"I was with my friends. Ikaw, sinong naghatid sa'yo pauwi?"

"Oh, nag commute lang ako." Napakunot ang noo niya pero umiwas lang din ng tingin.

"Okay." Malamig niyang tugon. Lumakas ang tibok ng puso ko. Sinubukan kong hulihin ang tingin niya.

"Are you mad at me?" Mahinang kong tanong. Tiim bagang lang na bumagsak ang tingin niya sa mesa.

"Why would I?" His jaw is clenching and I couldn't afford to see him trying to avoid my eyes.

"Hindi ka sumasagot sa mga texts ko... kaya baka kako galit ka?" Sa mas mahinang boses. His eyes were looking at me. Dark and emotionless.

"You told me something came up. So I thought you're busy." Umiling ako.

"It's just my friend and..."

"Is he courting you?" Sa mas malamlam na boses. Umiling ako. He nodded. "I'm sorry for acting this way. I'll reply to your texts. Kumain kana ba?" Pagbabago niya ng usapin.

Umiling pa ako at doon ko lang naalala si Trevor. Kaya napating ako roon. Tevor smiled at me and pointed our food. Tumango ako at bumaling kay Kai na nakatingin din doon.

"That's my friend whom I'm talking about. He had a fight with his girlfriend. Her girlfriend tried to-- I mean already hurt me and he used his body to shield me from his girlfriend's anger."

"What?" Agad na bumakas ang pag-aalala sa mga mata niya. Maliit akong ngumiti.

"Uhm, yeah. Sinalo niya ang mga dapat na kalmot ko kaya I had to aid him and wait for his friends to come and pick him. That's why I wasn't able to make it on our date. I'm sorry, Kai. Can we do it the other day? I promise I'll be there."

"Are you hurt? May kalmot ka rin ba?" Imbes ay iyon ang tinanong niya.

"Uh, nasabunutan but I'm fine." Dumaan ang pagkairita niya.

"It's just that Trevor is my friend.  Mabait siya saakin kaya..." Naiintindihan niya akong tumango. Madilim pa rin ang tingin pero sa ibang bagay na.

"Pick me up on Sunday, let's have a date on that day. Are you free?"

"Who am I to say no? Ako ang nanliligaw pero ikaw itong nag-aaya." Mataman niyang ani. I shook my head and tapped his hand on the table before I stood up.

"Kumain ka muna. You haven't eaten anything." Habol niya. I smiled and nodded my head. Nasa mesa na ako nang maglapag ng pagkain ang waiter. Itinuro lang si Kai na seryoso ang tingin saamin.

From: Kai

Eat more, love.

To: Kai

Okay. Ikaw din.

Sumabay na ako kina Lyle sa pag-uwi at nasa bungad palang malapit sa pinto ng apartment ay saktong bumukas naman ang sa kabila. Umiwas ako ng tingin pero narinig ko ang tawag niya saakin.

"Ikaw si Jude diba?" Mahina niyang tanong. Malamig akong tumango. Hindi pala siya napaalis.

"Ah, I've been meaning to see you, pero... wala ka yata."

"Bakit mo ako gustong makita?"

"Manghihingi sana ako ng sorry. Tungkol sa ingay."

"Ah, okay." Pinihit ko pabukas ang pinto pero muli siyang nagsalita.

"Salamat. Uhm, naayos ko naman na ang gulo namin ng dati kong nobya. Hindi na siya pupunta rito para mang-gulo o gumawa ng ingay. Hindi na makakaabala sa pagpapahinga mo." Tumango ako.

"Nurse ka pala." Napabaling ako nang sabihin niya 'yon.

"Paniguradong palagi kang pagod kaya nakakahiya talaga na naabala kayo."

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon