Issue lang talaga ang mga kaibigan ko. Tulad nga ng sinabi ko, hindi importante ang pakikipagrelasyon saakin ngayon. Nadala na ako at parang ang hirap na pumasok ulit.

"Thanks," I kissed my brother's cheek before I went out of his car.

"I'll text you. I'll come here to pick you up. Okay?" I nodded. He talks like an older brother. Gusto niya talagang iyon ang palabasin dahil ako lang naman ang pinaka close niya sa mga kapatid. Syempre ay pati si Anne din.

Akala mo ay siya ang pinaka panganay. He's even way matured than Karter. Sa lahat ng bagay, at halos ipamukha saakin na mas mukhang bata ako sakaniya. His pride is like a tall tower, he won't call me 'ate' to highlight my age. He would just call me by my name, and that's it.

Umaga palang ay naging busy na kami. Nang mag-tanghali ay saglit lang ang break ko at hanggang gabi.

"Anong nangyari sa date mo?" Excited na tanong ni Kaye. Sa maghapong duty at ngayon lang kami nagka-chance na makapag-usap.

"Hindi ko naman dini-date si Karter. I went straight home to have dinner with my brother."

"Uy, si Leroy?" Si Albie. I nodded. Albie has a huge crush on my brother. Pero syempre, papalit palit din naman. Crush niya lang tuwing makikita pero halos sa lahat basta gwapo ay intresado siya.

"Siya ang nagluto ng dinner namin." Napanguso si Albie.

"Edi hindi ka umuwi sa bahay mo?" Tumango ako.

"Leroy wants to see me, kaya..."

"Ang swerte!" I rolled my eyes. Kaye giggled. "Pero si Karter ang sumundo sakaniya kagabi." Nanlaki ang mga mata ni Albie. "Whoa!" I shook my head.

"Her ex was even here. Ginamot niya pa." Nanunuyang sambit ni Kaye. I just raised my brow and shook my head. Tumayo na at umambang aalis.

"Sinong ex?" Si Albie.

"Si Kai lang naman ang ex niya, diba?" Si Kaye.

"Oh!"

"It's my job to aid him, Kaye. Kaya ginawa ko lang ang trabaho ko."

"Sabagay!" Kibit balikat niya.

One hour nalang ay out ko na. I was just checking some patients when Webster approached me.

"Are you free?" I nodded. He told me about the patient to aid kaya tumango ako.

"Name? Oh, may record na po pala kayo, at... kahapon?" Ang isang nurse.

"Yeah," Tamad nitong saad.

"Madalas talaga si sir dito," Hagikgik ng kapwa ko nurse.

"Where's my nurse?" Bagot na tanong nito.

Pumasok ako at alam ko na ang gagawin. This time, kamay niya naman ang sugatan. Ang mismong palad na animo'y nabubog.

Tahimik na umalis ang dalawang nurse nang dumating ako.

"What happened?" I asked coldly.

"Nabubog," Nag-aalinlangan niyang sagot.

"I thought you're not coming back here with bruises like these."

"Piniga mo ang bote hanggang sa nabasag?" I asked. I smell a combination of mint and alcohol from him.

"Uhm, yeah... Hindi ko napansin." I wonder what he was thinking at hindi niya napansin? Was he mad kaya ito nangyari? O kaaway?

He cleared his throat when I didn't ask for more. Natahimik na kami.

His hand feels warm. Nakapatong ito sa kamay ko at inaalalayan para magamot ng mabuti.

Almost Cruel Where stories live. Discover now