Tama lang na ako na ang lumayo at maling bumalik pa kami sa kung anong meron sa amin.

Para sa kanila ng nobya niya at para na rin sa kaligtasan namin ng pamilya ko.

"Wala naman kaya nga naisipan kong puntahan ka sa building niyo at para pumasyal na muna rito sa inyo" Usap niya.

"Ohh siya, akin na muna yan bag mo Sherryl, uuna na ako sa loob" Usap ni Momma kaya binigay ko na lang din sa kaniya ang bag at mga blueprint na dala dala ko.

"Pumasok ka kaagad sa loob ah" Dagdag pa ni Momma kaya napatango na lang naman ako.

"Ahh, momma para ho sa inyo"

"Favorite niyo po" Nakangiting usap pa ni Cloie kay Momma.

Kita ko naman ang pag aalangan ni Momma sa pagtanggap ng pagkain na inaabot ni Cloie kaya naman ay nginitian ko na ito at tumango, hudyat na tanggapin na lang niya ito at ayon na nga ang ginawa ni Momma.

"Salamat, Cloie anak"

"Pasok na ako sa loob" Paalam pa niya kaya tumango na lang din si Cloie.

Nauna naman na akong naupo sa upuan kung saan kami tumambay ni Mickenzie noon nakaraan, naupo na rin naman siya sa harap ko atsaka sinimulan ang paglalabas sa pagkain na binili niya.

"Sa totoo lang, ngayon na lang ulit ako kakain ng mga ito" Nakangiting usap niya.

"Bakit?" Natanong ko na lang.

"Ewan, siguro nasanay talaga ako na kasama kang kumain ng mga ito"

"Kaya nung umalis ka, hindi ko na nagawang kumain ng mga ito" Nakangiting usap pa niya kaya napaiwas na lang naman ako ng tingin.

Nandito ba siya para ipamukha sa akin na talagang iniwan ko siya?

FYI! Hindi ko rin naman ginusto yon!

"Cloie, ano ito?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Alin?" Takang tanong pa niya kaya wala naman na ako nagawa kundi ang mapahinga na lang ng napaka lalim.

"Tong mga ito, nung nakaraan lang halos umiwas ka sa akin, ni hindi mo nga ako matignan ng ayos e tas ngayon ito ka"

"Bigla bigla mo na lang akong susunduin at ngayon gusto mo pang sabay tayong kumain"

"Hindi ko alam kung anong trip o plano mo sa buhay e" Napapailing na usap ko na lang sa kaniya.

"Ito ba, alam ba ni Doktora Asuncion 'to?" Tanong ko sa kaniya ngunit umiling naman ito bilang sagot.

"Cloie, huwag kang gumawa ng bagay na ikasisira ng relasyon niyo ni Doktora kahit sabihin mong magkaibigan pa tayo noon, hindi pa rin tama ito"

"Mabait si Doktora, sa totoo lang maswerte ka na nga't ikaw ang pinili ni Doktora e dahil sigurado ako na mayroon din ibang nagmamahal diyan sa nobya mo pero ikaw talaga tong gusto" Seryosong usap ko pa sa kaniya kaya napatungo na lang naman siya kaya na lang naman ako ng tingin.

"Alam ko na ang totoo, Sherryl" Biglang usap niya kaya agad naman akong napalingon sa kaniya.

"Alam ko nang tinakot ka ni Daddy para layuan ako at alam ko na rin na pinagbantaan ni Daddy ang pamilya mo" Usap pa niya kaya napatango na lang naman ako.

Paano niya nalaman yon? Sinabi ba ni Mickenzie sa kaniya?

"Tama ka, daddy mo nga ang puno't dulo ng lahat ng nangyari sa atin noon"

"Pero matagal na iyon, Cloie"

"Okay na kami ng pamilya ko kaya wala ng kaso sa akin yon ngayon" Sagot ko na lang sa kaniya.

Hindi naman siya nakapagsalita na at nanatili na lang itong napatingin sa akin, ako naman na ang umiwas ng tingin at napaayos na lang ng upo.

"Gaya ni Mickenzie, mahalaga ka pa rin naman sa akin dahil kayong dalawa talaga ang kasa kasama ko noon pa man, lalo ka na"

"Pero iba na ang ikot ng mundo natin ngayon, Cloie, kahit sabihin pa natin na magkaibigan na lang tayo at hanggang doon na lang yon ay hindi ko pa rin ipagkakaila na masakit pa rin sa akin ang lahat ng ito"

"Mahal pa kita at alam ko rin naman na may iba ka"

"Kaya tama lang na lumayo na lang tayo sa isa't isa"

"Magkaibigan, pwede pa rin naman tayong maging magkaibigan di ba?" Tanong pa niya.

Hinawakan ko na lang naman ang kamay niya at napangiti.

Namiss kong hawakan at angkinin ang mga kamay na ito.

Pero ito na rin ang tamang oras para tuluyang pakawalan ko ang mga ito, makalipas ng mahabang panahon sa pagkaka ulila ko sa iyo.

"Kaligtasan ng pamilya ko na ang nakasalalay dito, Cloie"

"Nawala ka na sa akin at ayoko na pati ang pamilya ko ay mawala rin sa akin" Nasabi ko na lang at mabilis na pinunasan ang luha kong bigla bigla na lang bumubuhos.

"Huwag kang mag alala, tutuparin ko pa rin naman ang pangako ko sayo, makakasama mo pa rin ako sa kasal mo pag nagkataon"

"Hindi na nga lang bilang bride mo" Nakangiting usap ko na lang sa kaniya at tuluyan ko na nga siyang iniwan doon.


Mahirap maging bulag at manhid sa mundong ginagalawan namin ni Cloie ngayon dahil hanggat hindi mo nakikita't nararamdaman ang nangyayari, unting-unti mauubos ang mga nakapaligid sa amin.

Ang mundo namin ngayon ay ibang-iba sa mundong ginagalawan namin noon dahil kung noon sa isa't isa lang umiikot ang mundo namin, ngayon ay sa iba na, kung sa akin ay sa kaniya pa rin, siya naman ngayon ay sa iba na.

Masakit man pero kailangan ko pa rin tanggapin, para sa akin at para na rin sa pamilya ko.

AMARI (MIKHAIAH)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें