𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐𝘝

6.8K 259 7
                                    

Matapos ang asaran, kulitan, sigawan, at kung ano ano pang ginawa nila Calix at Blaine sa nakaraang kabanata, nabalot sila ng katahimikan at halatang hindi nila alam kung sino ang unang magsasalita.

Pinoproblema pa rin ni Blaine kung saan siya hahanap ng nobya habang si Calix na ang umuubos sa dinala kanina ng dalaga na pagkain. Habang kumakain ito, napalingon siya sa dalaga pero halatang abala ito sa pagiisip kaya napasinghal nalang siya at kinuha ang bote ng alak sa tabi nito. Uminon siya roon saka nakitang nasa kalahati na siya kaya siya napasimangot.

"Bakit hindi pa ako inaantok?" Tanong nito sa kaniyang sarili habang nakatingin sa bote at napalingon naman sa kaniya si Blaine.

"Anong sabi mo?" Tanong ng dalaga kaya napalingon sa kaniya si Calix at nagiwas din ng tingin.

"Wala" Saad nito saka kumuha ng turon at kinain iyon.

"Nako, hindi na siya masarap... Kumain ka na Leng oh, hindi ko'to muuubos kasi ang pangit na ng balat niya" pagiiba ni Calix ng usapan saka kunuha ang plato sa tabi nito at iniabot iyon kay Blaine.

"Hindi mauubos pero halos lima nalang ang natira... Inubos mo na nga e, tapos kanina may pa gahaman gahaman ka pang nalalaman ha?" Ani ng dalaga at kumuha ng turon saka iyon kinain. Nginitian lang siya ni Calix saka uminom ng alak. Pagkatapos, Lumapit ulit ito kay Blaine kaya nagulat na naman ang dalaga.

"Oh, ano na namang ginagawa mo!?" Alerto nitong tanong kaya siya siningahalan ni Calix bago umupo sa tabi nito.

"Nakainom ako ng isang bote ng alak, tapos ngayon malapit kona namang maubos ito... Ano sa tingin mo mangyayari? Syempre makakatulog ako–––"

"Oh, eh tapos? Bakit ka lumalapit?"

"Ang tanga mo ha? Syempre ayaw kong matulog sa damuhan. Kaya ka nga nandito para may sasandalan ako kapag nakatulog ako. Magisip ka nga" Sagutan nila saka mas lumapit si Calix at uminom mula sa bote ng alak.

"Ano ako? Kama? Upuan? Tao ako Calix–––"

"Shhhhh" putol sa kaniya ni Calix at idinampi nito ang daliri niya sa labi ng dalaga. "Kung sasabihin ko sa'yo bakit ako naglalasing, hahayaan mo ba akong matulog sa mga bisig mo at iuuwi mo ba ako sa bahay?" Tanong nito at nagtaka naman ang dalaga.

"Ha? Iuuwi kita? Sa tingin mo ba mabubuhat kita–––"

"Akala koba hindi ka na bata? Bakit? Ganoon na ba ako kataba para mahirap buhatin? Sexy naman ako sa pagkakaalam ko ah" Napakagat si Blaine dahil sa huling sinabi ni Calix. Alam nitong lasing lang ang kaniyang ninang pero hindi niya mapigilan hilingin na ganito parati magsalita at umakto si Calix. "Hindi ba ako sexy? Tignan mo nga" nagulat si Blaine nang biglaang hinila ni Calix ang mga kamay nito at inalalayan iyon papuntang bewang ni Calix. "Oh diba? Hindi ako mataba? Sabihin mo ng–––"

"Ahhh!! Shit! Wait! Teka lang! Maghunos dili ka! Anong ginagaw mo!? Hindi pa ako handa para sa mga ganitong bagay!!" Agad na sigaw ng dalaga at hinila ang kamay nito. Nagulat naman si Calix dahil sa inakto ng dalaga

"Bakit–––"

"Alam kong lasing kalang pero huwag mo namang ipahawak ang katawan mo sa kung sino sino–––I mean, ayos lang naman kung sa akin lang pero hindi e... Hindi ganito umakto si ninang..." Saad nito kaya napasimangot si Calix.

"Lasing ako e, ano magagawa ko?" Saad nito saka tinignan ang dalaga sa mga mata.

"Bakit ka ba naglalasing?" Tanong ni Blaine at nawala naman ang pagsimangot ni Calix saka ito nagayos ng upo sa tabi ng dalaga

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Where stories live. Discover now