Chapter 2: Engaged

Start from the beginning
                                    

Pagkalabas ko ay kaagad kong namataan ang isang stall kung saan may gumagawa ng mga milktea's at may mga nakapila pa.

It took some time bago ako nakapag-order ng gusto kong flavor dahil sa dami ng nakapila, kinuha ko na iyong akin bago ko binayaran at umalis, gusto ko narin sanang umupo kaso gusto ko naring tumingin-tingin sa mga products dito, baka sakaling may mabili ako.

I took a sip on my ube-pandan milk tea, roaming my eyes around. I stepped on the escalator downstairs while sipping on my drink.

Uhm! I love the milk tea so much!

I was about to enter the store of dresses when I heard a sort of familiar voice, I cannot ever forget! Hinanap ko kung saan iyon galing, tumingin ako sa ibaba, sa first floor, at walang tao sa stage pero may ini-escort-an ang tatlong nakauniporme na security.

Napatingin ako sa papaalis na lalaking ini-escort-an at nangunot ang noo. Is he the man who talked, ni hindi ko magawang makita ang pagmumukha niya, tanging ang likuran niya lang, he looks tall, he has this nice hair cut, at ma-awtoridad.

Mabilis akong tumapak sa escalator at tumakbo pababa. Ang mga taong nakaupo kanina ay papaalis narin kaya kinuha ko ang atensyon ng isa.

"Hi po, miss?"

"Yes miss?"

"Uhm, pwede po bang magtanong?" Nang tumango siya ay nagsalita ulit ako. "Kakilala niyo po ba iyong lalaking in-escort-an kanina? Iyon pong nakasuot ng barong?"

"Ah, oo miss, si senator Dmitrov iyon, nagpa-program para sa amin ngunit hindi lahat ng sales lady sa lahat ng shops."

Hindi ko man gaano naintindihan ang sinabi niya pero dalawang words lang ang tumatak sa isipan ko. Senator Dmitrov! Ikaw na ba si FN?

"Yaayy! FN!" Sigaw ko habang patakbong palabas ng mall.

I just shook my head before running outside the mall, luminga-linga ako sa paligid, hanggang sa nakita ko iyong tatlong security na umescort sa senator kanina. Napilitan akong lapitan sila. "Excuse me mga sirs, may tatanungin po sana ako..." I waved my hands infront of them when they didn't even blinked. "Si senator Dmitrov po ba ay si FN?" Tanong ko. Napasimangot nang hindi nila ako sinagot. "Ano kayo, mga robot? Tss!" I tsked before walking.

May nagtanong sa akin sa mga nakakarinig kong kilala ko daw ba si FN kasi sumigaw ako kanina... Tumingin ako sa orasan ko at napabuntong-hininga nang makitang alas-sais na nang hapon. Nagabihan na naman ako sa loob ng mall, ni hindi pa ako kumakain.

Nagpatuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad habang tumitingin sa daan para makakuha ng taxi, pero andami narin naman kasing nakasakay, lalo na ngayong Monday! It's frustrating, sana nalang nag-aral ako kung paano magdrive edi sana bumili ako ng kotse ko, kahit iyong mura pero huwag narin pala, mahal ang gasolina.

Hindi ko afford. I'm not pretty rich like my eldest sister. What a great day! Naalala ko na naman ng sister kong nanlalait. Napabusangot ako, impakthree! Nasira iyong hapon ko!

I was walking on the edge of the highway when a two guy approached me. "Hi miss, baka pwedeng ibigay mo na sa amin iyong bag mo o gusto mong masugatan ang napakakinis mong skin?" Napakislot ako nang maramdamang may isa sakanila ang humaplos ng balat ko. Doon ako natauhan. "Subukan mong sisigaw, matatamaan ka nito." Pagkasabi niyon ay iniangat nito ang kutsilyong hawak at itinapat sa tiyan ko, kaagad akong umiling sa takot. "Ngayon, amin ang bag mo."

"No!" May report ako doong ipapasa bukas, I cannot! "Parang awa niyo na please! Kahit iyong pera ko nalang ang ibibigay ko."

"Hindi! Hindi maaari... Amin na lahat!" Susuko na sana ako at ibibigay ko ang aking bag pero hindi natuloy dahil may mga dumakip sa dalawang lalaki.

"Are you okay?"

Napaatras ako sa takot na isa siya sa mga kasama ng dalawang lalaki, but when I looked at him. Hindi siya kagaya ng dalawang lalaki so I nodded.

He looks tall, he has atleast a foreign blood, maybe? He is so tall and my total height is on his shoulder. He has this pointed nose and broad chest.

He sighed. "I shouldn't asked that, you're not okay. Come on, let us get inside the car. Don't worry I am unharm."

Tiningnan ko muna siya sa mata bago tumango, saka gabi narin baka mapa'no ako kapag tatanggi pa ako.

He helped me go up on the car, luminga ako sa loob niyon at walang tao maliban sa driver.

"Senator, maraming salamat po at nantawagan niyo kaagad kami, si miss po, kailangan ng statement niya, although may cctv po rito pero kailangan parin."

"Yes officers, thank you also. Don't worry, susunod kami."

Tumango ang mga pulis saka hinila ang dalawang lalaki na nanakit sa akin. Nang makasakay siya ng kotse ay sinabihan ang driver na sundan ang kotse ng pulisya bago ako binalingan.

"S-Salamat po pala sa tulong niyo."

"Just 'thank you', no need the 'po'."

"Okay, senator po pala kayo?"

"Yeah."

"Ang bata niyo para diyan."

"Pansin ko din." Maikling sagot niya.

Tumango-tango ako. "Kayo iyong nasa mall kanina, right? Parehas kasi iyong suot niyo sa iyong kanina, nagsalita ka ba sa stage earlier?"

His forehead creased before he slowly moved his head closer to mine, that stopped me. What the hell!?

"S-Senator, sir..."

He smirked. "You talk to much." Aniya saka umayos ng upo. Doon ako nakahinga ng maluwag.

"N-Nagtatanong l-lang."

Tumingin ulit siya sa akin. "You wanna know me? Do you? I am Finn Dmitrov, I am into politics, and my age is currently 36. What do you want to know more?"

I shook my head. Hindi ko naman siya tinanong doon diba?

"Oh! And by the way, Euphoria Skye De Vega and Finn Atticus Dmitrov are engaged."

The Billionaire's Fiance (Completed)Where stories live. Discover now