"Ano, the usual? Or may iba?"

"Hmm, parang gusto kong tumikim ng ibang pastry." I nodded and waited for him. Nagtagal kami sa counter at namimili pa siya.

"Can I order first?" Masungit na wika ng lalaki sa likod.

"Oh, sorry." Napagilid si Trevor at nahihiyang tumango. Napakunot ang noo ko nang makilala si Kai.

"I'll order the usual coffee, and--" Bumaling siya saakin. "Anong pastry ang in-order mo?" He asked. Nalilitong napatingin si Trevor sakaniya.

"Uhm, she ordered croissants, sir." Ang babae sa counter nang hindi ako nakapagsalita.

"Okay, I'll get that, too." Bago ay tumabi at nag-antay din sa gilid ko. May nauna pa ulit kay Trevor kaya napalabi siyang tumingin saakin.

"Una kana." I shook my head.

"I'll wait for you. Ako ang magbabayad diba?" Muli siyang nahihiyang napahawak sa noo bago tumango.

"Tss..." Napalingon ako sa katabi kong nakahilig sa counter.

I rolled my eyes on him. Papansin.

"Are you dating that guy? Tss, malabo. Hindi kayo bagay." Hindi ko na kinaya ang attitude niya. Humarap ako at irita siyang tinignan.

"Ako ba ang kausap mo?" I asked.

"Yup." He said with confidence.

"May problema kaba saakin? Napapansin kong palagi kang irita at hindi ko na gusto ang attitude mo saakin." Bulong ko. Siniguradong hindi maririnig ng kung sino.

"Tss..." Mariin akong napapikit.

"Wala akong ginagawang masama sa'yo. Meron ba?" I asked.

"Jude?" Si Trevor. Napasinghap ako nang tapos na agad siya.

"I'll talk to you later." Mariin kong ani. Ngumisi siya at mayabang na tumango. "Sure." I shook my head in disappointment. Hindi siya nagpatalo at nagkibit balikat lang. May ngisi at animo'y nag-eenjoy.

"Emergency." Si Trevor. I nodded. Hindi na namin nayari ang kinakain at agad na tumayo. Mabilis kong nahagip ng tingin ang pag sunod ng tingin ni Kai pero hindi ko na ito pinansin.

Trevor opened the door for me at nauna na ako sa paglabas. Buong hapon hanggang gabi ay nag-aid kami ng magkakaibigan na na-aksidente. May mga na-confine at dumagsa ang tao at pasyente hanggang alas otso. Tuloy ay hindi na ako makakauwi kahit na off ko na ng ten pm.

I just change my clothes kasi sobrang pawis na pero kailangan pa rin kami ng magdamag. Diretso na hanggang umaga.

"I'll buy you some food, Jude. Ako ang susundo sa'yo sa umaga at huwag ka ng umuwi sa apartment mo."

"Yeah, don't worry about me. May twenty minutes break ako. Idlip lang saglit."

"Do that, please. I'll just leave your food sa guard. Get it from him after your nap."

"Okay, bye."

Leroy sighed. "Bye, I love you."

"Okay, I love you too."

Ganoon ang ginawa ko. I napped for just fifteen minutes and ate for five. Then, sumama na ako sa rounds. May emergency patients ng madaling araw kaya mas naging busy kami.

"Mag-didiretso ka?" Si Kaye na kadadating lang.

"Huh?" Wala sa sariling tanong ko.

"Ah, yeah. Pero idlip muna ako ng isang oras." She nodded before she kissed my cheek and proceed to her work.

Almost Cruel Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon