"Yung lalaki po ba?" She nodded. "Ah, noong nakaraan gabi po. Mga alas kwatro, I heard a girl crying. May ilang gamit din na parang nabasag. At kanina, I was eating at two am, and I saw a girl coming out crying, too." Napatango tango siya.

"Parehong babae?"

"I'm not sure. Pero, siya lang po ba ang nakatira diyan? Mag-isa?"

"Ah, oo. Mag-isa lang siya. Hindi naman mukhang masamang tao dahil maganda at maayos ang trabaho. At isa pa, malinis din sa bahay at maayos naman. Bago lang at may nagrereklamo. Pero siguro ay nobya niya 'yung babae? Sabi niya kasi saakin ay hindi sila nagkakasundo ng kinakasama niya kaya bumukod siya." I nodded.

"Willing ka naman ba na paalisin siya? Tatanungin ko pa rin ang iba, pero dalawang gabi palang naman siya dito, kaya... kawawa rin kasi." Tumango ako.

"Mukha kasing galing sa abusive relationship. Kaya tignan mo, panay ang punta rito ng girlfriend at nagwawala pa." Napakunot ang noo ko at malalim na nag-isip.

"Maalis po ba siya agad kung sakali?" I asked.

"Titignan ko pa kung anong mapagkakasunduan mamaya." I nodded. So for now, hindi pa sigurado. Kung hindi pa ay baka kay Leroy muna ako matutulog. I just don't like what's happening with that girl and boy.

Hinatid ko siya sa labas at napatingin sa katabing apartment. Nakatayo sa labas ng pinto ang lalaki animo'y nag-hahantay. Nakayuko at nakapamulsa.

The lady approached him kaya napaayos siya ng tayo. She talked to him at napatingin saakin. I just nodded when I saw his eyes feeling sorry. I didn't feel anything, though. I don't really care to people I don't know much, or let's say, sa mga taong hindi ako kumportable. Isang tingin palang kasi, kahit gaano kakawawa tignan, may pakiramdam na agad ako. My impression lasts for a long time for someone like him.

I just feel something if like the person is good or what. Iba talaga ang pakiramdam. Siguro ay hindi ko rin nagustuhan ang isipin nang marinig ang iyak nung babae, o nang makita ko ito sa labas. It's just unusual and dangerous to see a girl going there at that time. Samantalang kapag maliwanag ay lapat na lapat ang pinto.

What makes it different to see her during daylight or kapag gabi na?

"Jude," Napaangat ako ng tingin nang tawagin ni Trevor ang pangalan ko. Kauupo niya lang at dala ang tray na may pagkain niya.

"Your friends?" He pointed out his friends from afar.

"Pinuntahan kita dahil mag-isa ka ulit? Saan sina Kaye?"

"Busy pa, eh." He nodded.

Trevor is pretty good, too. Hindi gaanong malaki ang katawan hindi tulad ni Kai na well-ripped. Sakto lang pero may itsura rin naman. Mabait saakin at kahit kanino naman ata. We became friends since we are partnered most of the times.

"Ayos lang naman na mag-isa ako. Saglit lang din naman kumain." He smiled.

"Ayos lang. Umiiwas din ako sa pangungulit nila, eh." Natawa siya.

"Bakit?" I asked with curiosity. "Oh, I'm sorry. You don't have to answer that." Agap ko.

"Uy, hindi. Ayos lang naman. Nakipag-break kasi ako sa girlfriend ko. Eh, kaibigan din nila 'yon, kaya kinukulit akong makipagbalikan." Natatawa niyang ani. Oh, hindi ko inaasahan na marinig iyon o ang kahit ma-imagine na mapag-uusapan namin ang tungkol dito.

"I don't know what to say." I honestly said.

"Ayos lang. Pwedeng makinig lang, hindi ko rin kasi masasabi sa mga kaibigan ko dahil 'yung ex ko ang kakampihan nila." Tumango siya.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon