𝘊𝘩𝘢𝘱𝘵𝘦𝘳 𝘐𝘐𝘐

Start from the beginning
                                    

"e ano?"

"Baka mas malasing ka"

" 'yun lang?Ayos lang yun"

"Ha? Anong ayos lan---"

"Leng, please! Bilhan mo na lang ako, pinapahaba mo usapan." sagutan nila kaya nagiwas ng tingin si Calix para kunin ang pera nito sa kaniyang bulsa. Nang nakuha na niya iyon, binilang niya ang pera saka inabot sa dalaga."ito, bumili ka na" utos niya habang inaabot parin kay Blaine.

".....sabihin mo muna bakit gusto mong uminom" saad ng dalaga.

Dahil dito, natigilan si Calix at naibaba nito ang kaniyang kamay sa damuhan.

"...Ayaw ko"

"'di ayaw din kitang bilhan"

"Anak ng palaka naman---" Kusang natigilan si Calix saka siya pumikit at suminghal. Nang dumilat ito ngumiti siya saka iniangat ang kamay niyang may pera. "Bilhan mo ako, Tapos sasabihin ko sa'yo" Nakangiti nitong pakikipagnegosyo. Tinignan lang siya ng dalaga saka hindi nagtagal ay kinuha ang pera kay Calix.

"Sige, pero siguraduhin mo ha? Sasabihin mo ha? Kapag hindi, itatapon ko talaga ang bibilhin kong alak" pagbabanta nito saka tumayo. tumango naman si Calix. "Huwag mong ubusin 'yang turon ha? Nakakadalawa pa lang ako" Paalala pa nito kaya siya sininghalan ng kaniyang ninang.

"Hindi ako gahamang tulad mo, anak" agad na tinignan ni Blaine si Calix nang masama dahil sa 'anak' nitong sabi.

"Huwag mo ako tawaging Anak!" Pagsigaw ng dalaga. Naiukit naman ang ngiti sa labi ng kaniyang ninang kaya siya nagpatuloy sa paglalakad.

Bumili ito ng isang bote saka bumalik kung saan si Calix. Nadatnan niyang nakatingin ang ninang nito sa kalangitan habang nginunguya ang hotdog. Lumapit siya saka tinanggal ang takip ng bote at ibinigay iyon kay Calix.

"Sabihin mo na----uy teka, anong ginagawa mo?!"  Nagulat ang dalaga nang lumapit si Calix kesa kunin ang boteng inaabot nito.

"Tatabi sa'yo, ano pa ba?" Sagot naman ni Calix saka tumabi sa dalaga at kinuha ang bote ng gin sa kamay ni Blaine. "Para kang tanga, umayos ka nga" dagdag pa nito saka uminom mula sa bote at kumuha ng turon sa plato malapit sa kaniya. Isinubo niya iyon sa bibig ng dalaga saka ulit siya kumuha ng isa kinagatan.

Hindi napansin ni Calix ang pamumula ng pisngi ni Blaine.

"H-huwag mo ngang isubo 'yung buong turon sa bibig ko. Ano ako, buwaya?" Reklamo ng dalaga saka hinawakan ang isinubo ni Calix sa kaniya.

"Bakit, hindi ba? " Pambabara naman sa kaniya ni Calix.

"Ha? At paano ako naging buwaya? Sabihin mo nga!"

"Ano pa? Dahil gahaman ka---"

"Aba!? Ako gahaman? Pesteng yawa " Agad pinisil ni blaine ang pisngi ni Calix kaya napatingin sa kaniya ang kaniyang ninang na akmang iinom kanina ng alak

"Hindi ako makainom ng alak, Leng---"

"Bawiin mo 'yung sinabi mo"

"Ayaw ko nga. Bitiwan mo nga 'tong pisngi ko---"

"Bawiin mo muna sinabi mo"

"Ayaw ko"

"Bawiin mo na, dadalawahin ko 'to"

The Jealousy of A Godmother [SLOW EDITING]Where stories live. Discover now