang Ama ako! na may kapatid ako!"

Na kapatid ko si Ross...

Tuluyan na akong napaupo sa sahig at humagulgol sa iyak

"Leigh, ginawa ko 'yon para sayo... sa a-atin.."

Inangat ko ang ulo at matalim siyang tinititigan

I scoffed " Talaga?" hilaw akong tumawa " Para guminhawa ang buhay natin? Hindi ka sanay na mahirap tayo kaya nagsinungaling ka? Nanloko ka nang tao? Ginamit mo ako para magkapera tayo, ganun ba Ma?" tumayo ako at nilapitan siya

Umiwas siya nang tingin at pinunasan ang umaagos niyang luha

"Ma, sinira mo ang pamilya nila" napailing ako at huminga nang malalim " tsaka... hindi ba ang sabi ko babawiin natin ang kompanya galing sa pera natin Ma? kaya nga ako nagtatrabaho hindi ba? Pati 'yon-"

"Hindi iyon kaya nang ipon mo, maghihintay pa tayo nang ilang taon bago natin mababawi ang kompanya kung aasa lang tayo sa sweldo mo"

"Kaya mo naisipan na humingi nang pera kay Tito Romel?" napailing ako "Hindi ba kayo makapaghintay, Ma? nangako po ako sa inyo na babawiin natin ang kompanya-"

"Kailan?" tumayo siya at dahan dahang lumapit sa akin "kailan leigh?... Ngayung nalaman na nila ang totoo, pababayaan na nila tayo at maghihirap na ulit tayo!" She ruffled her hair in frustration" Ayokong bumalik ulit sa dati,leigh. Ayaw ko nang maging mahirap ulit!"

"Kung 'yan pala ang inaalala niyo, edi magtrabaho kayo! Tulungan niyo ako Ma, hindi 'yong manloloko kayo nang ibang tao para lang magkapera tayo!"

___

"May susundo ba sayo?" tanong ni kuya Rhys nang lumabas kami nang Restaurant

He still want me to call him 'kuya' kahit na hindi na kami magkapatid at nasanay narin kasi ako.


Bumaling naman ako sa kanya kasi kausap ko pa si lucas. Papunta na kasi siya para sunduin ako.

"Ah, Oo. Susunduin ako ni lucas. Sige na, hintayin na lang kita dito, bye" wika ko at binalik ang cellphone sa bag ko

"hmm...lucas" he playfully said while smiling at me

"Bakit?" sabi ko kasi parang may kakaibang ipinapahiwatig ang tingin at ngiti niya sa akin

"So, when is the wedding?"

Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya " hindi kami ikakasal"

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya

"Pero may anak na kayo hindi ba? Wala pa kayong balak magpakasal?"

"a-anak??..."

Tumango siya "Yup, yung si... Apple? naikwento sa akin ni Ross kahapon"

"Hindi, hindi namin siya anak" sabay iling ko "Anak siya ni Lucas"

"Oh...I thought.."napailing siya at tumawa "I'm sorry. Akala ko kasi... kayo"

"Nasa ibang bansa ang Ina ni Apple. Next week siguro dating niya dito"

"Ah,okay"

Hindi pa kasi tanggap nang pamilya ni Sophia si Lucas. Aksidente lang ang nangyare sa kanila. Ang kwento sa akin ni Lucas lasing siya nun noong magpunta siya sa Bar, sa Canada pa kami noon at doon niya nakilala si Sophia at may mangyare sa kanila. Yun yung mga panahon na nag away kami ni lucas nung inakala kong may nangyare sa amin, palagi siyang nagpapakalasing. 19 palang si Sophia at nag-aaral pa, nagalit ang magulang niya sa kanya kaya naman palaging nasa amin si Apple kaya naging malapit siya sa akin. Ewan ko din ba kay Lucas, sana pumili man lang nang mga ka edad niya!

She's calling me Mama while she's calling Sophia, Mommy.

I know that Lucas still has a feelings for me pero sinabi ko na Ama na siya, na meron na siyang pamilya kaya dapat siyang mag focus kina Apple at Sophia.

"Oh, I almost forgot" sabi ni kuya Rhys at may kinuha sa bulsa niya

Iniabot niya sa akin ang kulay pink na envelope

"Ano to??.." tanong ko habang tinitingnan ang pink na envelope

"Wedding invitation"

"Ikakasal ka na?" gulat kong wika

Agad siyang umiling "That's a wedding invitation for Ross and Olivia's wedding next week" nakangiti nitong wika

Napaawang ang bibig ko at napakurap sa sinabi niya and then I remembered what Ross said yesterday

"We will getting married soon"

Mahigpit kong hinawakan ang envelope at pilit akong ngumiti

"n-next week na pala?... malapit na" sabi ko habang tintingnan ang envelope sa kamay ko

Rhys sighed "akala ko rin nga hindi magkakagusto si Ross sa kanya" sinulyapan niya ako" Seeing him crying all night and getting wasted everytime he comes home, akala ko hindi na siya makaka move on sayo"

"Olivia was always there for him, palagi niyang sinasamahan si Ross, minsan pa nga siya ang naghahatid kay Ross sa bahay kapag lasing na lasing ito. She really take good care of my brother and we knew that Olivia like him since they were kids" napangiti siya

Tumango ako habang nakikinig sa sinasabi ni kuya Rhys kahit na may parte sa puso ko na parang tinutusok sa bawat kwento na naririnig ko tungkol sa kanila ni Ross at Olivia.

"Although noong una ay pinagtatabuyan siya ni Ross but then eventually he learn to accept and love her"

He smiled at me

Napatingin ulit ako sa envelope at nakita doon ang pangalan nila. I looked up at kuya Rhys and smiled



"I'm happy for them" then I averted my gaze as my tears fell down on my cheeks







___

Happy April fools Day!

Vote na kayo^^

Sinful DesiresWhere stories live. Discover now