"Uy, big boy na si Leroy!" Sinundot niya ang baywang nito kaya napasimangot ang kapatid ko. Napahagikgik si Anne at Peanut nang umalis ito dahil hindi na nakayanan ang ingay ng huli.

"Text me if you want something to eat. Not that junk foods, Anne and Jude." Napasimangot si Peanut at pagkaalis na pagkaalis ni Leroy ay bumulong siya.

"Huwag kayong makinig diyan, nagbibinata na kasi." Hinayaan ko silang mag-usap at nilabas ang phone nang maramdaman ang vibration nito.

From: Kaye

Kumusta si Anne?

I typed in my reply immediately.

To: Kaye

She's already fine. Nagising na at maingay na ulit.

From: Kaye

Thanks god. Sa susunod kapa uuwi diba?

To: Kaye

Yup, why?

From: Kaye

Wala naman. Hinahanap ka kasi saakin ni Kai. Hindi ko naman sinabi kung nasaan ka sabi ko lang may emergency. Tinanong kung sino ang kasama ko sabi ko naman ay kasama mo si Leroy.

Napakunot ang noo ko. Why would he looked for me?

Sa huling araw namin dito para kay Anne, I've decided to talk to Auntie Lucy.

Napaiwas siya ng tingin at guilty pa rin sa pangyayari.

"Pasensya na taga, Jude, at hindi kami nagkaintindihan ni Anne. Nagkasagutan kaya umalis siya. Ganoon talaga ang mga batang nasa ganoong edad, nagrerebelde--"

"Hindi nagrerebelde si Anne. Nagpapaalam daw siya na gustong pumunta saamin sa bakasyon pero ayaw mo po dahil baka magustuhan doon? Ano pong punto niyo rito? Minsan nalang namin siya makita, at pinagbabawalan niyo po siya?"

"Naku! Hindi mo kasi maiintindiahn ito, Jude. Hindi ka pa kasi nanay at nag-aalala lang ako."

"Hindi ho ito alam ni Leroy." I pointed out. Nagulat siya.

"Natatakot po ba kayong kapag nagustuhan nga ni Anne na tumira roon at hinayaan siya ng kaniyang Kuya ay iniisip niyong hindi na kayo masusustentuhan? That you have to work on your own?" Napalunok siya. So, that's her point? Hindi ko nga naman talaga 'yan maiintindihan. Kahit nga siguro ang ibang matinong Nanay ay hindi 'yan maiintindihan.

Hindi siya nakapagsalita. "You're doing it again. You're using Anne again, but the difference is that, kaya na ni Anne na mag-decide on her own. She won't get afraid of you for not doing whatever you want." Sumama ang timpla niya. Tumagos ang tingin ko ng makita si Leroy sa likuran niya. Nakakunot at mukhang may narinig sa usapan namin. Ah, he bought her excuses? Na nag-rebelde nga. I know Anne for sure, she won't do that. And I know Auntie, too. She would do that.

"Ang yabang mo na rin, ah? Porket may kaonting pera ka ng naaambag ay ganiyan mo na ako pagsalitaan! Wala kang utang na loob!"

"Wala siyang utang na loob sa'yo." Si Leroy. Right. Auntie Lucy startled and looked at Leroy with wide eyes.

"Halika na. Anne's looking for you." Tawag niya saakin. Malamig akong tumango.

"Anne wants to be with us this coming summer." Iyon lang ang sinabi ko kay Leroy. Auntie panicked pero I still respect her. Bata pa si Anne at wala pang legal age kaya dapat lang din na siya ang kasa-kasama. Mamimiss niya ang Mama niya at doon, we will just be so busy and won't give her much time. Pero sana lang, kung gusto ni Anne na magbakasyon ay hayaan nila. Kung ayaw nilang baka magustuhan ni Anne doon, then, kausapin nila kami and we'll convince her that she can't stay with us. That's it.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon