"Gising ka na pala, Bunso. Kumain ka na?"

Umiling lang ang binigay kong sagot. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako nagsalita pero tila bang may bumara sa aking lalamunan. Pinahila niya pa akong upuan, pinahain pa niya pa akong kanin, ulam at tubig. Sinigang na bangus ang alam namin ngayon.

This is my favorite!

Susubo na sana ulit ako nang mahagip ko siyang nakatingin sa akin habang nakaupo at nakangiti pa ito malapad. Hindi ko maintindihan kung ano nangyayari ngayon basta ang alam ko lang ay umiyak ako dahil sa away nina papa at mama.

Ten years old pa lang ako ngayon, pero samu't sari akong may naririnig na away, iyak, may mababasag na gamit, sakitan at marami pang iba. Bata pa lang ako pero bakit ganoon? Dapat ine-enjoy ko ang aking kabataan pero bakit ganito ang nararanasan ko? Bakit hindi ko ma-enjoy ang pagkabata ko.

Binalingan ko siya tingin bago sumubo ulit ng kanin. "Tita, where's my Mama and Papa?"

Napaiwas ng tingin ni Tita Jiselle. "Bunso, ano kasi. . . may binili lang siya d'yan sa tabi."

Tumango ako at sumubo nalang ako ng kanin. "Tita Jiselle, can I ask something about it po?"

Tumayo ito sa pagkakaupo niya dahil kukuhanin niya akong panibagong baso para paglagayanan ng juice.

"Sure, bunso! Ano naman iyon." sagot nito habang nagsasaling ng juice.
"Tita, I don't understand lang po. Bakit po nagaaway sila
Papa at Mama?"

"Bunso, sa ngayon hindi mo pa naiintindihan dahil bata ka pa and one thing 'di mo kailangan problemahin ang problema ng mga matatanda." Tita Jiselle said.

Tumango na lang ako dahil ayaw ko siyang pilitin sagutin ang tanong ko.
A few moments ago, Mama and Kuya Miguel came in. They were both casually dressed. Mama had on a simple t-shirt, pants, and carried a large bag that seemed heavy. My brother was in black pants and a plain white t-shirt. I noticed Kuya Miguel still had on his uniform, though it looked like he had just taken off his polo shirt. They were carrying a brown envelope and looked tired. When Mama saw me, she walked over, kissed me on the cheek, and pinched my nose.

"Ang bunso ko gising na pala!" masiglang bati niya.

"Mama, where have you been? I thought sa paggising ko katabi na kita but no. . . You left me." pagtatampo ko.

"Bunso, may sasabihin si Mama sayo." Kinuha niya ang upuan malapit sa akin at hinila niya ito sa harapan ko.

"Ma, this is not the right time!" sigaw ni kuya Miguel. "Wala pa rin si Carlos, Ma! Hindi maiintindihan ni Shainny 'yan!"

"Miguel, Mama mo pa rin ako! Kaya h'wag mo akong sig—" I cut them immediately.

"Ano magaaway na naman kayo sa harapan ko?!" nanghihina kong sambit.

Hindi makatingin sa mata ko si Mama.

"A-Anak, hindi kami nag-aaway. . . bunso kasi ano. . ." Hindi niya mai-diretso ang kaniyang sasabihin. "Aalis na si Mama sa makalawa.

Aalis na si Mama sa Makalawa.

Aalis? Bakit? Iiwan niya na ba kami? Dahil sa away? Dahil kanino? Kay Papa?

Ilang minuto ako nakatutulala kay Mama. Nagbabakasali ako na bawiin niya ang sinabi nito o kaya sabihin niyang biro lang. . . pero bakit wala? Bakit wala akong marinig sa mga gusto kong marinig mula sa kanya. Bigla nagsitulo ang aking mga luha. Si mama, siya nagdala sa akin siyam na buwan sa tiyan. Si mama, siya ang nagsilang, s'ya ang nag alaga sa kin. Ten years kasama ko siya, lagi ko siyang nasa likod kapag kailangan ko siya.

Pa'no na ako? Paano na ako magiging masaya kung ang Mama ko unti-unti siyang nawawala sa tabi ko.

"'Yan ang sinasabi ko, Mama! Bahala na nga kayo!" Nagdabog si kuya habang paalis.

"S-Saan kayo pupunta, Mama?" I asked.

"D'yan lang malapit, a-anak. . ." hindi makatingin sa mata ko.

Samantalang si Tita Jiselle sinundan niya si kuya Miguel para kausapin. Bali kaming dalawa lang ang naiwan ni Mama sa kusina.

"S-Saan po kayo pupunta?" I repeat, biting my lower lip to stop my tear from falling. "San banda ang malapit?"

"B-Bunso, a-ano k-kasi. . ."

"Mama! Please, don't lie to me! I hate liars." I sighed. "M-mama tell me the truth. .  "

Dumaan ang matinding sakit sa maamo niyang mga mata. "Kasi  ganito 'yan. . ."

"M-Mama, don't sugarcoat me! Kaya please, sabihin mo na para. . ." I scoffed "Para isang bagsakan na lang ang sakit, Mama!"

She was panicking,  closing her eyes. "Sa Manila, a-anak. . ."

"Manila?" Napatawa akong pagak. "Malapit? Saan ang malapit doon?"
She is trying to calm but I can't. "Sorry, anak. . ."

"Aalis ka po ba dahil sa away niyo ni Papa?" Nanghihina kong tanong. "Kung dahil kay Papa, kakausapin ko si Papa na mag-sorry na lang sa inyo para hindi ka na po umalis dito. Para hindi niyo na kaming iwan."

"Gagawin ko po iyan, Mama. . . Ayaw ko po umalis kayo sa tabi ko. . . Paano na ako? Paano na si Papa? Sina Kuya, paano? Paano kami kapag umalis ka na?"

"Makakaya niyo rin na wala ako, Anak. Kaya niyo iyon. Matapang at malakas ang mga anak ko lalo na ikaw, bunso. "

N A M E L E S S G U Y 2 5

Cupid Stupidity (Love Material Series #1)Where stories live. Discover now