Prologue

93 5 8
                                    

Prologue

Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ay ang unti-unting pagmulat ng aking mga mata. Agad na sumalubong sa akin ang puting kisame at ang ilaw na siyang dahilan kung bakit agaran ko ring ipinikit ang aking mga mata.

Marahan kong iniangat ang aking kanang kamay upang takpan ang ilaw na diretsong tumatama sa aking mukha, ngunit agad ko rin iyong ibinaba nang maramdaman kong masakit iyon at tila ba may kung anong matulis na bagay ang nakatusok roon. I slowly took a deep breathe. Then, when I noticed that something was covering my nose and mouth, I slowly removed that thing so I could properly breath some air.

Kumunot ang aking noo, pakiramdam ko'y matagal na iyong nakakabit sa akin at para bang iyon rin ang tumutulong sa akin upang patuloy na makahinga, mabuhay.

Ramdam ko rin na parang may nakabalot na kung ano sa aking ulo. Kung paano nagkaroon ng ganoon ay wala akong ideya.

Bumuntong hininga muli ako bago dumilat. Agad kong inilibot ang aking paningin sa kabuuan ng silid na siyang kinaruruonan ko. Muling kumunot ang noo ko, walang tao sa silid na ito bukod sa akin. Nang nilingon ko naman ang side table, nakita kong may mga prutas, at mga inumin sa ibabaw niyon. May telepono rin at red button doon na hindi ko alam kung para saan.

Agad akong sumulyap sa aking kabilang gilid nang makarinig ng kakaibang tunog. Umawang ang labi ko nang makitang iba't ibang klase ng aparatos iyon. Hindi na naalis roon ang paningin ko at mas lalong nangunot ang aking noo nang mapagtantong karamihan no'n ay nakakabit sa aking katawan.

What the? Bakit ako nandito? Anong nangyari sa'kin?

“Oh my god!”

Noon pa lang tuluyang naalis ang aking paningin sa mga aparatos nang biglang pabalyang nabuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang nanlalaki, nagugulat at naluluhang mga mata ng isang ginang na nasisiguro kong nasa 40's na ang edad. Ngunit sa kabila no'n ay hindi ko maipagkakailang sobrang ganda niya pa rin at tila ba'y sa tanang buhay niya ay hindi man lang siya nakaranas maging pangit.

Nang makabawi ay dali-dali siyang lumapit sa side table at kinuha doon ang telepono at pinindot ang red button nang paulit-ulit. Nanginginig pa ang kaniyang mga labi at kamay habang ginagawa iyon. Ang mga luha niya'y tuluyan nang umagos sakaniyang pisngi. Nag iwas ako ng tingin, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang tinutusok ang aking dibdib sa tanawing iyon.

“N-Nurse! Please call the doctor! Gising na ang anak ko!”

Aligaga niyang sinabi sa kausap bago ibinaba ang telepono at agad na lumapit sa akin. Hindi niya pa malaman kung saan ako hahawakan.

Napasinghap ako. Kung ganoon ay nasa hospital nga ako..

"S-Syd anak.. Oh god.. Thank you so much!" Nangunot ang aking noo.

Is she my mother? Ngunit hindi ko siya kilala...

"Anong ginagawa ko rito? Ano pong nangyari sa'kin? Sino po kayo?"

Sunod-sunod na tanong ko sa ginang at agad kong nakita ang takot, panlulumo, sakit at gulat na rumehistro sa kaniyang buong mukha.

She reached for my hand ngunit agad ko iyong iniiwas upang hindi niya mahawakan. Mas lalo siyang nanlumo dahil sa ginawa ko habang ako naman ay mas lalo lamang nagtaka. I knew that something isn't right.

"Anong ginagawa ko rito? Anong nangyari sa akin? Who are you?" Garalgal ang boses na tanong ko.

"S-Syd..." Nanginginig ang kaniyang boses, hindi malaman kung ano ang isasagot sa mga tanong ko.

Remembering Her Memories (Soriano Series 1)Where stories live. Discover now