Muli akong bumalik sa madilim na parte at napansin agad ang biglaang pagtahimik, nawala ang kaninang biruan at tawanan.

Napasulyap ang tingin ko sa pwesto nila. Ako lang ang naglalangoy sa pool, at napansin ko na patingin tingin nalang sila saakin. Dumapo ang tingin ko sa gamit ko na nakapatong sa lounge chair sa pool side. Twalya lang ang naroon at ang iniwang slippers. Ang phone ay iniwan ko sa condo matapos ipaalam kay Kai na pupunta ako rito since nagtanong din siya.

I took a dip swim to fix my hair at nang mag-angat ay agad na napakunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na bulto ng isang lalaki.

Kai was sitting on my lounge chair. Naka pants pa at simpleng shirt. Bumabaling ang mga lalaking katabi niya at mas tumahimik.

Napatikhim ako bago naglangoy pabalik doon. He raised his brow at me at handa na ang puting roba at twalya. Nag-aabang saakin na makaahon.

I was just wearing a denim short shorts at spaghetti top.

He cleared his throat bago tahimik na ipinalibot ang robe saakin bago ipinatong ang twalya.

"Kauuwi mo lang?" Tanong ko.

"Yup." I nodded my head.

"Sabi na may boyfriend eh. Dude, hindi ka man lang nagka-chance." Hindi ko iyon pinansin. Pero ang napansin ko ay agad ang paglapat ng malapad na kamay ni Kai sa baywang ko at iginaya patungong elevator.

"Did they tried to hit on you?" I smirked.

"They did." Naririnig ko rin na ako ang pinaguusapan nila kaya alam kong ako, base na rin sa ilang utos nila sa lalaking lalapit sana.

"Tss... Mabuti at hindi ka naka swim suit, pero naka shorts naman. Wala rin."

"What did you do then?"

"Lumangoy lang para makaiwas."

"A-huh?" Napahalakhak siya.

"Trying to go near you at lumangoy ka palayo? Am I right?" Tumango ako. And he's looking satisfied nang marinig iyon.

Tumunog ang elevator sa tamang palapag at saka kami nakalabas. I just too a quick bath para makapag banlaw bago nag-dinner kasama niya.

"Nakapag-usap ba kayo ng Mama mo?"

"Yes, ayos na kami." I nodded my head. "That's good to hear."

"Did you settle everything with her?" He looked at me. "Yes,"

Napaisip ako. His mom's name is Canella Castillo and he's Kai Canelle Castillo. Noon ay akala kong single mom si Ma'am Canella dahil bata palang ako ay wala naman akong nalaman na may napangasawa siya. Pabalik balik sa ibang bansa dahil naroon ang kaniyang pamilya hanggang sa narinig ko nalang sa kina Peanut na may anak pala ito.

Kai Canelle Castillo. Ano nga ulit ang surname ni Sir Keanu? I haven't heard it even before. Both Kai and his Dad are seem to be close. Hindi ba niya dinala ang surname ng dad niya?

"Uhm, may breakfast ba ulit tayo sa saturday? With your dad?" I casually asked. Nagdagdag pa siya ng pagkain sa plato ko bago tumango.

"Yup, mag-uusap din kami."

"Tungkol sa Mama mo?" Maayos ba ang relationship ng parents niya? Knowing na hindi maganda ang tingin ko sa ugali ng kaniyang step mom.

He nodded.

"I brought you something." Pagbabago niya sa usapin namin. The whole night, ipinakita niya ang mga pasalubong niyang cotton shorts and comfortable tops. Mga pambahay, pantulog, at pang-alis. Pero pansin ko na mas excited at confident siya sa cotton short shorts na naalala kong nabanggit ko nga palang gusto ko.

Almost Cruel Where stories live. Discover now