"Gaya ng dati, hingang malalim ah tas dahan dahan na buga, okay?" Nakangiting usap pa ni Amari sa bata at nakangiti rin naman itong tumango.

Napapatitig na lang naman ang tenyente sa doktora habang hindi na niya maiwasan na bumilib pa lalo rito dahil sa kabutihan pinapakita nito at sa kung paano nito tratuhin ang bata at ang matanda na kasama nila ngayon.

"Malapit talaga yang si Amari sa apo ko, lagi rin siya pumupunta rito sa bahay sa tuwing nauuwi siya rito sa isla" Kwento na ng matanda sa tenyente.

"Nasan po pala yung mga magulang Sixto?" Natanong na lang ni Mickenzie.

"Anak ko ang ina ni Sixto, namatay siya dahil sa leukemia na siyang namana ng apo ko" Sagot ni Aling Kosing na kinagulat talaga ni Mickenzie.

"May Leukemia po si Sixto?" Gulat ngunit pabulong pa na tanong ni Mickenzie sa matanda

"Oo, apo, mabuti na lamang at tinutulungan kami ng daddy mo at ni doktora" Nakangiting sagot ng matanda

"Si Daddy?" Tumango naman ang matanda

"Linggo linggo niya kami pinapadalhan ng grocery at mga gamot dito sa bahay at kung minsan pa nga ay siya rin mismo ang nagdadala ng mga yon para bisitahin din kami ni Sixto" Nakangiti pang aniya ng matanda.

"Siya rin nagpagawa at nagpaganda nitong bahay namin"

Marami pa palang hindi nakwekwento sa akin si Daddy.

"Pulis po kayo?" Biglang tanong ni Sixto kaya nakangiti naman tumango sa kaniya si Mickenzie bago tumabi rin sa kaniya sa sofa.

"Opo parehas kami ng sir dad ko" Nakangiting aniya ng tenyente

"Sir dad mo po?" Takang tanong pa ni Sixto

"Daddy niya si General Santiago, Sixto" Biglang usap ni Amari kaya napatango na lang naman si Mickenzie bilang pang sang ayon.

"Ikaw po pala si Tenyente Gab-Gab" Todo ngiti pang usap ng bata kaya natatawa naman tumango ang tenyente

"Sir Gab-Gab!" Masiglang aniya pa ng bata ng tumayo ito at sumaludo pa sa tenyente

"Ako nga si Gab-Gab" Natatawang sagot pa nito at sumaludo na rin sa bata.

"Ako po si Sixto, gusto ko rin po maging pulis kagaya niyo"

"Ganyan po ba yung motor na binigay sa inyo ni General?" Tanong pa ni Sixto ng makita na niya ang motor na nasa susian ni Mickenzie.

"Ah ito? opo, gantong motor nga binigay sa akin ng sir dad ko" Nakangiting sagot ni Mickenzie

"Gusto mo sayo na lang?" Nakangiting tanong pa ni Mickenzie kaya agad naman tumango ang bata.

"Sana po makasakay din po ako sa motor niyo po" Usap pa ng bata ng makuha na niya ang motor na laruan ni Mickenzie.

Nagkatinginan naman na ang doktora at tenyente ng hindi nila malaman ang sasabihin.

"Sixto, alam mo naman na bawal kang mapagod diba? Tsaka nasa kabilang pampang pa ang motor ni Sir Gab-Gab mo, busy rin siya kaya baka hindi ka makasakay sa motor niya" Pagpapaliwanag ni Doktora Amari sa bata.

Halata naman nalungkot ang bata kaya agad din naman inayos ni Mickenzie ang buhok ng bata.

"Isasakay kita sa motor ko" Aniya pa ni Mickenzie kaya sabay naman napalingon sa kaniya ang dalawa.

"Basta ipapangako mo sa amin ni Doktora Ganda na iinumin mo ang mga gamot mo at susunod ka lagi kay Lola Kosing" Nakangiting usap pa ng tenyente kaya agad naman napatango ang bata at napayakap pa sa tenyente.

"Promise po, sir Gab-Gab" Tuwang-tuwang usap pa ni Sixto.

"Promise yan ah, pag sinabi sa akin ni Aling Kosing na hindi ka umiinom ng gamot at hindi ka sumusunod sa kaniya, hindi kita susunduin dito" Pananakot pa ng tenyente kaya umiling naman ang bata.

Ilang saglit pa ay ng matapos na ng Doktora icheck ang kalagayan ng kalusugan ng matanda at ng bata ay agad na rin sila nagpaalam sa mga ito para umuwi na sa bahay ng mga Asuncion. Sumaludo pa naman na muna ang bata sa tenyente at ganon din naman ang tenyente.

"Salamat" Biglang usap ng doktora ng makalabas na sila sa bahay nila Aling Kosing at Sixto

Taka naman napatingin ang tenyente sa doktora.

"Para saan?" Takang tanong pa ni Mickenzie

"Sa pagpapasaya kay Sixto" Sagot nito kaya napatango na lang naman ang tenyente.



















"Sa pagpapasaya sa akin"

AMARI (MIKHAIAH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon